DAMANG-dama niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang magkita na naman sila ng kanyang ninong. "A—Anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan niyang tanong na medyo nauutal pa. "I said hop in!" inis na sagot ng kanyang ninong. Wala siyang choice kundi ang buksan ang backseat at pumasok sa loob. "f**k, at talagang ginawa mo pa akong driver, Ms. Monsanto?" sarkastikong tanong sa kanya ni Royce. Hindi tuloy siya magkandauga at nagmamadaling lumabas mula sa backseat saka lumipat sa may front seat. Nakakabingi ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Mabilis ang kilos na inayos niya ang kanyang seat belt. Nakagat niya ang pangibabang-labi nang maramdaman ang palad ng kanyang ninong na ngayo'y nakadantay sa kanyang hita. "Alam mo bang naninibago ako sa'yo?" ani ng kanyang ninong hangga

