"Pinayagan ka ni Mr. Lee?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Susan sa kanya. "Yes, at valid naman ang rason ko. Wala namang problema dahil kailangan ko ring makapag-focus sa aking pagbubuntis, hindi na ako ang pinag-uusapan dito, Susan. Para ito sa batang nasa sinapupunan ko." "Hindi kami papayag na puntahan mo pa ron sa building na iyon si Mr. Sy para lang ipaalam na buntis ka, Lorna. Alam mo bang eskandalo lang ang hatid mo ron? Hindi maniniwala sa'yo si Royce lalo na at may kumakalat na si Mr. Lee ang ama ng batang dinadala mo since palagi kayong magkasama." Hindi niya pwedeng sabihin sa dalawang kaibigan ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Mr. Lee, may isang salita siya at totoong kung sekreto lang ng isang tao ay mapagkatiwalaan siya lalo na at sobrang confidential. "Walang makakap

