“What’s the meaning of this?!” May kalakasan ang aking tinig nang ihagis ang folder sa ibabaw ng table. Blanko ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Aldrin nang tumingin sa’kin. Ni isang salita ay wala siyang sinambit. “Matagal mo na ba itong alam?” muli kong tanong at sa pagkakataong ito ay kinalma ko na ang sarili. Isang marahas na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan at saka tumayo mula sa pag-upo. Naglakad siya palapit sa cabinet kung saan may mga naka-display na alak. Iba’t ibang klase iyon at pawang may mga label. Kinuha niya ang isang bote at saka isinalin ang likido sa shotglass na naroon din. Hinarap niya ako upang iabot ang shotglass sa akin na agad ko namang tinanggap. Inisang lagok ko ang pag-inom sa lamang likido niyon. “Mahal ko si Liza.” “Siya ang tunay na ina ni Justi

