Naglakad ako papunta sa mahabang couch kung saan naroroon ang mga kaibigan ko. Tinawagan nila ako para magkita at mag-bonding kami rito sa may kilalang bar sa Taguig.
Nakaka-miss din ang ganitong lakaran namin. Ilan linggo rin na walang alcohol ang katawan ko dahil sa naging abala na ako sa trabaho.
Nakailang pagbati at pa-pictures pa muna ang mga humarang sa'kin na empleyado bago ko tuluyang narating ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Ibang klase talaga ang ganda ni Jela, hinaharang pa rin gaya ng artista!" natatawang bulalas ni Mariz.
Ang malapad kong ngiti sa labi ay nanatili pa rin nakapaskil sa'king mukha. Madalas na kami uminom sa lugar na ito kaya kilala na rin ako ng ibang mga empleyado.
"Gano’n talaga ‘pag maganda!" saad ni Shane na inabot sa’kin ang wine glass.
Naiiling na tinanggap ko ang wine glass na iniabot niya sabay simsim sa lamang alak niyon.
Sina Shane at Mariz ay mga kaibigan ko mula pa lamang noong kolehiyo kami.
Nawala ang ngiti sa aking labi nang mahagip ng paningin ko ang lalaking nakaupo mula sa kabilang couch.
Para tuloy akong tinuklaw ng ahas dahil sa nakikita ko na naman ang kaniyang presensiya gayong ilang linggo rin akong umiwas sa kaniya.
Literal na iniwasan ko si Jordan dahil makakahalata na sa’kin sila mommy at daddy kapag patuloy ko pa siyang hinarap.
Hindi ko kasi kontrolado ang aking emosyon sa tuwing nakikita ko siya. Dinaig ko pa nga ang menauposal na matinding magsungit lalo na kapag nariyan siya sa tabi ko.
Siningkitan ko ng mga mata ko si Jordan nang tumingin siya sa ‘king gawi.
Kung bakit sa dinami-rami naman ng bar na pwedeng mapuntahan ay bakit rito pa talaga niya naisipang magpunta?
Tuloy may pagdududa akong nadama. May pagtatanong sa aking mga mata nang balingan ko sina Shane at Mariz.
Tila naunawaan naman nila ang ibig sabihin ng tanong sa aking mga mata dahil agad silang nagpaliwanag.
"Hindi ko alam kung ba't nandito si Jordan kaya h'wag mo akong tingnan ng ganiyan." Depensa ni Mariz sa kaniyang sarili.
"Sa palagay ko ay inimbitahan siya nina Javier at Julius," paliwanag naman ni Shane.
"Ibig sabihin close nina Javier at Julius si Jordan?" mulagat kong tanong.
"Tropa na sila noon pa man. Hindi nga lang halata dahil intern natin si Jordan," sagot ni Shane.
“Tropa? Pa'no sila magiging magtropa gayong ang laki ng agwat ng edad niya sa atin?” patuloy kong tanong.
“Ano naman ang kinalaman ng edad sa pagiging magtropa?” natatawang tanong ni Mariz.
“Oo nga naman, Jela! Walang edad sa pagiging magtropa kung gugustuhin,” segunda naman ni Shane.
“Hindi magandang katropa si Jordan dahil masyadong seryoso sa buhay,” iritable kong turan.
“Alam mo kulang ka lang sa dilig e,” natatawang sabi ni Mariz sabay abot ng baso sa’kin.
“Bakit naman siya magkukulang sa dilig? Anong silbi ni Ryan sa buhay ni Jela?” natatawang komento ni Shane.
Inirapan ko sila saka itinutok ang paningin ko sa ibang direksyon kung saan hindi ko na makikita si Jordan.
Malaking kaguluhan sa pag-iisip ko ang kaniyang presensiya lalo na sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa’kin.
Pakiwari ko kasi ay hinuhubaran niya ako sa kaniyang mga titig hanggang sa kung saan na umabot ang kaganapang iyon.
Iyan ang madalas na tumatakbo sa aking isipan sa tuwing nasa paligid ko lamang siya.
“Speaking of Ryan, bakit hindi mo nga pala siya kasama ngayon?” tanong ni Shane.
‘Di ko pa nasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Ryan dahil nawala na rin iyon sa aking isipan.
Ni hindi ko nga naalalang umiyak ako ng ilang gabi para sa gàgong iyon at naging mas masaya pa yata ako dahil tuluyan siyang nawala sa sirkulasyon ng buhay ko.
“Huwag mong hanapin ang mga taong wala rito.” Tumayo si Mariz mula sa pagkakaupo at saka umindak-indak na tiyak kong sa sayawan ang tungo.
“Sayaw tayo!” kapagkuwa'y aya na nito.
“Ayoko. Kayo na lang!” Agad kong tanggi sa gusto niyang gawin.
Pinanliitan niya ako ng kaniyang mga mata. “Bawal ang KJ!”
Napangiwi ako nang dumako sa gitna ng dance floor ang mga mata ko. Muli kong naalala ang gabing ibinigay ko kay Jordan ang aking vîrginîty.
“Sh*t!” bulong ko sabay pilig sa’king ulo upang iwaksi ang pangyayaring iyon.
“Don’t curse me! Ang gusto ko lang ay sumayaw tayo,” nakaismid na sambit ni Mariz.
“Kayo muna ni Shane ang magsayaw. Pupunta lang ako ng ladies room.” Mabilis akong tumayo saka nagmartsa paalis mula sa aming kinauupuan.
Malalaki ang mga hakbang at walang lingon likod kong tinungo ang ladies room upang doon pansamantalang magtago.
Palabas na ako ng cubicle ng bigla na lamang sumulpot si Jordan sa’king harapan.
Hindi ko alam kung papaano siya nakapasok gayong ipinad-lock ko naman ang pinto.
“Anong ginagawa mo rito?” asik ko sa kaniya.
Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi sabay abante papalapit sa’kin.
“Huwag kang lumapit sa ‘kin kundi sisigaw ako!” banta ko sa kaniya kahit pa nga para na akong mabibingi sa lakas ng kalabog ng aking puso.
Malakas na singhap ang kumawala mula sa loob ng bibig ko nang hapitin ng braso niya ang aking baywang.
“Go Jela, sumigaw ka hanggang gusto mo.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa'king mukha.
Malakas na kumalabog ang puso ko nang dumampi ang kaniyang balat sa aking pisngi at tila may paru-paro ang bigla na lamang nagliparan sa loob ng sikmura ko.
“Napag-isipan mo na ba ang alok ko sa iyo?” nakangisi niyang tanong.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pag-alala sa huling tagpo naming dalawa. Kapwa kami naglalabas ng init ng aming mga katawan sa loob ng aking opisina kung saan muntik pa kaming mahuli ng kaniyang tiyuhin.
“Let go!” mariin kong hayag at saka itinulak ko siya sa dibdib.
“I won't let you go.” Ang salita niya ay naghatid ng kakaibang init sa aking katawan.
Nagtagpo ang mga labi namin nang mapusok niya akong halikan sa labi. Sa biglaang paggalaw ni Jordan ay namalayan ko ang sariling katawan na sumailalim sa ibabaw ng kaniyang katawan.
Impit akong napaungol at para bang kakapusin ng paghinga dahil sa tindi ng pag-alab nang malalim na galugad ng kaniyang labi sa’king labi.
Ramdam ko ang kagustuhan niyang maangkin ako dahil sa ipinahahayag ng kaniyang katawan na nagdadagdag intensidad sa init ng aking katawan.
“Moan my name, Jela. Moan it!” Puno ng pagnanasa ang boses niya habang sinasambit ang mga salitang iyon.
“J-Jordan...”
“Sleep with me and make love to me.” Bumabaon ang kaniyang tingin sa’kin na tila ba sinusuri ang lalim ng aking emosyon.
Ipinikit ko ang mga mata ko upang ikubli ang gumugulong damdamin sa aking kalooban.
Hindi ko alam, pero parang gusto ko nang pagbigyan ang kaniyang hiling. Isang hiling na kung tutuusin ay ako rin naman ang makikinabang kung saka-sakali.
“I-if... if I will sleep to you, can you assure me that you will keep your promise to me?” Sinalubong ko ang pagtitig niya sa’kin.
“I will, Honey. I will.” Lumapat ang labi niya sa noo ko.
Mapait akong ngumiti saka kinabig ko siya sa kaniyang batok. Ayaw ko na muna siyang biguin sa gabing ito kaya kalilimutan ko muna ang anumang inis sa kaniya.
Siniil niya ng halik ang labi ko at saka mapusok na iginalaw ang kaniyang balakang pahampas sa’king katawan.
“T-take me to your bed now and f*ck me!” May nginig sa aking salita nang sambitin iyon.
Sumilay ang simpatikong ngiti sa labi niya saka walang babalang binuhat ako palabas ng ladies room habang patuloy lamang siya sa kaniyang paghalik sa aking labi.
Binihag ako ng aming halikan na tila ba isang nakabibighaning gawain na nakakawala ng ulirat na nag-uugnay naman sa aming mga kaluluwa.
Sari-saring emosyon ang lumukob sa aking kalooban dahil isa itong unos ng pangangailangan na humihingi ng kaganapan.
Kaganapang walang konkretong plano kung paano haharapin sa mga susunod na araw.
Ito ang kaganapang hindi ko alam kung bakit parang gusto ko rin subukan lalo’t alam kong si Jordan ang aking kasama. O baka mas tamang sabihin, daig pa namin ang naglalaro. Naglalaro ng apoy!
Apoy na walang kasiguruhang makakaya naming supilin ‘pag nagkataon.