MAJA-RUTH BREAK TIME, at naisipan kong pumunta ng comfort room. Medyo kinakabahan pa rin kasi ako hanggang ngayon, dahil ang sabi-sabi ng mga taga dito, number one palagi ang unibersidad na pinapasukan ni Justin. Mayghad! Wala ata sa kalingkingan ng school namin ang school nila. Hays! Pero, wala naman yan sa taas ng antas, nasa talino parin yan ng isang estudyante. Oo, nasa mataas ka nga ng antaa ng paaralan, ang problema, e, pera naman ang nagdadala sa'yo para makapasa ka. Tsk! Mas okat na 'yung kahit nasa simpleng antas ka lang ng paaralan kung ang ginagamit mo naman ay husay, diskarte, at talino. "Feeling nervous?" Kamuntik pa akong mabuwal sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang maawturidad na boses mula sa aking likuran. "Dad?" Hinarap ko siya at nagsalita rin. "Magka-halong ka

