Chapter 15 Ali woke up with a headache. Nanood siya ng TV kagabi habang hinihintay si Evander pero hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang oras. Alas nuebe na ng umaga. Bumangon siya sa kama at naligo. Nagbihis siya ng jeans at puting t-shirt bago bumaba. Pagbaba niya sa hagdanan, nagulat siya nang makita ang kanyang Papá. "Papá? What are you doing here?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pumutok ang gilid ng labi ni Evander. Mabilis na dinaluhan niya ang asawa at pinandilatan ang kanyang Papá. Naningkit ang mga mata nito. "Is that how you greet your father, Ali?" "Why did you do this to my husband?" Naupo siya sa tabi Evander at tiningnan ang sugat nito. May kaunting pasa din ito sa pisngi. "Your husband cheated on you, in case you forgot." Matigas n

