PINAGTAGPI-TAGPI ni Lily ang mga dahong pinitas sa paligid. Ginawa niya iyon para pansamantalang pantakip sa katawan. Naligo siya sa lawa at nilabhan ang mga damit na naputikan dahil sa pagkakahulog sa butas.
"Tadaaan!" lahad niya sa damit na nasa katawan. Feeling achieved sa nagawa, nagparampa-rampa siya sa gilid ng lawa na parang model. "Thank you! Thank you!" kaway-kaway niya sa imaginary audiences at nag flying kiss, nakapamaywang na nagpose.
"Good evening everyone. I am Lily Rose Cariniosa y Manabat, the modern Eve of the century and there..." turo niya sa nakatalikod na si Juda sa di kalayuan. "...with me is Juda, the modern snake na sugo ni Satanas." aniya at humalakhak. Mapapatay talaga siya ni Juda 'pag narinig siya.
"Eyniweeys... halina at isampay natin itong mga 'to, para bukas good as new!"
Niladlad niya ang mga basang damit sa sanga ng puno pagkatapos ay nagmartsa papunta sa bon fire. Doon siya pupwesto ng tulog para hindi ginawin. Naglatag siya ng malalaking dahon sa lupa, humilata at nilingon ang kasama.
"Goodnight." sabi ni Lily kay Juda. Bahagya lang siyang nilingon nito gamit ang favorite nitong 'wala akong pakialam' look. Umismid siyang tumalikod.
Ilang sandali ay nakaramdam ng init si Lily.
'Parang ang lapit ko yata sa apoy.' Umusog siya ng ilang dipa at pinagpatuloy ang pagtulog.
NAALIMPUNGATAN si Lily sa tunog ng malakas na ungol. Gumulong siya paharap sa apoy ngunit napahiyaw nang makita si Juda kaharap ang isang malaking hayop. Kamukha iyon ng isang itim na lobo pero pula ang malalaki nitong mata, may mahabang sungay sa noo at malalaking pangil na nakausli sa bunganga.
Dali-dali siyang kumilos para tumayo pero nalukot ang binti niya sa isang pulang tela.
'Tela? Saan galing 'to?'
Umungol ulit ng malakas ang nakakatakot na hayop kaya napatingin siya sa gawi ng mga ito. Doon niya lang napagtanto na hindi suot ni Juda ang kapa. Nagtataka siyang tiningnan ang hawak na pulang tela.
'Ows? For real?' Binura niya ang naisip at mas nagfocus sa pagtago. Nagkubli siya sa isang malaking puno at sinilip ang pangyayari.
'Nasaan ang blade ni Juda?'
Hinanap ng mga mata ni Lily ang sandata na natagpuan niya na nakatayo sa gilid ng isang puno kung saan dating nakaupo ang lalaki. Malayo iyon sa kinaroroonan nito ngayon kaya nag-alala siyang mahirapan itong makipaglaban. Umungol ang hayop ng malakas at patakbong sinunggaban si Juda. Hindi makapaniwala si Lily na nakipagbuno ang lalaki doon!
Nanginginig man ay maingat na humakbang si Lily papunta sa kung saan ang glaive at kinuha.
'Shocks! Juice colored! Magkakaalmuranas ako sa bigat nito!'
Hila-hila ang glaive ay nagtago si Lily sa mga halaman, maingat na lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Pinakibabawan na si Juda ng kalaban. Pinagsususuntok ng lalaki ang mukha nito habang hawak ang ulo sa kabila. Buong lakas na sinipa ni Juda ang hayop sa tiyan kaya nagtumbling ito palayo.
'Now na!'
"Juda!" tawag niya sa lalaki at inihagis ang glaive sa lupa papunta dito. Pero dahil mabigat, hindi masyadong napalapit kay Juda ang sandata.
Nakabawi ang hayop mula sa pagkakatumbling kaya mabilis itong tumayo at sinunggaban ulit ang lalaki. Nakuhang umiwas ng huli sa pamamagitan ng paggulong na pagtalon patungo sa glaive kasabay ng pagtayo ay hiniwa ni Juda ang sumusugod na hayop.
Napatalon sa saya si Lily at pumalakpak. "Wooo! Wow! Wagi!" Para lang siyang nanonood ng isang eksena sa scifi movie. Dalawang halimaw na alien naglaban. At proud na proud siya sa sarili dahil may parte siya doon! Siya ang sidekick ng kontrabida na hero.
"Galing-galing mo palang magkarate! Kitang-kita ko nung jinumbag mo ng ganern ang feslak niya. Da bes!" aniyang minasa-masahe ang malaking braso ni Juda.
Nakataas lang ang kilay na tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak. Agad naman niyang kinuha iyon at umismid.
"Teka, may sugat ka!" may kalakihang kalmot sa kamay nito at dumudugo.
'Red din pala ang dugo nila.'
Iniwas naman ni Juda ang kamay at kinuha ang kapa.
"Maliit lang 'to."
"Eh, dumudugo eh. Linisin natin baka may rabies."
Tila walang narinig ang lalaki, sinuot nito ang kapa at nag-umpisang naglakad.
"Bahala ka sa buhay mo." bulong ni Lily
"NASUNDAN niyo ba kung saan nagpunta ang sasakyan ni Juda?" tanong Elko sa mga alagad
"Opo, sa Rattus. Napuruhan ang sinakyan niya kaya nag emergency landing siya doon. Nakita na ng mga kasamahan natin ang sira niyang shuttle pero nakaalis agad si Juda. Kasalukuyan na silang nagmamasid sa buong lugar."
"Magaling. Ipagpatuloy ninyo ang ginagawa. Dalhin ninyo ang ulo ni Juda sa Anguis, patay o buhay. Magsisisi siya na pinagmukha niya tayong hangal." sabi ni Elko
MALAYU-LAYO na ang nilakbay nila Lily at Juda. Maliban sa kakahuyan ay may dinaanan din silang kapatagan, sapa at kabundukan. Ngayon nga dahil nagbabadya ang ulan, pansamantala silang nakisilong sa isa sa mga kweba doon.
"Ang amazing naman dito. Sa movies ko lang to nakikita. May ganito pala talagang kweba?" Hindi common sa isang taga Maynila ang makapunta sa ganoong lugar at makaexperience ng ganoong adventure kaya kahit nakakapagod, nakakaenjoy naman iyon para kay Lily. At bonus pa na may mga nilalang na kagaya ng nakikita niya sa Dota.
"Ganitung-ganito yung cave na napanood ko sa Alpha." Yeah right, para siyang baliw na nagsasalita mag-isa. Paano nga naman makarelate ang isang dragon sa Alpha?
Dumidilim ang paligid dahil sa nagbabadyang ulan. Lumapit si Lily kung saan nakaupo si Juda at nagsquat. "Juda, diba... dragon ka? Hindi ka naman siguro butiki, diba?" tanong niya sa lalaki na tahimik na nililinis ang glaive. "Napakapathetic naman kung ganoon." bulong niya
Gumalaw ang eyeballs nito mula sa pagkakatungo at tumingin sa kanya. In-interpret ni Lily iyon as 'Anong ibig mong sabihin?' Sa maikling panahon na nagkasama sila ng lalaki ay medyo kilatis na niya ang galaw nito, lalo na kung patungkol sa kanya.
"Kasi... maginaw. Kaya mo bang bumuga ng apoy?"
"Gusto mo bugahan ko iyang mukha mo nang matupok ka at wala nang maingay?" napaatras naman si Lily sa sinabi ng lalaki.
Tumayo si Juda at naglikom ng kung anong nakitang tuyong dahon at sanga sa labas. Pagbalik nito ay inipon iyon sa isang sulok, kumuha ng dalawang bato at malakas na kiniskis. Gumawa iyon ng apoy kaya may bon fire na sila.
'So wala siyang apoy.' naisip ni Lily
Pagapang na lumapit ang dalaga sa bonfire at tinapat ang mga kamay malapit sa apoy. Pagkatapos ay dinampi iyon sa pisngi. "Shelemet."
Nagtagpo lang ang mga kilay ni Juda, alam niyang hindi nito naintindihan ang sinabi niya dahil hindi iyon kasali sa translation ng bato.
"Juda, alam mo ba sa amin, sa Pilipinas, kapag kumakapal ang mga ulap ng ganyan," turo ni Lily sa kalangitan. "may ginagawa kaming parang ritwal para hindi matuloy ang pagbagsak ng ulan." Nagpatuloy na siya dahil alam niyang wala siyang mahihitang response dito pero nakinig naman ito. "Gamit ang index finger at middle finger, ganyan, paghiwalayin mo na parang gunting. Tapos itapat mo sa kalangitan, siyempre with feelings. Titigan mo ang mga ulap, sabihin mo 'Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!' Mas marami, mas effective. Gusto mo itry? Halika, sabay tayo para hindi na umulan." Hindi kumibo si Juda. "Ayaw mo? Sige ka, pag umulan, dudulas ang daanan natin, mas delikado. Tsaka mas lalong lalamig. Ganun lang naman ang gagawin. Simple."
"Paano?" nasorpresa si Lily dahil pumayag talaga ang lalaki sa gusto niyang ipagawa. Pigil ang ngiting kinagat ni Lily ang mga labi. Naisip siguro nito na tama ang sinabi niya. Mas magiging mahirap ang paglalakbay nila kung basa ang paligid.
"Halika," aniyang tumabi dito. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"
Bahagyang itinaas ni Juda kamay at ginaya ang ginawa niya. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!" Magkasabay nilang usal.
"Lakasan mo pa, para makaabot sa taas. Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"
Nag-aalangan ang lalaki sa pinagagawa niya. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"
"Lakas pa, Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"
Marahas na ibinaba ni Juda ang kamay. "Kalokohan." Napakislot si Lily.
"Siguradong hindi na iyan uulan, ginawa natin ang ritwal eh. Mga five minutes, liliwanag na iyan."
Makaraan ang three minutes, bumuhos ang malakas na ulan.
Gaya ng kasabihan, 'Kung nakamamatay lang ang titig, nangisay na siya', applicable iyon sa ginagawa ni Juda sa kanya ngayon. Nakikita niya na mas lalong nagdark ang dark na nitong loob para sa kanya. Umusod siya ng ilang hakbang mula dito at umiwas ng tingin.
"Hindi siguro nasense ng langit. Nagdalawang-isip ka kasi."
MAHIGIT dalawang oras ang dumaan bago tumila ang ulan. Lumabas sila sa kweba at pinagpatuloy ang paglalakad.
'Sana may makita na kaming village para makahingi ng tulong at makauwi na. Namimiss ko na ang malambot na kama, ang toothbrush at make ups ko. At juice colored! Paano 'pag datnat ako ng menstruation, saan ako kukuha ng napkin?'
Huminto si Juda sa paglalakad. Nasa ganoong pag-iisip si Lily kaya hindi niya napansin iyon at bumangga sa likod ng lalaki.
"Aray!" napansin ni Lily na diretso ang tingin ni Juda kaya tiningnan niya din iyon. Namilog ang mga mata ng dalaga sa nakita. Sa wakas ay may nakita na silang kabahayan!
Sumunod siya nang naglakad si Juda papuntang village. Siniguro ni Lily na nakadikit siya sa tabi ng lalaki dahil hindi pa niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila doon. May dalawang batang anyong daga ang naglalaro sa damuhan. Kumaripas ang mga iyon ng takbo nang Makita silang dalawa. Ilang sandali pay may kasama na ang mga itong dalawang adult na daga.
"Anong maipaglilingkod namin sa inyo, ginoong Sauro?"
"Naliligaw kami. Kailangan naming pumunta sa tanggapan ng namamahala sa lugar na ito para makipag-usap sa Sauros." sagot ni Juda.
"Malayo ang pinakamalapit na lungsod. Nasa likod ng pang-anim na bundok mula dito." turo nito sa bulubundukin na nasa unahan.
"Kung gayon, maaari bang manatili muna kami ng kahit tatlong araw lang dito? Naglakbay kami ng malayu-layo. Kailangan naming ihanda ang sarili para sa susunod na paglalakbay." sabi ni Juda
Nagkatinginan ang dalawang daga bago sumagot ang isa, "Ikinalulungkot namin ngunit wala kaming sapat na tulugan, gamit at pagkain para sa mga panauhin." Halata sa anyo ng mga iyon ang paghihinala sa kanila.
May nakikita si Lily na mga dagang balingkinitan ang katawan at nakasuot ng saya. Sa hula niya ay mga babae iyon. May dalang basket na may lamang mga tela o damit siguro. Sa di kalayuan ay mayroon ding may kargang baby na daga. Ang hitsura ng village ay kapareha lang sa nakikita niyang kabahayan sa probinsiya sa Pilipinas. May sampayan, may taniman ng halaman at mangilan-ngilang alagang hayop. Iyon nga lang ay ibang-iba ang hitsura ng mga hayop doon.
"Tutulong kami sa paghahanap ng pagkain." saad ni Juda
"Pasensiya na ginoo, ngunit hindi namin kayo mapagbibigyan." iling ng kausap
Tumango-tango si Juda pero nakatiim-bagang. Tumalikod ito nang hindi man lang nag-iwan ng isang salita.
"Ahm, pasensiya napo sa abala, misters. Maraming Salamat po. Aalis napo kami." nakangiting sabi ni Lily
"Hindi ka taga Sauros, babae. Saang planeta ka nanggaling at bakit kasama mo ang isang mandirigmang Sauro?"
"Ahh..." paano niya ba ipapaliwanag dito ang nanyari. "... taga Earth po ako. At ahm, bale bayaw po siya ng kapamilya ko."
"Bayaw?" nalilitong tanong ng daga. Tumango si Lily. "Hindi ko maintindihan."
'Huwag nyo na pong intindihin kasi kahit ako nababaliw na rin.'
"Pero sige mag-iingat kayo at gumagabi na. May mga fera bestia na gumagala dito."
"Fera bestia? Ano po iyon?"
"Iyong mga hayop na kulay itim, may nakakatakot na pulang mata at mahahabang sungay sa ulo. Lumalapa iyon. Ilang beses na kaming namatayan ng kauri namin dahil sa mga hayop na iyon. Lumalabas iyon sa gabi kaya gaya ng nakikita mo, sinasarhan na namin ang kabahayan kapag sumapit na ang kadiliman."
Naalala ni Lily ang hayop na mukhang wolf na napatay ni Juda. "Marami po bang ganun dito, mister?"
"Hindi naman, nadiskobre naming tatlo lang pero mahirap patayin dahil sadyang malalakas. Kaya ulit, mag-iingat kayo."
"Ahh, sige po. Maraming salamat sa paalala." nagpaalam na si Lily at sinundan ang nakasimangot na si Juda.
"Juda! Teka, may ichichika ako sa'yo." saad niyang pilit hinahabol ang lakad ng lalaki. "Parang takot sila dun sa hayop na nakalaban mo. Every night yatang pumupunta sa village nila para maghanap ng malalapa. Ayun, nakakandado na lahat ng Bahay nila."
Tumigil sa paglalakad si Juda at tiningnan siya.
"Naiisip mo bang naiisip ko B1?" saad ni Lily na kumendeng-kendeng. Mukhang nagets ng kausap ang ibig niyang sabihin.
MALAKAS na katok ang ginawa ni Juda sa pintuan ng bahay ng nakausap na daga. Halos magiba na iyon sa bigat ng kamay ng lalaki. Ilang sandali ay tumunog ang knob niyon at bahagyang bumukas ang pintuan. Sumilip ang lalaking daga sa likod. Itinaas ni Juda ang gulagulanit na ulo ng fera bestia para ipakita. May tumutulo pang dugo sa putol na leeg.
Tila namangha ang daga sa nakita at binuksan ang pintuan ng malaki. Nagsilabasan naman ang mga kasama nito sa bahay at gaya ng nauna ay hindi makapaniwala, nagbulungan.
"Uubusin ko ang lahat ng hayop na ito, kapalit ng tatlong araw na pamamalagi namin dito." saad ni Juda
Nagtinginan ang mga daga, saka tumango. "Sige."