YUKI:
“Kuya Berto!!” Sigaw ni Adam nang makararing kami sa harap ng harap ng tarangkahan palabas ng kaharian.
“Oh kayo pala, kasama niyo pala si Yuki sa inyo ha.” Saad ni Kuya Berto at ng nakita niya ako ay kinawayan ko na lng siya.
Hindi na lng ako kumibo at pinakita na ni Silver ang Quest na kinuha namin at ang mga Adventure ID namin saka nag paalam na kay Kuya Berto.
Habang nag lalakad ay agad kong napansin na maingay ang groupong ito dahil laging nag tatalo ang apat, adam laban kay hinata, Miyo laban kay Akame. Minsan pa nga eh nag tutulungan pa nga sila Adam at Miyo ganoon din naman sina Hinata at Akame.
Kahit naman na maingay sila ay okay na din iyon dahil ayaw ko din naman ng tahimik. Nakakaramdam nga ako ng lamig dito dahil sa katabi ko.
“Ikaw Yuki ano ang sa tingin mo ang masarap! Mazzel Nut Cake o Honey Bee Cake?” Nagulat na lng ako ng tawagin ako ni Hinata at ang lapit ng kanyang mukha sa akin.
At dahil sa tanong na ito ay di ko alam ang isasagot ko. Dahil unang una di ko alam ang lasa ng Cake na tinutukoy nila at pangalawa ay parang nakasalalay sa aking kamay ang kapalaran ng isa sa kanila. Kaya naman ang sinagot ko ay:
“Parehas naman masarap para sa akin.” Saad ko at doon ay mas lalo pa silang tumingin sa akin ng matalim na tingin*Gulp*.
“Tama na yan naman dito na tayo.” Save by the Quest. At doon ay umayos na sila at seryoso na dahil madami dami ding mga goblin ang nakikita ko mula sa kinarorooan namin.
“Dating gawi. Miyo at Adam harap kayo. Hinata at Akame Free Hit at kayo na ang bahala sa likod ng dalawa. Ako na ang bahala sa AOE(Area of Effect) at sa pag hahanap ng Champion. At ikaw babae ikaw na ang bahala sa amin kung may masusugatan naman.” Paliwanag sa amin ni Silver at Tumango na sila at ganoon din.
Sumugod na sina Miyo at Adam ganun din si Akame na biglang nag laho sa tabi ni Hinata. Hinanda naman ni Hinata ang kanyang Pana at ganoon din si Silver.
Swift Arrow
Saad ni Hinata at nag pinakawalan na ni Hinata ang pana. At isang mabilis na Pana ang papunta sa mga Goblins. Ilan din ang natamaan nito.
Heat Ray
Pakawala ni Silver ng Skill niya at doon ay nakita ko na may lumabas na kulay pula at isang mahabang linya ito patungo sa mga Goblin. At ng tumama ito ay agad na may pagsabog ang nagyari.
At dahil sa wala din naman akong masyadong ginagawa kaya naman ay timitignan ko lng sila isa isa upang makita kong may sugat sila.
Sa kabila naman ng aking pag tingin ay may napansin ako at yun ang mabilisang pagpatay sa mga Goblin at doon ay nakita ko si Akame ng siya ay huminto. At ilang sigundo pa ay naglaho na naman siya sa aking paningin.
Thunder s***h Dash
Isang sigaw ang aking nakirig at doon ay nakita ko si Miyo na nababalotan ang mga kidlat at isang iglap lng ay agad din itong nagpaho at napunta mga ilang metro ang layo sa kinarorooan niya kanina. At ang mga Goblin ay biglang sumirit ang kanilang berdeng dugo at natumba na agad sila.
Malakas ang bawat isa sa kanila at tiyak ako doon kaya naman ay bakit pa nila ako kailangan kung mga gasgas lng din ang makukuha nila at walang malalalang sugat na matatamo? At doon ay naisip ko ang isa sa mga Skill ko at yun ang Enhancement. Kaya naman ay agad agad ko itong ginamit.
Enhancement: Agility Up
Strength Up
Mana Up
Mana Recovery
At dahil sa Skill ko ay nakita ko silang nag liwanag pero hindi yung nakakasilaw sakto lng. Nag liwanag sila at tumingin silanv lahat sa akin at nginitian ko lng at sabay kaway sa kanila.
Hindi na nila ako pinansin at tinuloy na nila ang kanilang bakbakan.
Rapid Fire
Saad ni Hinata at sunod sunod na arrow ang kanyang pinapakawalan at lahat ng ito ag tumama sa mga Goblins.
Whirlpool
Bitaw ni Adam ng skill niya at mabilis siyang umikot ikot. At parang Whirlpool ay nakakahila siya ng mga Goblins papunta sa kanyang direction.
Nakita ko ulit si Akame pero palipat lipat siya ng kinarorooan parang nag teteleport siya sa likod ng mga Goblins at mabilis na pinaatay ang mga ito. Hindi ko marinig kung anong skill ang ginamit niya dahil sa layo at di naman siya sumisigaw di tulad nila Adam at Miyo.
May mga nakakaligtas na Goblins at papunta sa kinarorooan ko pero hindi din nila nagawa dahil sa kung hindi pana ang dahilan ng pagkamatay nila isang Fireball o kaya naman ay isang Daggers.
Well, hindi naman sa hindi ako thankful sa ginagawa nila, pero duh! Kaya ko kayang protektahan ang sarili ko.
Nakakailan na ang napapatay nila Silver simulanang mag pusa ang laban pero... Hindi parin maubos ubos ang dami ng mga ito at nag uumpisa na akong makaramdam ng antok.
Icicle Shards
Bitaw ni silver ng skill at doon halos isang daan ang lumabas na mga Yelo na matutulis at mabilis ma bumalosok sa mga Goblins.
At doon ay nakita ko na ang mahigpit na hawak ni Silver sa kanyang Staff. Siguro dahil sa malapit ng maubos ang kanyang Mana sa katawa ngunit dahil sa Enhancement ko ay mabilis na nag rerecover ang Mana ni Silver.
“Silver balik ka muna dito para bumalik ang Mana mo.” Sigaw ko sa kanya at doon ay tumingin siya sa akin at dahil sa wala din namna siyang magawa ay balik din siya.
“Bumalik ka na lng ulit sa bakbakan kung sa tingin mo ay okay na ang Mana mo.” Saad ko at mabilis na tinignan ulit ang sitwasyon ng mga kasamahan namin.
“Ughhhh!!!” Hinanap ko ang pinanggalingan ng sigaw at doon ay nakita ko si Miyo na may malaking sugat mula sa likod.
Divine Heal
Sambit ko ng aking skill at dali daling nagliwanag ang sugat ni Miyo at ng mawala na ang liwanag ay kasabay nito ang pagkalaho din ng kanyang sugat.
At ng nawala na ang sugat ay mabilis din ang pag hataw ng ispada ni Miyo papunta sa Goblin na nasa likod ng niya at mabilis itong namatay dahil sa nahati sa dalawa ng katawan ng Goblin. Tumingin siya sa aking pwesto at mabilis na ngumiti habang sinisigaw ang ‘SALAMAT!!’ sa akin. Kinawayan ko na lng siya at mabilis na tinuro ang mga Goblins na papunta sa kanyang likuran at mabilis na umikot si Miyo at mabilis na namatay ang mga Goblins. Ngumiti siya ulit sa akin saka umalis na ulit para ituloy ang bakbakan.
.
.
.
.
.
Ilang oras na kami dito at nakikita pag laban sa mga goblin at... Mga lechugas naman ang mga ito.
Di ko sukat na akalain na aabot ng mahigit 3 oras ang bakbakan namin dito. Oo alam ko na mahina ang mga Goblins na ito at malakas sila pag magkakasama dahil sa Birth rate nila pero... Wala namang nakapag sabi aa akin o kahit sa mga nabasa ko na ganitong oras ang tatagal.
Frozen Field
Banggit ni Silver ng kanyang skill matapos nitong bumalik sa bakbakan na nagaganap. At doon ay naramdaman ko ang mabilis na pag baba ang temperatura ng lugar.
At dahil sa pag baba ay bumagal ang kilos ng mga Goblins na nahagip nito ang iba sa kanila ay hindi na din nakakilos dahil sa nag yulo na ang kanilang paa.
Fire Arrows
Banggit ni Hinata ng kanyang Skill at umuulan nang mga palaso mga umaapoy na at tumongo ito sa direction ng mga goblins na nasa Frozen Field ni Silver.
“Ucckk!!” Nakita ko si Akame na may sugat sa kanyang braso habang napapaligiran ng mga Goblins.
Heal
Sabi ko ng skill at mabilis na nag laho ang sugat nito sa baro at tulad ng inaasahan ay mabilis ding nag laho si Akame at mabilis ding namatay sang mga Goblins.
“Atras”sigaw ni silver kaya bumalik silang lahat kung saan ako nakapwesto
Magma pagkatapos nyang sabihin yun ay biglang uminit at nasusunog ang mga goblin pero biglang umulan nang malakas kaya nawala ang magma at may mararamdama kami nang hihina kami pag tingin ko nababawasan ang buhay namin... Lintek anong meron sa ulan na ito!!
Golden Barrier banggit ko at may barrier na nakapalibut sa amin pero ang buhay namin ay nabawasan na nang 30% nakakainis
Create Magic
Bulong ko at inisip ko na may uulan na alikabok at papagaligan kung ano ang nawalang buhay ay ganoon din ang ibabalik nito
Healing Dust sigaw ko at umulan nga nang mga gintong alikabok sa pwesto namin at napapansin ko na unting unting bumabalik ang mga buhay namin na nawala. Yess!!!
“Ang galing mo naman yuki di ko akalain na may barrier ka pala at itong gintong alikabok na ito ay galing pakiramdam ko ay okay na ulit ako!!” Sabi ni adam sa akin kaya namula ako heheh bihira lng kasi akong mapuri kaya malaking epekto sa akin ang napupuri ako.
“Salamat”nakayuko kong sabi kay adam
“Ang shaman ang may gawa nito hanggang umuulan ay mababawasan tayo nito, hinata subukan mong patamaan ang shaman”sabi ni silver kaya tumango si hinata at nag handa na
Gale Arrows at dumeritso nga ito sa shaman pero parang wala lng kasi may barrier din sya tsk
“Hmmm wala ka bang shield body or kahit anong shield na kayang promotekta habang gumagalaw kayo silver??” Tanong ko kay silver at iling ang sagit nya sa akin
“Mas makapokus kasi ako sa opensa kaysa depensa”paliwanag nya kaya tumango na lng ako .
Create Magic
Bulong mo ulit sakto para di nila marinig inisip ko na ang golden barrier ko ay mag hahati hati para protektahan sila kahit gumagalaw sila.
Golden Barrier 2nd Form Golden Body
Naisigaw ko na naman ewan ko kung bakit kailangan kong sumigaw hayssss.
“Yan okay na pwede na kayong sumogod sa kanila”nakangiti kong sabi sa kanila at tango na lng ang ginanti nila at mabilis na sumugod ulit sa mga Goblins.
Charge
Sigaw ni adam at ayun deritso nyang napatay ang haharang sa kanya hahaha ang astig nang skill nya.
Habang pinapanood ko aila ay hindi parin mawala wala ang antok ko.
Gusto ko nang umuwi huhuhu!!! Dahil sa halos 3 o 4 na oras naming o nila na pakikipagbakbakan ay gusto ko ng matulog.
“Guys matagal pa ba yan.” Tanong ko sa kanila dahil sa antok na talaga ako.
“Sa tingin mo!?” Sabi ko nga matagal pa pero gusto ko nang magpahinga eh.
“Ano kasi gusto ko nang matulog eh hehehe.” Ang nasabi ko kay silver habang kinakamot ang aking batok.
“Edi gumawa ka nang paraan kung paano ito matatapos.” Sabi ni silver na mukhang naiinis na
“Okay guys balik kayo dito!” Sigaw ko sa kanila. Lahit na naag tataka sila ay bumalik sila sa pwwsto nila kanina.
“Bakit mo kami pinabalik ha yuki??” Takang tanong ni adam
“Kasi tataposin ko na to.” Sagot ko sa kanya at kahit na nag tataka ang kanilang mukha ay hindi ko na aila pinansin at umabante na lng ako.
Death Magic: Instant Death
Sigaw ko at mayroong malaking magic circle na may kulay itim ang nasa ibabaw ng mga Goblins. Hindi lng ako ang nakatingin dito pati na rin ang mga Goblins.
Mabilis na nag liwanag na kukay itim sa kinarorooan ng mga Goblins. At ng nawala na ang liwanag ay ang mga nakaha dosay na mga Goblins na lng ang nakikita.
“Tara na!” Nakangiti kong sabi sa kanila at habang nag iiskip ako ng paglalakad. At nang naramdaman kong hindi sila sumunod ay lumingon ulit ako sa kanila.
“Hmmm Guysss tara na.” Sabi ko sa kanila habang winagayway ko sa harap nila
“Ahmm oo tara na”pilit na ngiti ni hinata haysss
Guys may mali ba sa ginawa ko??? Ano kaya yun??
(You level up:8 level)
(You acquire the title:Sloth)
⊙﹏⊙⊙﹏⊙⊙﹏⊙