"I'm Duke Esguerra, and you are? " Then naglahad siya ng kamay.
"Whatever, Tara na nga Elina nakakabwisit ang mukha ng unngoy na to." Hinila ko na agad si Elina palabas para makaalis na kami sa lugar na yun, I swear hindi na ako babalik sa bar yun, ayoko nang makita ang mukha ng unngoy na yun.
"Teka sandali nga Fara ano ba talaga ang nangyari? "
"Wala yun."
"Anong wala yun, paano naging wala yun? Fara naman ehh, paano ka nasangkot sa gulong yun?"
"Wala nga ehh."
"Anong wala?, Ahh alam ko na dahil nanaman sa pag iinom mo kaya ka nasangkot sa gulong yun, ano bang ginawa mo? Bakit ka muntikan suntukin ng lalaking yun hah? "
"So ako pa ngayon ang may kasalanan, kasalanan ko ba na maganda ako kaya lapitan ako ng mga lalaki, at baka nakakalimutan mo mas matanda ako kesa sayo."
"Alam ko naman yun ehh, pero Fara Magna Comlaude ka alam mo ang mapapala mo sa panay inom mo, pero anong ginawa mo umiinom ka parin. Fara alam mo kung ano ang magiging results ng kaka inom mong yan, sana tumigil kana sa kaka inom, kaya ka nasasangkut sa mga gulo ehh."
"Yun na nga lang ang nakakapag pasaya sa akin tapos hinahadlangan mo pa." Totoo naman talaga, buong buhay ko hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang pamilya hindi ako naging masaya, alam niyo kong bakit? Iniwan nila ako na parang wala lang sa kanila, pinabayaan at tinapun nila ako na parang hindi nila ka pamilya, kaya mula nun ako na lang ang bumuhay sa sarili ko, pinag aral ko ang sarili ko, kaya ng nakapagtapos ako ng pag aaral ito nalang ang ginagawa ko, nung dumating si Elina sa buhay ko ganito na ako.
Pakkkkk
Gulat akong napatingin kay Elina habang hawak hawak ang kumikirot kong pisngi ng sampalin niya ako ng pag ka lakas lakas.
"F-Fara s-s-sorry hindi ko sinasa-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita ng tinaas ko ang isang kamay ko signaling as tumahimik siya.
Pinahid ko ang isang butil ng luha na tumutulo mula sa mga mata ko patungo sa pisnge ko saka umalis.
"F-Fara sandali! " Hindi ko na siya pinalapit sa akin ng sumakay na ako sa kotse ko tsyaka tuluyan nang umalis.
I admit it it's all my fault tho, alam ko naman na mali ang ginagawa ko, pero ito nalang talaga ang nakakapag pasaya sa akin simula nang itapun ako ng pamilya ko, hindi na ako magtataka kung pati si Elina na nag iisa at tunay kong kaibigan ay mawawala dahil sa ugali kong ito. Hinihintay ko nalang na mamatay ako.
Buong buhay ko parang may kulang talaga sa pang araw araw ko simula nang iwan nila ako hindi ko alam
kung anong kulang, ewan ko ba, basta may kulang talaga.
Elina's Point Of View (POV)
"Aarrrgggggsss ano bang ginawa ko?" Sigaw ko sa madilim na kalangitang na natatabunan ng mga makakapal na ulap.
Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi siya sumasagot, nag text na din ako pero hindi parin parin siya nag rereply.
Okay lang kaya siya? Asan na kaya siya? Mag kaibigan parin kaya kami?
Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration, ano na kayang nangyari sa kanya?
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang nag ring ang phone ko, kinuha ko ito nag-ba-bakasakaling si Fara ang tumawag, pero nawala lahat ng hope ko ng iba ang nagsalita, matapos kung sagutin ang tawag nag para agad ako ng taxi para sumakay.
"Kuya sa may Rodriguez hospital lang po ako." Sabi ko sabay lahad ng pamasahi Kong pera.
Naala ko ang sinabi ng nakausap ko kanina sa telepono, kaya hindi ko na napigilan ang luhang kanina
pa nag-ba-badyang tumulo mula sa aking mga mata.
"Ahh miss okay kalang ba? Teka ikaw yung kaibigan ng nasangkot kanina sa gulo ahh, ano bang nangyari sayo? Inaway ka ba nun? " Nakalimotan ko palang may kasabay pala ako sa taxi na to.
"Wala okay lang ako." Sabi ko sabay pahid ng luha kong kanina pa tumutulo.
"Alam kong may problema ka kaya sana sabihin mo kung ano ito, inaway ka ba nun? Ay hehe sorry kung masyado akong maraming tanong gusto ko lang namang nalaman kung bakit ka umiiyak, so ano bang nangyari? " Tanong niya ulit, ano bang meron sa lalaking to at mahilig manghimasok sa problema ng iba, mahilig makisali problema ng mga Tao sa paligid niya, pero hindi ko naman siya masisisi kong bakit siya tanong ng tanong alam ko naman na gusto niyang tumulong.
"Wala to, Okay lang ako."
"Sana kong may problema ka sabihin mo baka kasi makatulung ako wag mong suluhin yung problema mo."
"Wala nga to okay lang ako." Pagkatapos kong sabihin yun manahimik nalang siya, kahit alam ko na marami pa siyang gustong itanong.
Napatingin ako sa wrist watch ko at na realize na malayo pa pala ang bya-byahiin, kahit na ilang minuto na akong nakasaky dito, at ilang kanto na ang nadaanan ko.
Lumipas ang ilang minuto at hindi na talaga ako mapakali, may titingin ako sa wrist watch ko, may sisilip ako sa bintana ng taxi, bakit ang layo pa ata ospital na yun, ganon na ba kalayo ang nabyahe ni Fara, ganon ba kabilis ang patakbo niya sa kotse niya at nakaabot na siya malapit sa ospital na yun.
"Manong pwedeng pakibilisan? " tanong ko sa driver, mabuti nalang at mabait si manong driver at pinabilisan niya, alam ko na kanina pa gustong magtanong ng driver, kasi kanina pa siya panay ang tingin gamit ang mirror niya sa taas. Pero buti nalang at hindi na siya nagtanong.
Napatingin ulit ako sa wrist watch ko, bakit ba parang ang tagal ata umusad ng sasakyan, ehh kanina pa ako nakasakay, binilisan na rin ng manong driver ang pag-papatakbi ng niya nga sasakyan, pero bakit ang tagal parin. Ganun na ba talaga kalayo ang itinakbo ng sasakyang ni Fara mula nung umalis siya? Ang bilis siguro ng pag-papatakbo niya ano?
Ilang minuto ulit ang lumipas pero Hindi parin namin narating ang Rodriguez Hospital, bakit ba ang layao ata nito kung kailang ako nagmamadali.
Panay tingin na rin ako sa cellphone baka sakali na may update na ang mga Police, pero wala rin, ano ba naman yan.
Kahit ang katabi ko ay hindi na ring napigilang ang sarili at nagtanong na talaga siya." Umm... Ano bang meron sa ospital na yun at nagmamadali ka? Emergency ba? Yung kaibigan mo asan na? Okay lang ba siya?" Bakit ba ang kulit kulit ng lalaking to?
"Hija andito na po tayo." Napatingin ako sa kay manong driver ng magsalita siya, sabay tingin na rin sa labas ng bintana ng sasakyan para tingnan kong andito na ba talaga ako, at andito na nga.
Pero bago ako lumabas–"Gusto mo talagang malaman kung ano at kung sino ang pupuntahan ko dito, sumama ka sa akin." Pagkatapos kong sabihin yun lumabas na na agad ako.
"Teka sandali hintayin mo ako!! Manong bayad ko po." Rinig kong sigaw niya saka ko siya naramdaman na naglalakad na sa tabi ko. Ang bilis niya maglakad ahh.
Nang makapasok kami sa Hospital tinungo agad namin ang desk counter para magtanong.
"Ammm.... Miss magandang Gabi po, alam niyo po ba kung saang room naka-confine si Fara Guanzon? "