"Tara na puntahan na natin siya, wag ka nang umiyak I'm sure magagalit yun pag nalaman niyang umiiyak ka." Pinahid ko ang luha ko saka sumunod sa kanya.
Kahit na madali palang kami na nagkakilala naging malapit na agad ang loob ko sa lalaking to. Ang bilis niyang makisama sa mga tao, ang galing niya din maki halo-bilo sa marami.
Pumunta na nga kami, hinanap pa namin kung saang kwarto siya naka confine dahil mukhang nakalimutan ata ng doctor sabihin kong saang kwarto naka confine si Fara.
Natagalan pa kami ng paghahanap, kahit na may mga pangalan na nakalagay sa bawat pinto. Malaki din naman ang ospital nato kaya medyo nahirapan din kami sa pag hahanap. Pero kalaunan ay nahanap na namin Ito.
"Ohh, Ayan na. Puntahan mo na ang kaibigan mo." Sabi naman no Duke.
Pinuntahan ko na nga siya, naiyak talaga ako ng makita ko ang kalagayan niya, may bandage na nakalay sa mga kamay niya, may bandage din sa ulo niya, mukhang nabagok ata yung ulo niya dahil my bandage Ito.
"Fara sorry talaga ahh, dahil sa akin nangyari yan sayo, kung hindi lang sana kita inaway ay wala ka sana ngayon dito." Napahagulgul nalang ako ng paulit ulit na nag fa-flashback sa ispi ko ang nangyari kanina.
"Tumahimik ka nga, mukha kang baboy na iniihaw." Pangungutya naman ng Duke.
"Chee, ikaw ang manahimik diyan." Sabi ko nalang at patuloy na kinakausap so Fara kahit alam ko na hindi niya ako maririnig pero kahit papano masabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin.
Nagdaan ang ilang mga oras, nakaupo lang kami rito ng biglang tumunog ang tyan ko.
Napatingin pa ako kay Duke baka narinig niya Ito dahil duhh, nakakahiya kaya, pero buti nalang at parang walang siyang narinig.
Napatayo ako at lumapit sa kanya ng ma-realize ko na hindi pa pala ako nag hahapunan kaya tumutunog ang tyan ko.
"Ohh? Bakit?" Tanong nito ng makita ako na nakatayo sa harap niya.
"Pwede mo ba akong samahan? bili muna tayo ng pagkain, nagugutom na ako, hindi pa Kasi ako nag-hahaponan kasi nga hinanap ko pa si Fara. Sige nahh,,, pagkatapos babalik naman tayo Tito. "Pag-anyaya ko sa kanya, Ewan ko ba kung bakit parang ayaw nitong samahan ako, may feelings ata to sa kaibigan ko ehh. Pero okay lang yun sakin boto naman ako sa kanya.
"Sige na nga, basta bilisan natin ahh." Napakamot pa siya sa batok niya, may kuto kaya to??
Bilisan kong bilisan, atat lang??
Pumunta muna kami sa labas ng hospital, uyaw ko kasi ng mga pagkain sa hospital kaya sa labas talaga kami bumili.
Inaway niya pa ako dahil nga raw mas matatagalan raw kami pag sa labas ako bili, pero buti nalang at pumayag siya, ehh paano ba naman, tuksuin ko ba naman siya na may feelings siya para kay Fara kaya siya nagmamadali na makita yun, kaya ayun pumayag siya.
Halos nga magtinginan na yung mga tao sa amin bang tuksuin ko siya, ang pikon niya pala, nagalit siya dahil dun?? Nakakatawa ng din kasi nag-blush siya kanina, maputi kasi siya kaya halata pag nag-bu-blush ang mukha niya. Parang kinilig siya as in.. tinawanan ko siya kaya siya nagalit. Hehehe.
.....
"Manang dalawang hotdog nga po." Sabi ko sa tendera, so andito na kami ngayon sa may kainan na malapit lang sa hospital, Sabi ko nga ayaw ko dito. Pero sabi niya mas matatagalan raw kami pag sa malayo kami binili. Ewan ko ba kung anong meron sa lalaking to.
"Hotdog bibilhin mo? Ehh andami namang putahe na iba diyan aside sa hotdog, tapos yan yung bibilhin mo? Hindi naman healthy yan ahh." Pati ba naman sa pagkain ko na bibilhin papakialaman niya?
Di ko nalang siya pinansin at binili ko ng ang hotdog, habang binibigay ko yung bayad ko sa tendera panay pa siya bulong ng bulong, nabuang na ba to? kinakausap ang sarili?
Tinanggap ko na ang binili ko nang kong hatdog galing sa tendera ng lahad niya ito. "Hoyy!! anong binubulong mo diyan?" Pasigaw kong sabi sa kanya na ikinagulat niya.
"Kailangan ba talagang sumigaw?? Wala akong binubulong, nag i-imagin kalang siguro na may sinasabi ako." Sabay roll-eyes, bakla ba to?
"Tara na nga ang bagal mo!" At nauna na siyang umalis.
"Sandali!! antayin mo ko."
Third Person's Point Of View (POV)
"Anak pasensya na ha kung ngayon ka lang nadalaw ni tatay. Nahihiya Kasi ako sayo, wala na akong mukhang maihaharap sayo kaya ngayon lang kita pinuntahan, kung kailan na nasa ospital kana. Alam ko na galit ka pero sana mapatawad mo ako sa pag-iwan namin sayo ng nanay mo." making na sabi ng isang hindi katangdaang lalaki, "Anak, Pasensya sa lahat ng nagawa namin sayo." Napapahid ng luha ang lalaki na nagsasalita, nag-ba-bakasakaling maririnig siya ng anak, kasi alam niya na hindi sa nito maririnig dahil Ito ang mahimbing na natutulog sa loob ng silid nito.
Samantalang sa labas naman, merong isang lalaki na nagbabatay.
"Boss may paparating." Sigaw ng lalaking nag babantay sa labas sa kasama nitong lalaki na kinakausap ang kanyang anak sa loob.
"Anak babalik ako." Hinalikan niya ang noo ng kanyang anak saka pinahid ang luhang pilot na tumatakas mula sa mga mata niya, labag man sa loob niya na iwan ang kanyang anak pero wala siyang magagawa dahil alam niyang magagalit lang Ito pag nalaman na dumalaw siya.
Nang makaalis na sila saka pa dumating ang dalawang kaibigan ng pasyente.
"Ohh, bakit bukas ata ang pinto?" Sabi nong binata sabay tingin sa kasama niyang babae.
"Ohh, anong tinitingin mo diyan? Wala akong alam diyan ahh. Basta sinirado ko yan ahh. Wag mo akong sisihinin dahil bukas ang pinto." Nakapamewang nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ng binata nitong kasama.
Nagbangayan pa sila ng ilang minuto bago nila naisipan na pumasok nalang at tingnan kong may tao ba sa loob.
Nang wala silang may nakita na tao, sinabi nalang ng binata na "Baka may nurse lang na pumasok kanina dito ng wala tayo at tse-nek ang lagay ng kaibigan mo tapos nakalimutan nitong isarado ng tuluyan ang pinto." Pagpapagaan nito sa loob ng babae na kanina pa nagsasabi na baka may pumasok dito na mag nanakaw.
Natahimik nalang ang babae saka kinausap ang kaibigan nito na mahimbing na natutulog. Hindi parin mawala wala sa kanyang isipan ang nangyari kanina, sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa kaibigan, alam niya na baka hindi na siya nito patawarin kaya naisipan nalang nito na dito na matulog.
Sa kabilang banda naman, mahimbing rin na natutulog ang lalaking kamasa ni Elina. Napag isip-isp niya rin na dito na siya matutulog, ayaw niya rin naman iwan si Elina rito, kahit alam niya na tutuksuin lang siya ng kasama niyang babae na panay ang tingin at kausap sa kaibigan.
'Love at first sight is indeed true'