Chapter Forty-seven: Something between Axe and Kris

1106 Words
Chapter Forty-seven: Something between Axe and Kris                  “Thirty minutes left!” sigaw ni Renato sa kanila. Sabado ngayon at halos kumpleto ang kanyang inner circle. Nasa jogging area sila at nakakailang laps na silang lahat. Si Lorence ay halos gumapang na kaya pinalo ito ng patpat ni Renato. “Move you’re a*s Lorence!”m sigaw nito sabay palo sa pwet nito. Agad namang binilisan ng binatilyo ang kanyang pagtakbo para makasabay sa kanila. “Ang brutal talaga ni Sir Renato!” sigaw nito at natawa na lang siya. Paikot-ikot lang sila sa jogging area at hindi pa man sumisikat ang araw ay nagte-training na sila. “Nakakailang laps na ba tayo?” hinihingal niyang tanong at umiling naman si Harold sa kanya. Katulad niya ay tagaktak na din ang pawis nito at halos basang-basa na ang suot nitong t-shirt. “H-hindi ko alam… I’ve lost count!” sagot sa kanya. “Stop!!” sigaw ni Renato at mabilis naman silang huminto. Dahil sa biglang paghinto ay nabangga ni Lorence si Harold dahilan para matumba ang binata. “The f*ck, Lorence!” reklamo ni Harold. “Sorry, Kuya!” “You have two minutes to rest!” sigaw ng hitman. Nanlaki ang mga mata nila dahil sa narinig. “What? Two minutes lang?” reklamo ni Tony at sinamaan ito agad ng tingin. “I change my mind. One minute!” “You idiot!” sigaw ni Harold sabay batok kay Tony. Hindi naman na lumaban si Tony at naupo na lang sa gater. Dahil nga sa nalalapit nilang trial ay halos lumpuhin na sila ni Renato. Naroong nagbo-boxing sila, one versus one. Naroong nagpaparkour sila sa dis oras ng gabi. Yes, natutunan niyang mag-parkour dahil kay Renato. may araw din na nag-aaral sila ng karate at target shooting. Hindi naman siya nahirapan especially sa target shooting. Naalala niya noong pulis pa siya ay isa siya sa top shooter ng kanilang department. “Time’s up! Push up! Twenty-five counts!” sigaw nito. Mabilis silang dumapa, well except kay Celestine na lumuhod at ginawa ang knee-push ups na para sa mga babae. “Everybody count!” “One!” “Two!”  “Three!”  “Four!”  “Five!” What is this? Military? Pagkatapos ng twenty-five push ups ay pinagpahinga muna ulit sila ni Renato ng dalawang minuto. “I think I’m going to die!” sigaw niya. Umismid naman sa kanya ang hitman. “Be prepare, boss Axel!” sabi nito sa kanya. ***                  “I’m Kris. I hope you will remember me.” Napatingin siya ngayon kay Kris na simpleng nakaupo sa isang bench sa jogging area. Mataas na ang araw at pasado alas nueve na din at medyo mahapdi na sa balat ang sinag ng araw. Simple lang itong nakaupo sa isang bench at umiinom ng tubig. “Kuya Axe, para sa’yo.” Napatingin siya kay Lorence at napangiti ng abutan siya ng isang water bottle. Agad niya itong kinuha. “Thank you, Lorence.” Agad niya itong binuksan at nilagok ang tubig. Napawi ang uhaw niya na kanina niya pa nararamdaman. Umupo naman si Lorence sa kanyang tabi. “Lorence, pwede magtanong?” sabi niya. Mabilis namang tumango ang binatilyo sa kanya. “Oo naman, kuya Axe!” “Sa atin-atin lang ah. ‘Wag mong sasabihin o ikwento kahit kanino.” “Oo naman! Your secrets are safe with me,” sabi nito and he even cross his heart. “Okay ganito kasi. I feel something strange about Kris. Noong hindi pa ako naaaksidente, may something ba sa amin ni Kris?” tanong niya. Kita naman niya ang pagtataka sa mukha ng binatilyo. “Something strange? Sa natatandaan ko noon, medyo close kayo ni Kuya Kris. Like tuwing uwian during highschool niyo ay hatid-sundo ka niya. He was always on your side. Kaya akala ko noon siya na ang right-hand man mo but it turns out si Kuya Harold pala,” sagot nito sa kanya. Hatid-sundo? What the f*ck is that? “Nothing more? Like having relationship?” Umiling naman si Lorence. “I don’t think so. Pero minsan narinig kong nagsabi ka ng I love you to someone. Hindi ko lang nakita ang kausap mo. Hindi naman na din ako nangialam pa that time. Noong naaksident ka, sabi sa investigation ng intelligence at mafia police ay makikipagkita ka daw sa kanya. May mga conversations kayo sa phone mo.” Napaisip siya ng malalim. Hindi maganda ang kutob niya sa impormasyong nakuha niya kay Lorence. Hindi magandang theory ang nabubuo sa kanyang isipan. Is Axe and Kris were in a romantic relationship? Hindi niya mapigilang mangilabot. Wala naman siyang masamang pagtingin sa mga same s*x couple pero hindi lang niya maimagine ang sarili niya na may karelasyong katulad niyang lalaki. I’m a straight guy! I’m Axel! The damn hot p*ssy breaker! Baka mabaliw ako sa lihim ng parallel self ko! “Thanks, Lorence. Mag-dinner ka na sa amin mamaya,” sabi niya at kita niya ang pagliwanag ng mukha ng binatilyo. “Oh yes! I miss Mama Natalie’s cooking! Sa bahay kasi puro instant noodles and take out palagi. My Father is not a good cook,” sabi sa kanya ni Lorence. “Then bakit hindi ka araw-araw dumalaw sa bahay? Para lagi mong natitikman ang luto ni Mama Natalie,” sabi niya. “Yes, Kuya Axel! I will!”   *** Cielo’s Main House, 10:00 PM                  “Good evening, Renato,” bati sa kanya ni Don Timoteo. Kasalukuyan siyang nasa opisina nito at katulad ng lagi nitong ginagawa ay naabutan niya itong pumipirma ng mga dokumento. “Good evening too, Don Timoteo,” sabi niya at naupo sa red velvet couch. Itinaas pa niya ang kanyang mga paa sa center table nito. “Anong balita sa kanila? Sa inner circle ng apo ko?” tanong nito sa kanya. Lumapit si Bernard sa kanya—ang kanang kamay ni Don Timoteo. Inabutan siya ng isang rock glass na may lamang whiskey. Malugod niya itong tinanggap at inamoy muna bago sumimsim ng alak. “I think they’re ready enough. Bilib lang ako kay Axel dahil sobrang bilis itong makarecover. Hindi aakalain na nanggaling ito sa three years comatose state,” sagot niya at tuluyang inubos ang laman ng baso niya. Inalok pa siya ni Bernard ng isa pang shot kaso tumanggi na siya. “That’s good to hear.” Tumigil sa ginagawa si Don Timoteo. Sumandal ito sa malambot nitong office chair at pinagsaklob ang dalawang kamay. “I think it’s time to conduct the Liderlik Denemesi.” Napangiti siya. “Just tell me the mechanics and your preferred date.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD