Chapter Thirty-three: The Tamaguchi Clan

1114 Words
Chapter Thirty-three: The Tamaguchi Clan                  “Hindi ako basta-basta, manong!” May sumuntok sa kanya ngunit nasalo niya ang kamao nito. Pinilipit niya ang kamay kaya humiyaw ito sa sakit. May susugod na naman sa kanya at kahit hawak niya ang braso ng isa sa mga kasama nito ay nakailag siya at sinipa ito sa dibdib. Sumubsob ang lalaki sa trash bin na nasa gilid. “Ano bang ginagawa niyo?!” tanong ng lider ng mga ito. “Nag-iisa lang ‘yan!” “’Yun nan ga eh! Nag-iisa lang ako but you are all very weak!” pagyayabang niya. May bumato ng suntok sa kanya pero mabilis siyang nakayuko. Dito na niya binigyan ng isang matinding uppercut ang lalaki. Kita niya ang paglipad ng isang ngipin nito. Sa sobrang pagkahilo ay tumumba ito at napasok sa dumpster. “Ano na? Akala ko tuturuan niyo ako ng leksyon? Mga minions mo tulog na,” sabi niya at dahil dito ay mas naasar ang lider. Pumulot ito ng isang tubo na ginamit kanina ng isa sa mga tauhan nito. “Pwes ako ang makakaharap mo!” sigaw nito sa kanya. Sumugod ito at hinampas-hampas siya ngunit hindi siya nito matamaan. Naroong umatras siya, umiwas, nakayuko, at kitang kita niya na nauubusan na ng pasensya ang lalaki. “Arrgghh!” sigaw nito. Hahampasin siya ng tubo nang yumuko siya at sinipa ang binti nito. Dahil dito ay natumba ang lalaki. Mabilis siyang sumugod at pinagsisipa ito. “Puro kayo yabang ah! Puro kayo yabang!” sabi niya. Nagtagal din ang pagsipa niya hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Hingal na hingal siya at hinanap ang babae. Nakita niya itong nagtatago sa gilid ng dumpster. Nanginginig ito dahil sa takot. Nilapitan niya ang babae at inilahad ang kanyang kamay. “Come on, you’re safe na,” sabi niya. Tumingin ang babae sa kanya at tumango. Tinanggap nito ang kanyang kamay at hinatak niya ito upang makatayo. Magkahawak-kamay silang lumabas ng madilim na eskinita na iyon. Paliko na sila sa kabilang kanto nang mapatigil sila dahil nakita niya si Renato na nakatayo doon at nakahalukipkip. “Just what I thought,” sabi nito at tiningnan ang babaeng kasama niya. “Hindi na nakakagulat pa, Axel. Every time you go out, you attracts trouble. You are a trouble magnet,” dugtong pa nito. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo. “Hehehe… Ano magagawa ako? Troubles find me. I just can’t turn blind eye to her,” sabi niya sabay turo sa babaeng kasama niya. “What is it this time? And don’t tell me you’re going to adopt her! The whole house is in ruckus!” “Chill lang, Sir Renats. Doon muna tayo sa café to talk a lot of things.”                  Nagdesisyon silang sa Mangiatoia del leone tumuloy. Katulad ng nakagawian ay naupo sila sa paborito niyang pwesto, sa glass wall. Lumapit ang waiter at kinuha ang mga order nila. Nag-aalangan pa ang babae pero ng sabihin niyang libre niya ay mukhang nakahinga ito ng maluwag. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang order. Isang blueberry tart ang order niya na pinaresan niya ng frappe. Kay Renato ay ang paborito nitong espresso at simpleng strawberry shortcake at sa babae ay milktea at mango graham. “So, care to tell us what happened back there?” tanong niya bago sumipsip ng sa kanyang Java chip frappe. “Teka lang pala, can you please tell me your name?” Ngumiti ng alanganin ang babae. “Well, I’m Angel Aquino,” pakilala ng lalaki. “I’m Axel but you can call me Xel for short. He’s my trainer, Renato.” Sabay turo sa hitman na tahimik na sumisimsim ng kape. “Enough with the introduction. Just tell what f*cking problem is,” sabi ni Renato. Mukha namang natakot ang babae kaya mabilis itong tumango. “’Yung mga lalaking iyon ay miyembro ng Tamaguchi Clan,” pagsisimula nito. “Tamaguchi clan? Ano ‘yun?” tanong niya. “Tamaguchi Clan are group of Yakuza. It’s a gangster group from overseas at dinala dito sa Azalea. Sa nakalipas na dalawampong taon ay halos nasakop na nila ang buong Mista at ilang karatig bayan. Member din sila ng Cosa Nostra. Their business is p*rnography, arms trafficking, extortion, and real estate,” paliwanag ni Renato. Napatango na lang siya. “Member sila ng Cosa Nostra pero not that powerful compare sa Cielo?” tanong niya. “Of course. Cielo is on the top of the mafia food chain. Kung titingnan ay napakaliit lang ng Tamaguchi. And also, they only doing business to the ordinary people,” sagot ni Renato sa kanya. “May utang ako sa kanila. Nasa twenty thousand pesos din iyon at alam ko na overdue na ang utang ko kaya sinisingil na nila ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang bayaran dahil nawalan ako ng trabaho. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang ipambabayad sa kanila.” “Bakit ka umutang?” tanong ni Renato. “Kailangan ko ng pera dahil may sakit ang kapatid ko. Cerebral palsy,” sagot nito sa kanila. “Is there any other way para tigilan siya ng mga ito?” tanong niya at umiling si Renato. “Wala. Para sa kanila, business is business. Kamag-anak ka man o hindi.” “Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Wala na talaga kasi ako malapitan at kailangan ng gamot ng kapatid ko. Nagkataon pa na nawalan ako ng trabaho. Pinipilit ko naman na mabayaran sila kahit hulugan kaso gusto nila buo with interests pa.” Dinig niya ang pagbuntong hininga ni Renato. “Actually, there is something you can do,” sabi nito. “Ano naman ‘yun?” tanong niya. “Magpakilala ka. Make a negotiation with them. Now that I think about it, magandang training mo ito. Exercising diplomancy.” “It’s okay with me. I know how to be diplomatic,” sagot niya. “Saan ba matatagpuan ang tamagochi na iyan?” “It’s Tamaguchi. Hindi ‘yan virtual pet. They’re gang,” pagtatama sa kanya ni Renato. “Yeah, whatever.” Tumingin siya sa dalaga. “Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka namin. I promise na after that talk ay hindi ka na nila haharasin,” sabi niya at tumayo na.   ***                  “Nasaan na si Axel? Ilang oras na akong naghihintay dito,” sabi ni Victoria habang nakaupo sa isang bench. May usapan kasi sila ni Axel na maglalaro ng table tennis sa clubhouse. Pero papalubog na ang araw pero wala pa rin ang binata. “I guess he forgot it,” sabi niya at tumayo na. Nagpasya siyang umuwi dahil mukhang hindi na siya sisiputin ng binata.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD