Chapter Sixty-eight: The Call

1114 Words
Chapter Sixty-eight: The Call                  “That’s all for today. Don’t forget your reports next week,” sabi ni Mrs. Ampara—ang isa sa mga professors niya. Tumayo na sila at nagpaalam sa kanilang propesor. Tumayo na din siya at inayos ang kanyang mga gamit. “Axel, may grupo ka na?” tanong ng isa niyang classmate at umiling siya. “Wala pa eh. Kulang ba kayo? Ampunin niyo na ako,” sabi niya at tumawa naman ito. “Sure. Ililista n akita.” “Thank you!” At nagbigay pa siya isang flying kiss na mas lalong ikinatawa ng kaklase niya.                  Paglabas niya ng building ay nag-aabang na sa kanya sina Harold at Tony. Halata pa sa dalawa ang pagiging-tanned skin ng mga ito. Isang linggo na ang nakalipas mula nang makauwi sila galing sa “luxury cruise” na napanalunan ni Mama Natalie but it turns out pakana pal ani Don Timoteo. Naalala niya pa kung papaano nahuli ang criminal na si Alejandro Gustavo Realonda. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng awa sa lalaki. According sa kwento nito ay naghahanap lang naman siya ng pamilyang tatanggap sa kanya, where he belongs pero tinetake advantage ang kakayahan nito. Pero alam din naman niya na hindi maganda ang naging ganti nito. Dalawang grupo ang binura nito sa Cosa Nostra. May buhay ding inaalagaan ang mga mafiosi. “Kanina pa ba kayo?” tanong niya nang makalapit siya. Umiling ang dalawa. “Hindi naman. Mga five minutes palang naman,” sagot sa kanya ni Harold. Inakbayan niya ito. Mulan ang mapanaginipan niya ang alaala ni Axe kung papaano nagkakilala sila ni Harold, ipinangako niya na ituturing niyang kaibigan si Harold. Hindi niya ito titingnan bilang right-hand man niya at bilang miyembro ng inner circle. Para bang nagkaroon ng bagong liwanag at daan sa paraan ng pagtingin niya kay Harold, lalo pa at Xel na din ang tawag nito. Kung dati kasi ay simpleng acquintance lang ang turing niya kay Harold. Ngayon ay matalik ng kaibigan. “Tara na? makulimlim na eh, baka abutan tayo ng ulan,” sabi naman ni Tony. Aaminin niya, madaling maging kaibigan si Tony. Ito ang unag-unang sumunod sa gusto niya na tawagin siyang Xel. Gusto din niyang malaman kung papaano nagkakilala sina Tony at Axe. Katulad ba ni Harold na pinadala din ni Don Timoteo? Hihintayin niya ang oras na magbahagi ng alaala si Axe sa kanya. “Sina Celestine? Hindi sasabay?” tanong niya nang magsimula na silang maglakad papuntang parking area. Malapit na sila makalabas ng school grounds nang mag-ring ang kanyang cellphone. Tumigil sila sa paglalakad nang sagutin na niya ito. Galing kay Renato ang tawag. “Hello?” “Nasaan kayo?” tanong nito kaagad sa kanya. “Nasa school pa kami pero pauwi na din,” sagot niya. “Sino kasama mo? Kumpleto ba kayo ngayon? Ng inner circle mo?” tanong nito sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya. napatingin siya kina Tony at Harold na mukhang nagtataka kung sino ang kausap niya. nagtataka din siya kung bakit hinahanap ng hitman ang kanyang mga members ng inner circle. “Hindi. Sina Harold at Tony lang.” “Call of them,” utos sa kanya. “Why?” “Kailangan niyong pumunta ngayon sa main house. Kailangan kayong makausap ni Don Timoteo.” Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. “Why? Teka bakit parang biglaan? I mean para saaan ‘di ba?” “Dumbass, just do what I say. Ayaw ni Don Timoteo ng pinaghihintay siya ng matagal,” sabi nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero pinutol na ni Renato ang linya. Bumuntong hininga na lamang siya. “Sino ‘yun, Xel?” tanong ni Harold. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone. “Si Sir Renats. Pinatatawag niya tayong lahat. Lahat ng member ng inner circle. Kailangan daw tayong makausap ni Don Timoteo,” sagot niya. Tumango ang dalawa. “I’m on it. Tatawagan ko na sila,” sabi ni Harold as he fished out his phone from his back pocket.                  Sinumulang tawagan ni Harold ang ilan sa mga kasama nila. Siya naman ay nakasandal lang sa kotse ni Harold. Iniisip kung ano ang sasabihin sa kanila ng matanda. “Xel.” Napaangat siya ng tingin kay Harold. “Ano? Nasaan na sila?” tanong niya. “Ang sabi ni Kris ay dadalhin niya ang van niya. Susunduin daw niya ang iba at tayo naman ay hintayin sila sa labas ng gate. Sabay-sabay na tayong pumunta sa main house,” sagot nito sa kanya. Tumango na siya at nagsimula na silang maglaad palabas ng school, leaving Harold’s car inside the parking area.                  Mahigit twenty minutes ang hinintay nila sa tapat ng Universidad de Froilandonbago nila natanaw ang isang kulay pilak na HiAce van. Huminto ito sa tapat nila at bumukas ang pinto revealing Celestine and Mykel. “Boss!” sigaw ni Celestine. Mabilis silang sumakay ng van.                  Pagpasok niya ay nakita niyang si Kris ang nagmamaneho. Si Harold ay nagdeisyong umupo sa tabi ni Kris—sa passenger seat. Katabi niya sa upuan ay si Lorence at nasa tapat niya ang kambal. Nasa likuran naman niya sina Tony at Richard. “Bakit ba tayo pinatatawag?” tanong ni Celestine. May hawak itong isang chips at mabilis na inalok sa kanila. “Hindi ko alam. Walang sinabi na kahit anong details I Sir Renats. Pero ang sabi niya kauusapin tayo ni Don Timoteo,” sagot niya. “Naku! Nakakatakot pa naman si Don Timoteo!” sabi ni Lorence habang dumakot ng chips mula kay Celestine. “Ang sabi pa ni Sir Renats ay ayaw daw pinaghihintay si Don Timoteo.” “Mukhang tinataranta lang tayo ni Sir Renato,” sabi ni Richard, “Don Timoteo is a very patient man.” “Maybe about the trial? Hindi ba’t sinabi ni Sir Renato na one of thee days ay sasabihin na nila kung kailan?” sabi naman ni Mykel at natahimik sila. “Mukhang tama ka, Mykel. Ano bang ginagawa sa trial? Nakalimutan ko na ang tawag doon,” sabi niya. “Ang alam ko ay kailangan nating harapin ang ating mga predecessors. Ang inner circle ni Don Timoteo,” sagot ni Celestine. “Does it mean na ako, haharapin mismo si Don Timoteo?” tanong niya at tumango naman si Celestine. “Yeah. But the trials are different from each generation. Ang sabi sa kwento noong nag-trial sila Don Timoteo noon ay about card game lang ang ginawa. Hindi lang natin alam kung papaano ang sa atin,” sabi naman ni Mykel. “I bet this time, mukhang malupit at malala,” sabi ni Harold. And mas lalong hindi na siya mapakali.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD