Chapter Thirty: Doctor Shawn’s Wish

1124 Words
Chapter Thirty: Doctor Shawn’s Wish                  Natigil ang kanilang pag-uusap naang pumasok na si Ryan—ang batang kanyang tinulungan. Dahil bagong ligo ay malinis na itong tingnan. Nawala na ang mga dumi na kumapit sa katawan nito. Masasabi niyang maputi ang bata. Nakasuot na ito ng malinis na asul na t-shirt at denim shorts na lagpas tuhod ang haba. Mapula ang pisngi nito at maging ang labi. “Wow! Fresh ka ng tingnan!” sabi niya at ngumiti ang bata sa kanya. Dinala ni Nurse Joy ang bata kay Dr. Shawn at sinimulan itong pahiran ng gamot ang mga sugat sa binti ni Ryan. Halata sa mukha ng bat ana nasasaktan ito o nahahapdian pero nagpakita ito ng katapangan. Tiniis nito ang hapding nararamdaman. “Wow! Ang tapang ah,” sabi ni Dr. Shawn. Napatingin siya sa doktor. Pamilyar ang pangalan nito sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig ang pangalan nito. Halata naman sa kanilang pag-uusap na may alam ito sa mafia. Sa tingin niya ay miyembro ito ng isang mafia family. “Thank you,” sabi ng batang si Ryan at ngumiti ang doktor. Tumayo na ito at lumapit sa office table. Binuksan nito ang drawer at may inilabas na tatlong lollipop. “Ano pangalan mo?” tanong ni Dr. Shawn sa bata. “Ryan po,” sagot nito. “Dahil naging matapang ka, ito ang reward ko sa’yo.” Ibinigay ni Dr. Shawn ang tatlong lollipop at kitang kita niya ang pagningning ng mga mat ani Ryan. Nakadama siya ng kasiyahan sa kanyang puso. Masaya siya ng makita si Ryan na masaya. “Thank you po,” sabi ni ryan. Lumapit sa kanya ang bata at pinabuksan ang isang lollipop. Agad naman niya itong binuksan at masayang pinagmasdan ang bata. “We need to go,” sabi ni Renato at tumayo na mula sa pagkakaupo sa isang monobloc. Tumayo na din siya at hinawakan na ang kaliwang kamay ni Ryan. “Thanks, Dr. Shawn. Iiwan ko na lang ang payment kay Nurse Joy,” sabi ni Renato at tuluyan ng lumabas ng opisina. Susunod n asana siya ng tawagin siya ng doktor. “Axel.” Lumingon naman siya at hinihintay ang sasabihin ng doktor. “Ano iyon?” tanong niya. Mukha pa kasing nagdadalawang isip pa ang doktor kung sasabihin ba niya o hindi. “I know na ikaw ang susunod kay Don Timoteo. May isang pakiusap lang sana ako,” sabi nito. “Sure. Ano bai yon?” “Change the whole Cosa Nostra. Masyado ng madugo ang mundong papasukin mo. At dahil ang Cielo ang nasa pinakatuktok ng lahat ng mga pamilya doon, hiling lang naming mga galing sa maliliit na pamilya na sana ay mabigyan mo, bilang future boss ng Cielo na maayos mo ang madugong mundo ng Cosa Nostra.” Naisip niya na siguro nga ay masyadong magulo at madugo ang mundong papasukin niya. Kaya ganoon na lang ang impact ng mga ginagawa niyang pagtulong kay Renato. Gaya ng sinabi nito kanina, kindness is a poison in Cosa Nostra. Walang lugar ang kabaitan sa mundo ng mafia. Pero bubuwagin niya ang paniniwalang iyon. Lumapit siya kay Dr. Shawn at tinapik ang balikat nito. “Huwag kang mag-alala. The Cosa Nostro will definitely turn 360 degrees once I succeed the throne,” sabi niya at tuluyan ng lumabas ng opisina.                  Paglabas nila ni Ryan ng clinic ay naghihintay na si Renato at naksandal na sa Fortuner nito. May nakita siyang sigarilyong nasa pagitan ng mga labi nito at umuusok pa. Ngayon lang niya napagtanto na naninigarilyo pala ang kanyang Sir Renats. Ngayon lang kasi niya nakita itong nagsigarilyo. “Tara na. Malapit ng lumubog ang araw,” sabi nito at itinapon na sa lupa ang sigarilyo. Naiiling na lang siya nang makitang mahaba pa ito ngunit tinapakan n ani Renato. Pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Pinapasok na din niya si Ryan sa backseat at siya naman ay umupo sa passenger seat.                  Mahigit isa’t kalahating oras na silang bumabyahe papauwi sa kanilang bahay. Si Ryan ay nakatulog na sa back seat. “Axel,” tawag sa kanya ni Renato. Nakahinto sila sa isang intersection dahil naka-red light. “Bakit?” tanong niya. “Why do I feel na ibang tao ka. Like you’re Axel but a different Axel. Why do I feel it?” tanong nito sa kanya. Nilingon niya si Renato at kita sa mukha nito ang pagtataka. Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang kanyang trainer. Pwede niya bang sabihin ang totoo? Na ang orihinal na Axel ng mundong ito ay ilang buwan ng namaalam? Na siya ay ang Axel ng ibang mundo? Can he really say it? Heck, no! Tumawa siya ng pilit. “You’re imagining things, Sir Renats. I’m Axel. End of discussion,” sabi niya. “It really feels like I’m talking to a different Axel. Pero totoo ang sinabi ko Axel. Kindness is a posion. That characteristic of yours will take advantage of the other mafia families, especially those power-hungry families,” paliwanag sa kanya. Napabuntong hininga naman siya. “I will not let them do that, Sir Renats. ‘Wag ka muna kasing mag-isip ng mga bagay-bagay. I’m not still the boss of Cielo. Alam ko medyo malayo pa ang tatahakin kong training. May mga pagdadaanan pa ako. Let me be myself,” sagot niya. Pareho silang napatingin sa likuran nang marinig ang malakas na busina ng sasakyang kasunod nila. Hindi nila napansin nan aka-green light na pala. Mabilis na pinaandar ni Reanto ang sasakyan. “Sir Renats, ikaw? Are you being yourself?” tanong niya at kita niya ang pagtensyon ng braso nito habang hawak ang manibela. Hindi na siya sinagot pa ni Renato.                  Pasado ala sais y media ng makarating sila sa bahay nila. Nasa labas palang ay dinig nila ang sigaw at tawa ni Harold at Tony. Ginising na niya si Ryan at sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. “Nandito na kami!” sigaw niya at tumingin naman sa kanya sina Harold at Tony. “Good evening, Boss Axel!” “Good evening, Xel!” Napangiti naman siya kay Tony. Sa wakas at may tumatawag na sa kanyang Xel. “Kumain na kayo? Si Mama Natalie?” tanong niya. “Lumabas lang saglit si Mama Natalie. Kumusta—what happened to your arm?!” tanong ni Harold ng makita ang benda ang kanyang braso. “Wala naman. Hinabol lang kami ng malaking oso at nakipagbuno,” sagot niya. Parehong nagulat naman ang dalawa. “What?!” “Oso? As in bear?” “Yeah. Anyway, we have new member,” sabi niya at iniharap sa dalawa ang batang si Ryan. “Gentlemen, this is our little brother, Ryan,” pakilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD