Kabanata 5

1557 Words
"Sir, gabi na, saan kayo pupunta?" nagtatakang usisa ni Aling Cely kay Niccolo. Dadalhan sana niya ito ng pagkain dahil akala niya ay wala pa rin itong balak bumaba, ngunit hindi pa man siya kumakatok sa pinto ay bigla iyong bumukas. Ang bihis nang si Niccolo ang bumungad sa kanya. Derederetso lang sa pagbaba ng hagdan si Niccolo. Hindi siya nito pinansin. "Sir Niccolo, kumain po kayo. Maghapong wala kayong kain. Baka mapaano kayo," wika pa ng ginang ngunit wari ay walang naririnig ang kanyang amo. Lumabas si Niccolo ng bahay na walang lingon-likod. Napakunot ang noo ni Aling Cely. Nakapagtataka talaga ang ikinikilos ni Niccolo. Wala sa sariling nagmaneho si Niccolo patungo sa FLGC. Gusto niyang makita ang asawa. Ano'ng oras na at hindi pa rin ito umuuwi. Nag-aalala siya. Nag-aalala siya sa maraming bagay, na baka napaano ito, o baka kasama nito si Calvin- si Calvin na ni minsan ay hindi niya pa nakikita. Huminto siya sa tapat ng gate ng kompanya. Lumapit sa kanya ang isa sa mga gwardiya roon. Mukha itong nagulat nang makita siya. "Sir Niccolo, ano ho ang ginagawa ninyo rito?" usisa ng gwardya sa kanya. "Do I still need to tell you why I am here?" naiinis na wika niya ngunit kontrolado pa rin ang tono boses. "Shannon is my wife. 'Di ba madalas ko naman siyang sinusundo?" "Gabi na kasi, Sir Niccolo," napapakamot sa batok na wika ng gwardya. "Exactly! Gabi na, wala pa rin ang asawa ko sa bahay. I am here to fetch her. Nasa opisina niya pa ba siya?" "Kaaalis lang ho, Sir Niccolo," tugon ng gwardya. "Pauwi na?" Napakamot muli sa batok ang gwardya. "S-siguro ho," nauutal nitong tugon. Napabuntong hininga si Niccolo. "Sige, uuwi na lang din ako. Baka maabutan ko pa siya sa daan," aniya. "S-sir Niccolo," pigil sa kanya ng gwardya. "Yes?" "W-wala ho," tugon ng gwardiya. Mukha itong may sasabihin ngunit hindi nito itinuloy. Napailing na lang si Niccolo at saka bumalik sa sasakyan. Nagmaneho muli siya at binaybay ang daan pauwi. Habang nagmamaneho ay naagaw ang kanyang pansin ng isang kotseng kulay pula. Medyo binilisan niya ang pagmamaneho upang maabutan ito. Kompirmado, kotse iyon ni Shannon. Kinutuban siya. Hindi niya alam kung bakit. This time, bahagya naman niyang binagalan ang takbo ng kanyang kotse upang magpatiuna si Shannon. Biglang nag-iba ng rota ang kotse ng kanyang asawa. Doon na siya mas kinutuban. Kung hindi pauwi si Shannon, saan ito pupunta? Huminto ang kotse ni Shannon sa harap ng isang restaurant. Naaalala niyang Minsan niyang niyaya ang asawa na kumain doon ngunit tumanggi ito sapagkat hindi raw nito tipo ang mga pagkaing inihahanda roon. Lumabas si Shannon sa kanyang kotse habang hawak ang cellphone at may kausap sa kabilang linya. Mayamaya ay may humintong itim na kotse sa tabi ng kotse nito. May lumabas doong isang matangkad na lalaki. Lampas tainga ang itim na itim nitong buhok. Makailang beses siyang napakurap nang lumapit ang lalaki sa kanyang asawa at hinalikan ito sa labi. Naramdaman niya ang mabilis na pag-akyat ng dugo niya sa kanyang ulo. Mahigpit niyang kinuyom ang mga palad habang nagtatagis ang mga bagang. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung kaya niya pa ring maging kalmado. Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang asawa. Nakita niyang kinuha ni Shannon ang cellphone sa bag nito, ngunit kinuha iyon ng lalaking kasama nito at pinatay ang tawag. Marahas na napabuntong hininga si Niccolo. Tinawagan niyang muli ang asawa. This time, sinagot na iyon ni Shannon. "What?" bungad na wika nito, halatang naiinis. "Where are you?" tanong ni Niccolo. "Nasa office pa rin ako. Bakit?" tugon ni Shannon. Pakiramdam ni Niccolo ay binuhusan siya ng isang baldeng yelo sa sagot ng asawa kahit naman iyon talaga ang kanyang inasahan. "Marami akong kailangang tapusin. Huwag mo na akong hintaying umuwi," wika pa ni Shannon. Napalunok siya at napatigil nang mataman sa asawa. Kinabig ito ng kasamang lalaki at niyakap. Pakiramdam ni Niccolo ay nalulunod ang kanyang puso sa labis na sakit sa nasasaksihang senaryo. "Huwag na kitang hintaying umuwi dahil marami ka pang kailangang tapusin o dahil may iba ka nang inuuwian?" matamlay niyang wika makaraang makaipon ng lakas ng loob. Napaawang ang mga labi ni Shannon. Ibinaba niya ang kanyang cellphone. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nakita ang kotse ng asawa. Lumabas sa kanyang kotse si Niccolo at naglakad palapit sa kanyang asawa at sa kasama nitong lalaki. Halos matunaw sa kahihiyan si Shannon ng mga oras na iyon. Ni hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. "Please, Niccolo, huwag kang gagawa ng eksena rito," tiim ang bagang na mahinang wika ni Shannon. Tumingin siya sa paligid at baka maagaw nila ang atensyon ng mga tao. "Wala akong balak gumawa ng eksena," nakangiting wika ni Niccolo. "Gusto ko lang na ipakilala mo sa akin ang kasama mo." "Are you crazy?" bulalas ni Shannon. "Gusto mo pa talagang ipahiya ang sarili mo? Please, Niccolo, don't do this to yourself." "I'm Calvin Blancaflor," biglang singit ng lalaking kasama nito. Inilahad nito ang kamay kay Niccolo. Tumango si Niccolo ngunit hindi nito tinaggap ang pakikipagkamay ni Calvin. Napahiyang ibinaba ni Calvin ang kamay at saka ngumiti. "So you're Calvin," wika ni Niccolo. "How long have you been seeing my wife?" tahasan niyang tanong kahit alam na niya ang sagot. "Niccolo, ano ba?" galit na wika ni Shannon. "No, it's okay, Shannon," wika ni Calvin. "Let us talk to each other para hindi tayo makaagaw ng pansin sa mga tao rito," aniya. Tumigil naman si Shannon at hinayaan ang dalawa. Muli namang itinuon ni Calvin ang atensyon kay Niccolo. "Your whole married life. I've been seeing your wife your whole married life," tugon nito sa tanong ni Niccolo. "Shannon has been your wife for three years, but she's never yours. She was mine first, and she has always been mine. Kaya kung ako sa iyo, palayain mo na siya at ibalik sa akin." Niccolo chucked and lowered his head. "Do you love my wife?" tanong niya. "Because if you love Shannon, why did you let her marry me in the first place?" Calvin wanted to answer him right away, ngunit wala itong maiwika. Tila umurong ang kanyang dila. "Hinayaan mo siyang makasal sa akin dahil ako lang ang makakatulong sa kanya para mailigtas ang kompanya nila? Bakit hindi mo siya ipinaglaban? You could have done something to help her. Marrying me shouldn't be an option." Umiling siya. "You're weak. You love wasn't enough. That's why you let Shannon marry me." "Magdahan-dahan ka sa pananalita, Niccolo," tugon ni Calvin. "Sinasabi mo lang iyan dahil wala kang problema sa pera. Kung kasing-yaman lang kita noon, I would never let Shannon leave me and marry you. Hindi mo yata alam ang salitang sakripisyo. Don't you know that we sacrifice for the one we love?" He stopped for a while. Nagtagisan sila ng paningin. Pataas nang pataas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Nang mga oras na pabagsak na ang negosyo ng pamilya ni Shannon, isa lang akong hamak na ordinaryong empleyado. Ano ang magagawa ko para matulungan siya? Can you imagine how hard it was for me when she told me that she was left with no choice but to marry you? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na isipin na araw-araw, gabi-gabi, ikaw ang kasama niya? Na niyayakap at hinahalikan siya ng iba?" patuloy pa nito. "Correction," wika ni Niccolo. "Hindi iba. Niyayakap siya at hinahalikan ng asawa niya. I am her husband, remember?" Napataas ang noo ni Calvin sa sinabi ni Niccolo. Gayunpaman, pinilit niyang balewalain ang sinabi nito. Nagpatuloy siya sa kanyang sasabihin. "She loves her family and their company. At kung ano o sino ang mga mahal niya ay mahal ko rin. At dahil diyan, kinailangan ko siyang palayain nang pansamantala. But I promised her that I will work hard para pagdating ng araw na kaya ko na, pwede ko na siyang mabawi. And finally, after three years, babalik na rin siya sa akin. At wala ka nang magagawa, Niccolo." "Nasaan ang hiya mo?" ani Niccolo. "You are a man and yet, you used another man to give Shannon what you can't give?" "Kahit ano pa ang sabihin mo, sa bandang huli, iiwan ka ni Shannon at babalik siya sa akin. I assure you na wala kang magagawa. Kaya, ang mabuti pa, aralin mo nang tanggapin iyon," natitiyak na wika ni Calvin. "If you think I will give my wife up that easy, you're wrong," wika ni Niccolo. "You both used me. I don't deserve to be used. I will not let you both go and leave me just like a piece of worthless shit." "Niccolo!" saad ni Shannon. "Please, umuwi ka na. "Sa bahay na lang tayo mag-usap. Mauna ka na, susunod ako." "No," mariing wika naman ni Niccolo. "You're coming with me." Kumunot ang noo ni Shannon. "We don't want to make a scene here, right? So, come with me in peace." Inilahad ni Niccolo ang kamay sa asawa. Napatingin si Shannon kay Calvin. Wala siyang nagawa. Kinuha niya ang kamay ni Niccolo at sumama rito pasakay ng kotse. Niccolo looked at Calvin and smirked. Gusto niyang makita ni Calvin na may magagawa siya. Si Calvin ang walang magagawa dahil siya ang asawa. Naiwan ang kotse ni Shannon. Tahimik na nagmaneho si Niccolo pauwi ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD