"Good morning, Sir Niccolo!" nakangiting bati ni Callie sa kanyang boss. "Good morning, Callie!" Tumayo si Niccolo sa kanyang swivel chair at lumapit sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Callie nang biglang kabigin siya ni Niccolo upang halikan sa pisngi. Tulala siya nang bitawan ni Niccolo. "What?" salubong ang kilay na wika ni Niccolo. He sighed. "I'm sorry! Hindi ko pa nga pala na-i-elaborate sa iyo ang mga kailangan nating gawin." "Ho?" lutang pa ring wika ni Callie. "Nakalimutan mo na ba ang usapan natin kagabi?" "Hindi naman po," tugon ng dalaga. "So, after office, sa akin ka na sasabay palagi. At simula sa araw na ito, huwag mo na aong tawaging Sir. Niccolo na lang. Okay?" Nininerbyos na tumango si Callie. Ngayon lang nag-si-sink in sa kanya na siya na pala ang mistress ni Ni

