Fancy POV
BUSY si Sydd sa Devs Cafe. Ilang araw na din kasi siyang laging nakatambay dito sa mansyon. Like duh! Napapabayaan niya ang business niya. Chloe is so kawawa naman doon kasi wala siyang katulong. Serves her right. It's her boob's fault. It's so malaki kaya mas malaki ang responsibility niya sa Devs Cafe.
I was busy watching TV lang here sa living room. I had nothing to do kasi. I planned to go to Devs Cafe pero mamayang hapon na. Saka I'm preparing myself kasi I know mag-aaway na naman kami ni boobie girl. My dugo is so mainit talaga sa kaniya. I hate her!
"Mam Pansi! Mam Pansi! Napaka fames niyo naman po!"
My noo is nag-pretzel knot sa sinabi ni Yaya Madonna. "What? Fames?"
"Fames po! 'Yun pong sikat po. Hihi."
I make paikot my eyeballs. "Yaya! It's famous. Not fames. Psh! Stop talking in english. You're so trying hard talaga."
She makes kamot her ulo. She has kuto din talaga. Eww.
"Kasi Mam Pansi! Araw araw si crushy dito tapos ngayon po may bago naman. Si cutie naman po!"
My noo is lalong nag-pretzel knots. "Who's cutie?" Tanong ko. Minsan kung anu-anong words talaga ang lumalabas sa bibig ni yaya, e.
"Si cutie po. Si Sir Blake po. Hihi. He is so gwapo gwapo po! Pero I am loyal to crushy."
Si Blake? My eyes widened. He's here. Why? Anong meron? Hindi naman siya tumawag or nagsend ng text na pupunta siya dito. Bakit kaya?
Napatayo ako. I looked at Yaya Madonna.
"How do I look? I'm still maganda pa din ba?" I asked her.
She smiled. "Opo naman, Mam Pansi. You are so beautiful! You is like pretty naman diz girl!"
Kung anu ano talagang natututunan niya sa f*******:. Mga salitaan, e. May f*******: din kasi 'yang si Yaya. She's my personal yaya kaya marami din siyang free time para mag-f*******:.
Inayos ko ang sarili ko saka pumunta sa may pinto. Lumabas ako at nakita ko nga si Blake na nakasandal sa kotse niya. Nakapasok pa ang kotse niya sa veranda. Hindi ko man lang namalayan. Kung sabagay, kilala na siya ng guard namin sa gate kaya siguro pinapasok na siya nang hindi ako tinatawagan.
"Hi, Jewel." Bati niya. May hawak siyang paperbag. Sinalubong niya ako at inabot iyon sa akin. "For you."
"Ano 'to? And why are you here?" Tanong ko.
"That's a simple gift for you. And I'm here because I want to ask you out? Lunch?"
Huminga ako ng super deep saka pinakalma ang sarili ko. Seriously, he's asking me out? Lunch date? Like that? Ohmyholychuvaners, anong nakain ni Blake?! Bakit may ganitong eklavu?! This is nakakagulat to the highest mountain everest!
"L-Lunch? W-Wala kang work?" I asked. I'm nauutal like I'm nahihiya pa rin talaga sa kaniya. I'm not really comfortable with him pa, e. I don't know why.
"Yeah, lunch. Wala akong work today that's why I decided to ask you to have lunch with me. Is it fine with you?" He's gwapo as ever. He's really gwapo. Even if he's just wearing his pants and plain shirt. Ugh!
"Oh, okay?" I don't want to be rude naman, e. Saka ayokong mag-maganda. I have nothing to do din naman so it's not masama naman kung sumama akong mag-lunch kay Blake.
"Great. Let's go?"
"Ah, wait! Magpapalit lang ako ng damit." Sabi ko. "Let's go inside. Doon ka muna sa living room. Medyo matagal akong mag-ayos, e."
"Hindi mo naman kailangang mag-ayos. You're beautiful, Jewel. Kahit walang make-up."
I bit my lower lip. Nakakakilig naman ang compliment niya. We're walking towards the living room. Ngiting ngiti si Yaya Madonna sa amin.
"Dito ka nalang muna. I'll be quick." Paalam ko. Nang tumango siya ay hinila ko na si Yaya paakyat sa kwarto ko.
Syempre I need katulong to choose some dress or clothes. Ugh, I'm feeling nervous right now. Why do I need to feel like this? It's kind'a hard for me to be comfortable with Blake unlike with Sydd.
"Mam Pansi! You is bagay bagay kay cutie! I'm so kinikilig po!" Sabi ni Yaya pagkapasok namin sa kwarto ko.
"What should I wear?" Sa halip ay tanong ko. Ayokong pagtuunan ng pansin ang sinabi niya.
Kami, bagay ni Blake? Bakit gano'n? Bakit parang walang sparks sa sinabing iyon ni Yaya? Parang walang epekto sa akin? Ugh, my self is so abnormal na talaga.
"Kahit naman po ano, bagay sa 'yo Mam Pansi, e!"
I sighed. Anything goes. Sabagay, hindi ko naman siguro kailangan na bonggahan ang suot ko. Simplicity is beauty. And I, myself is a real beauty.
Alright! Kumuha ako ng simpleng dress sa closet ko. Color is fuschia. Itinapat ko iyon sa sarili ko habang nakatingin sa human sized mirror ko.
"I'm fine with this. Leave me now, Yaya. Give Blake something to drink." Utos ko.
"Aye aye, Mam Pansi!"
Lumabas na si Yaya at naiwan ako dito sa kwarto ko. I think it's okay naman to wear this simple dress, e. Saka I'm very fond of wearing dress. I make kuha my fuschia flat shoes para matchy matchy. Then, I decided to make palit na.
Baka mainip si Blake, e. Nakakahiya naman sa kaniya na paghintayin ko siya ng matagal.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay tiningnan ko ulit ang sarili ko sa human sized mirror.
"Wow, you're so perfect talaga, myself!" Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.
Sunod kong isinuot ang flat shoes ko saka inihanda ang black sling bag ko. Naupo ako sa harap ng salamin kung saan naroon ang mga make up ko and everything.
Sabi ni Blake, I'm beautiful even without make up. So, I will put some powder lang sa face ko. There, and I will put some lip tint para it looks natural lang.
Baka maisipan ni Blake na i-kiss ako. At least, I have kissable lips. Ugh! What am I thinking ba? I'm nagiging adik na yata sa kiss! Arghhh. It's Sydd's fault!
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay itinali ko ang buhok ko ng bun style. Medyo messy para mas maganda. Here I go, so perfect to the highest levelicious!
Tumayo na ako at tiningnang muli ang repleksyon ko sa salamin. I'm so speechless. I'm naturally beautiful!
Kinuha ko ang sling bag ko saka isinabit sa balikat ko. I'm all ready. Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba ng living room.
Naabutan ko si Blake na umiinom ng juice. My noo is nag-pretzel knots when I noticed that he's laughing.
"Naku, you is cutie talaga! Hihi! I want to hingin your number pero I am loyal to crushie. He is becoming angry bird to me!"
Lalong tumawa si Blake. Kahit kailan talaga 'tong si Yaya Madonna, e.
Tumikhim ako. They looked at me. Napatayo si Blake at ngumiti sa akin.
"You looked wonderful, Jewel." Aniya.
"Yaya, ikaw na ang bahala dito. Aalis muna ako kasama si Blake." Sabi ko. Para at least, kapag hinanap ako ng mga kapatid ko, alam nila.
"Aye aye, Mam Pansi! You is ingat ingat with cutie!"
I make paikot my eye balls. Arghh, I hate her trying hard english s***h conyo. She's making gaya my fancy language!
"Let's go?"
Tumango ako kay Blake. "Okay!"
Lumabas kami ng mansyon saka niya ako inalalayan sa pagsakay sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Napaka-gentlemen niya like OMG!
Nang makasakay na ako sa kotse niya ay sumakay na rin siya sa driver's seat.
"Where do you want to eat?" He asked. Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan saka dahan dahang inilabas sa veranda namin ang kotse niya.
"Anywhere? I'm not really choosy naman sa foods, e!" Duh, sinabi ko lang 'yan! Like GRRR! Ayoko namang maging super choosy.
"Alright."
Tahimik kaming dalawa habang nagda-drive siya. I cannot! I don't know what to say kasi. I can't start a topic though. Waaaa! I'm mabibingi na sa sobrang silent here!
"Ah, Jewel."
"Yes?"
"How are you and Sydd?"
My eyes are nanlaki. Shemay! Why is he asking about Sydd? He's jealous kaya? Ohmyholychuvaners! I saw how they stared at each other last time. Maybe he's jealous? Who's the bakla?
"Ah, we're fine? We're friends?"
"Friends?"
He's asking talaga! So nakakaloka! He's curious! Baka he will make agaw agaw si Sydd sa akin kaya? I cannot!
"Oo. We're close friends and he's nanliligaw to me." I don't know why I said that he's nanliligaw to me. Kasi naman, maybe Blake is interested with Sydd!
Ang unang lalaking minahal ko mamahalin ang sunod na lalaking minamaha---wait? What did I say? Gosh! Erase, erase!
"Oh, he's courting you. I'm aware of that. Do you like him?"
Whaaaattttt. A while ago, I'm naiinis because we're so tahimik but now, I wish we're tahimik nalang and not talking. Why is he asking me about Sydd? Why?!
"OMG! There's a flying pusa oh!" I make turo sa unahan.
Napa-preno si Blake. "What the?!"
"Hehe. Nawala na. Baka pokemon 'yon or I was just imagining things? I thought I saw a flying pusa, e. Sorry!" Nag-peace sign ako.
I did that on purpose. I don't want his questions na kasi, e! So I need to change the topic.
Pinaandar na ulit niya ang kotse niya. "Are you okay? Sorry. Nagulat lang ako."
I smiled so lapad. "It's fine, Blake. Where do we eat nga? Is it filipino food, korean food, chinese food or what?" It's better to make iba the topic. Baka he'll ask again about Sydd, e. I'm not really comfortable with it.
"Italian food?" He said---like asking.
"Okay. Italian food." I answered.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. We're gonna eat at Italian Restaurant. Maybe, I should enjoy this day with him. Lunch date, I mean. It's nakakamiss din na makasama si Blake even if it's awkward because it's only the two of us.
Well, it's just a lunch. I'm gutom na din, e. My stomach said rawrrr na, e.
-
NAGTATAWANAN kami ni Blake. He's making a lot of jokes kasi, e. Hinatid niya ako dito sa mansyon.
"Thanks for today, Blake!" Sabi ko.
Tumango siya saka ngumiti. "Thank you din, Jewel. I had fun." He said and bid his goodbye.
Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Kumaway pa sya bago sumakay ng kotse niya hanggang sa nakaalis na siya.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko kaya pumasok na ako sa loob ng mansyon pero nanlaki ang eyeballs ko nang salubungin ako ni Sydd. He's here? And he looked mad? Why?
"Nakipag-date ka pala." Aniya. He's serious like OMG, why kaya?
"Naglunch lang kami ni Blake." Sagot ko.
"Without telling me? Without texting me? Nag-alala ako sa 'yo, Fancy!" His voice is pasigaw na like he's galit talaga.
My noo is nagpretzel knots. "Why are you mad? What did I do?"
"Sana man lang nagsend ka ng message sa akin na lalabas ka kasama si Blake. Sana man lang pinaalam mo sa akin na makikipagdate ka sa Blake na 'yun!"
So GRRR! He's nagagalit talaga, ha. I'm masisindak na ba?
"Why? Bakit kailangan kong gawin 'yon? Do I need to ask permission to you?" I'm naiinis ha. My blood is tumataas na to the mountain everest!
"Hindi ko sinasabi na humingi ka ng permission sa akin. I just want to be aware! Alam mong mag-aalala ako! Saka isa pa, umasa ako na pupunta ka sa Devs Cafe kanina. Pero hindi kasi busy ka pala kay Blake."
Is he jealous?
"You should have ask Yaya! She knows naman na kasama ko si Blake!"
"She's not here. May binili daw sa labas. That's why I got worried! I texted you, I called you but there's no response. Damn it."
He's nagmumura na. He's galit talaga.
"Bakit ka ba nagagalit diyan? Why? I'm not your girlfriend. And you're not my boyfriend para mag-report ako sa iyo kung saan ako pupunta!" My blood is going high na talaga. "Wala tayong relasyon, Sydd! Like duh! I'm naiinis na to you! It's not my fault that you're umasa!"
He glared at me. "Iyon na nga, e. Hindi mo ako boyfriend. Kaya wala akong karapatan. Wala akong karapatang magkaganito but I can't help myself because I love you and I care for you! Ikaw ang buhay ko, Fancy!"
Dug, dug..
"Sorry for acting like this. Wala nga pala tayong relasyon. Tangina, walang tayo pero napaka OA kong magreact ng ganito."
"I want to rest." Sabi ko nalang. I want to stop this conversation na.
"Fancy..."
"Umuwi ka na, Sydd. I'm tired." I'm naiinis. Wala siyang karapatang sigaw sigawan ako. Like GRRRR!
Nilampasan ko siya. Ayoko ng makipag-usap sa kaniya. Gabi na at gusto ko ng magpahinga.
"I'm damn jealous."
Napatigil ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero nakatalikod lang siya sa akin.
"Take a rest. Sleep well, wifey. Sorry for acting like that."
Hindi pa rin ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa likod niya.
"It's just that... Mahal na mahal kita kaya nagseselos ako. At mahirap kontrolin."
Napanganga ako sa sinabi niya. Until he walked away. Lumabas na siya ng mansyon nang hindi ako nililingon.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas lakas ng kabog. Why is that. Bakit para akong na-guilty sa pinakita ko sa kaniya.
He's jealous.
Arghh! I'm nakonsensya bigla. What should I do?