Fancy POV
Napalunok ako. Oo, nagulat ako pero..
"..but I'm married now and I don't want to hurt Hazel."
Napatungo ako. Yes, he is a married man. Bakit ba iniisip ko pa na may possibility na maging kami ulit? No. Mali 'yun. Hindi ko na naman sigurado kung mahal ko pa siya tulad ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya noon. Alam ko sa sarili kong may epekto pa siya sa akin. Naguguluhan ako dahil 'yung puso ko, parang tumitibok sa dalawang tao. Napaka-imposible. Siguro, confuse lang ako.
Si Blake, siya ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. I'm so inlove with him at lahat ng pagpapapansin ginagawa ko noon para sa mapansin niya lang ako. Iyong sa kaniya lang umiikot ang mundo ko. Siya pa ang ideal man ko. He's my greatest love.
Si Sydd, ang lalaking kahit kailan, hindi ko hiniling na mahalin ako pero minahal niya ako. Nanatili siya sa tabi ko kahit pinagtatabuyan ko siya at harap harapang isinisigaw sa kaniya na ayoko sa kaniya. Ang lalaking ginagawa ang lahat para sa akin. He already proved to me that he really loves me. And I admit, there's something here in my heart for Sydd. I just can't figure it out for now, but I know, soon. Malalaman ko rin kung ano itong kakaiba sa dibdib ko.
May nararamdaman ako sa dalawang tao. Ang tanong, kanino sa kanilang dalawa ang talaga "love" ang nararamdaman ko, at hindi lang basta--dahil may epekto ang isa sa'kin, o kinilig ako sa isa, o natutuwa akong makita 'yung isa, o kaya gusto kong nakakasama 'yung isa. Iba iyon sa "love" na nararamdaman ng puso. But who? Is it Sydd or Blake? Ang alam ko lang sa ngayon, mahalaga silang dalawa sa 'kin.
"I know.."
"It's really hard for me to act like I don't care. Kapag kaharap kita, 'yung puso ko.." Dugtong niya.
Ayoko ng makinigi. He's a married man. That's a fact. Hindi na siguro namin kailangan na mapag-usapan ang ganito. Unfair iyon sa asawa niya--kay Hazel.
"Blake.."
"Mula nang makita kita ulit, nagulo ang sistema ko. I didn't mean to act like this but I can't help it."
I stopped him. I held his hand. "Blake, you're always a part of me. You're a marrie---"
"So, this is it.."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Hindi iyon boses ni Blake. Nabitawan ko ang kamay ni Blake saka tumunghay. Doon ko nakita si Sydd na nakatayo--na ngayo'y nasa harap na namin.
"Sydd.."
He faked a smile. "I get it." He heaved a sighed and turn his back on me.
Nataranta ako. Lumalakad siya, palayo.
Napatayo ako. Hinawakan ako ni Blake sa kamay ko. Tiningnan ko iyon.
"Jewel.."
Napailing ako. I bit my lower lip. "I'm sorry, Blake. I have to go." Hinila ko ang kamay ko at mabilis na hinabol si Sydd.
I admit, may kumirot sa dibdib ko nang makita ang pagtalikod ni Sydd. Hindi ko alam kung bakit parang nagkagulo ang organs ko.
-
Sydd POV
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa'kin na hanapin si Fancy. Ayoko kasing lumalabas siya ng gabi lalo na kung 'di niya ako kasama. Mahirap na. Sa panahon ngayon, marami ng pakalat-kalat na maloloko lalo na sa daan.
Pero parang nagsisi akong hinanap ko siya ngayon.
Mahal na mahal ko si Fancy. Siya ang babaeng gusto kong pakasalan. Naka-set na 'yun sa utak ko. Lahat gagawin ko para sa kaniya. Kahit hindi ko alam kung anong nararamdaman niya sa akin--o kung may nararamdaman ba siya sa akin, wala akong pakialam. Basta mahal ko siya, tapos!
"Sydd!"
Hinahabol niya ako. Iniwan ba niya si Blake para habulin ako? Lilingon ba ako?
"Sydd, ano ba! Sydd!"
Tumigil ako pero nanatili akong nakatalikod sa gawi niya. Ayokong makita niya ang itsura ko--malungkot ang mukha na parang down na down. Hindi ako ito. Hindi ganito ang Sydd na kilala niya.
"A-ano, why..why did you make sunod ba?!" She asked.
Hindi pa rin ako lumingon. She's always like that. Sinusungitan niya ako pero ayos lang, kahit sungitan niya ako, wala akong pakialam, ang mahalaga kinakausap niya ako. Iyon ang lagi kong iniisip noon pa man. Kaya nga narito pa rin ako para kay Fancy.
"Mahal mo pa rin siya.." Sabi ko. Napatungo ako. Tangna kasing mata 'to, bigla nalang nanggilid ang luha. Kaya ko lahat para sa kaniya pero bakit masakit dito oh, dito sa dibdib ko.
"S-Sydd.."
"Ilang taon na ang lumipas, siya pa din? May asawa na siya, siya pa din. Lumayo ka na at nagmoveon sa kaniya, pero siya pa din? Masaya na siya kay Hazel, siya pa din? Ano bang dahilan ng pagbabalik mo? Siya pa din?"
Humarap ako sa kaniya. Wala na akong pakialam kung makita niyang tumutulo ang tangnang luha ko. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya na makita akong ganito. Nakaka-bading! Puta.
"Palagi nalang bang siya, Fancy? Bulag ka pa rin ba ng pagmamahal mo kay Blake kaya laging siya?! Paano naman ako?" Naikuyom ko ang kamao ko. Bakit sa tinagal-tagal kong minamahal si Fancy, ngayon lang nag-inarte ng ganito ang puso ko? Tangna naman oh.
"Sydd m-mali ka..hindi.."
"Ginagawa ko naman ang lahat para maging karapat-dapat sa'yo. Naghihintay ako hanggang sa mahalin mo din ako. Hindi naman ako nagreklamo 'di ba? Dahil kahit pa gaano katagal, kaya kong maghintay! Kaya ko, Fancy. Pero bakit, tangna masakit!"
Napansin ko ang pagtulo ng luha niya. Nasa itsura niya rin ang natataranta.
"Kay Blake lang ba talaga umiikot ang mundo mo? Hindi ba pwedeng..ako naman? Kasal na siya oh." Fcking tears, nakakabading talaga!
"Sydd mali ka. Hindi. Hindi.."
Tumingala ako para tumigil sa pagtulo ang luha ko saka muling tumingin sa kaniya. "I've been faithful to you since day one. Kahit tumingin sa iba, hindi ko ginawa kasi gusto kong patunayan sa iyo na seryoso ako. Na kahit minsan, dinadaan kita sa pang-aasar, totoo at bukal sa puso ko ang nararamdaman ko sa 'yo."
"It's not what you think. Naka-move-on na ako kay Blake. Mali ang iniisip mo, Sydd. Hindi siya ang dahilan ng pagbalik ko dito. Hindi.."
"Naka-move-on ka na ba talaga? Pero bakit apektado ka pa rin sa presensiya niya? Bakit ganiyan ka pa rin kumilos kapag kaharap mo siya? Hindi madlaing kalimutan ang naging ideal man mo na halos sambahin mo na dahil sa pagmamahal mo sa kaniya noon. Naalis na nga ba? Ng ganoon kadali?" Ngumiti ako ng mapait. "Ideal man siya eh. Ibig saihin nasa kaniya lahat. Ano pa bang kulang ko para maging ideal man mo na rin ako? Tell me, gagawin ko. Tell me.."
Lumapit siya sa akin pero umurong ako. Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng nakakagagong luha kong 'to.
"Sydd.." Fck. She's crying and I hate to see those tears.
"Ito oh! Ito!" Sigaw ko habang tinuturo ang dibdib ko. "Manhid na 'to eh! Sanay na 'to na ipagkalandakan mo sa akin noon na ayaw mo sa akin. Na si Blake ang gusto mo kaya 'di ko alam kung bakit nasasaktan ito ngayon!" Sigaw ko.
"S-Sorry.."
"Bullshit! Hindi mo kailangang mag-sorry. Nararamdaman mo 'yan. Buhay mo 'yan. Sino ba ako para pakialamanan ka?"
"Sydd.."
"Sino ba ako? Ako lang naman 'yung nagpapakatanga sa'yo. Ako lang naman 'yung kahit alam kong sa simula palang ay talo na ako, sumugal pa rin ako kase sabi nila, don't give up on things that can make me happy. Kaya narito pa din ako. Hindi ako bumubitaw. Lumalaban ako kasi masaya ako eh. Masaya ako, w-wifey.." Inihilamos ko sa mukha ko ang palad ko para mapunasan ang luha ko. Para akong bakla na nagda-drama dito.
Naitakip niya ang kamay niya sa bibig niya habang umiiyak. All I want to do now is to hug her pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi kaya sa ngayon, masakit eh.
"Mahal na mahal kita, Fancy. At hanggang ngayon pinapatunayan at pinaparamdam ko sa'yo 'yun."
"I know, Sydd. I know. Please.."
"What? Now, tell me. Are you still worth fighting for? Or should I give up?"
Tumakbo siya palapit sa akin at hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. She's crying. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Para akong tanga na natulala sa kawalan. Ni hindi ko siya ginagantihan ng yakap. Nasa ere ang mga braso ko.
"S-Sydd..sorry..sorry.."
I looked at the sky. Damn, umaambon. Uulan pa yata. Makikisabay pa yata sa pag-iyak ko ang langit.
Humahagulhol si Fancy habang nakayakap pa rin sa 'kin. Ayokong nagkakaganito siya. Ayokong nasasaktan siya. Ayokong umiiyak siya. Pero hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Masakit na eh.
Patuloy sa pag-iyak si Fancy. "M-Mahal ki.."
"s**t!" Sigaw ko saka ikinalas si Fancy sa pagkakayakap sa akin. Biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Hinila ko siya sa kamay papunta sa kotse ko sa di-kalayuan pero napatigil ako dahil tumigil siya.
Tumingin ako sa kaniya. Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya. She's looking at me intensely.
"Umuulan na! Nababasa na tayo. Let's go to my car!" Sigaw ko. Damn it. Panira ng drama ko ang ulan.
Umiling siya. Pasaway. Ano bang trip niya?
Lumapit ako sa kaniya at muling hinila ang kamay niya pero hindi siya nagpahila. "Fancy, nababasa ka na. Magkakasakit ka! Then what? Magmamaktol ka na naman na ayaw mo ng gamot? Na ayaw mong magpacheck-up?" Galit na sabi ko.
She just smiled at me. Tangna, nakakaloko.
"Fancy Jewel Abellano." I said in my warning tone. Ngayon lang ako um-akto ng ganito dahil aminado naman akong under ako ni Fancy. Tch.
"You knew me well." She said. "Kilalang-kilala mo na ako. Kabisado mo na ako."
"This is not the right time na magsalita ka ng ganyan. For Pete's sake, basa ka na ng ulan! Bakit ba ang pasaw--" nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang labi ni Fancy sa labi ko. Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito.
Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama. Damn! Ang sistema ko, nagwawalang parang bakla. Bigla ay nabura ang sakit na nararamdaman ko. Puta.
"Reklamo ka ng reklamo na basang basa na ako ng ulan samantalagang basa ka na rin naman. Palagi nalang bang ako ang aalalahanin mo, Sydd? Psh."
Tangna, nakuha pa magtaray ngayon? Kakatapos ko lang maglabas ng sama ng loob at pagkatapos niya akong halikan, ganito siya?
"Alam mong inaal--" inilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko kaya natigilan ako sa pagsasalita.
"Sshh. Dami mong sinasabi." Inirapan niya ako. "Habulin mo ako!" Sigaw niya saka tumakbo ng mabagal.
What the fck?
"Hahabulin mo ba ako o hindi?!" Sigaw niya. Medyo malayo na siya sa akin.
Napailing nalang ako. Tch. Fancy will always be Fancy. She's playful, she's a little devil, she loves trippings but I can accept her for she is.
"Kapag nahabol mo ako, may kiss ka pang isa!" Natatawang sigaw niya.
Ano pa nga ba? Tch.
Huminga ako ng malalim saka iwinaglit na ang mga drama ko kanina. Ang mahalaga, narito si Fancy sa akin. At alam ko, ramdam ko sa halik niya na may nararamdaman siya para sa akin.
"Hoy Sydd Calebaw!" Sigaw pa niya.
Calebaw? It's Caleb. The fck. Kina-kalabaw ang second name ko. Tch. Humanda ka sa 'kin.
Tumakbo ako at hinabol siya. Nagtitili siya at nagpaikot-ikot sa isang puno dito sa park.
"Kapag nahuli talaga kita.."
"Ano, ano?" Dinilaan pa niya ako. Puta.
Naghabulan kami sa ilalim ng ulan. Para kaming mga batang may sariling mundo. And this is what I'm saying. Iyong mundo niya na..kasama ako at hindi si Blake.
-
Fancy POV
Pumasok kami ni Sydd sa mansyon. Mabilis kaming sinalubong ni Butler saka ini-abot sa amin ang towel.
Nagpunas agad ako ng mukha ko. Kanina ko lang naranasan ang magpa-ulan. Masaya pala lalo na kung SIYA ang kasama ko. Iba talaga ang epekto at dating sa akin ni Sydd.
"Ang mga kabataan talaga sa panahon ngayon, sa halip na ingatan ang sarili ay lalong inilulugmok ang mga sarili sa epidemyang kumakalat sa lipunan na sanhi ng pagbababad sa ulan."
Tiningnan ko ng super duper masamang tingin si Patrick. He's using deep tagalog and I don't know kung bakit. It's nakakadugo kaya ng nose.
"Patrick, will you please stop talking like that?"
"Wow. Nahiya naman ako sa fancy language mo. Tch. Bakit ba kayo nagpa-basa sa ulan. Feeling niyo ba, nasa teleserye kayo na naghahabulan sa ulan?"
Lalo ko siyang tiningnan ng masama.
"Patrick!"
"Tch. Hoy Sydd, bakit kayo nabasa ng ulan?" Tanong ni Patrick kay Sydd na mukhang lamig na lamig. Psh. His resistensiya is so mahina.
Tumingin sa akin si Sydd bago sumagot. "Dahil..wala kaming payong?"
Nag-pokerface si Patrick.
"Stop asking us na nga! We need to make ligo na so that we can make palit na ng damit!" I said.
"Tch. Magsasabay ba kayo sa isang banyo?"
"Pwede."
"Of course not!"
Tiningnan ko ng masama si Sydd. He's so ano talaga. Argghhh!
"Maligo na nga kayo." Sabi ni Patrick then he's tumingin kay Sydd. "Brad ipapahatid ko sa banyo kay Butler ang spare cloth ko para magamit mo."
"Thanks, bro."
"O siya, bubwit. Hala, akyat na sa ikalawang palapag ng mansyon at dumiretso ka sa iyong silid. Maligo ka na upang makapagpalit ka na ng tuyong damit. Mahirap na. Uso ang sakit sa pana--"
"Shut up." Sabi ko kay Patrick saka siya nilampasan. I need tissue, ohmy! My ilong is dudugo sa deep tagalog na 'yon!
Pag-akyat ko sa hagdan ay nilingon ko si Sydd. "Bababa ako after ko. Wait for me." Sabi ko saka tumakbo na.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa likod ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k. Kakaibang t***k. Malayo sa pagtibok na naramdaman ko kay Blake.
Magka-iba. Ano 'to..
Kanina, noong nagsalit siya. Noong umiiyak siya sa harap ko. Noong sinasabi niyang nasasaktan na siya. Noong tinanong niya ako kung worth it pa ba kung ipaglalaban niya ako o igi-give up na niya ako, doon nag-react ang puso ko. Para iyong may bibig at sumigaw ng malakas na "NO!" So I lightened up out moment para mawala ang drama. I hate dramas. Specially with Sydd. Mas gusto kong playful siya. Iyong nakangiti siya. Dahil ang totoo, sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita ko siyang umiiyak nang dahil sa akin.
Nakasama ko pareho sina Blake at Sydd. Pero may difference sa naramdaman ko, sa ikinilos ko at ini-react ng sistema ko.
Confuse pa ba ako? O alam ko na ngayon sa sarili ko kung kanino ko nararamdaman iyong "love"?