Amea POV “Sinabi ko naman kanina wala kong panahon para tumagal dito kaya kung ayaw mong yang isip mo ang tanggalin ko mula sa utak mo. Aalisin ka dyan o aalis ka?” Pikon na pikong sabi ko kay Thanatos habang hawak sa magkabilang kamay ang naglalakihang bolt. Kanina pa ako naiinis sa mga humaharang sa dadaanan namin kung anu-anong nagbabantay ang hinaharap namin. Sana man lang naging condiderable si Uncle Hades at inalis na muna ang mga ginawa niyang mga nakaharang dito. “Woah! Woah! Ang init ng ulo niyo Goddess Amea nagbibiro lang naman ako.” Nakataas ang dalawang kamay ni Thanatos, sinasabing sumuko na siya. Hindi ko pa din tinatago pabalik ang bolts ko at tinignan siya ng seryoso. “Wala akong panahon magbiro kaya kung ayaw mong matusta buksan muna ang daanan.” Banta ko sa kany

