Chapter 60

1542 Words

Pasado hatinggabi na subalit nasa kalagitnaan pa rin ng pag-iisip si Zyros. Mahimbing na rin ang tulog ni Jackie habang nakayakap ito sa kanya ng mahigpit. Nag-aalala na siya para sa magiging anak nilang dalawa. Ayaw niyang lumaki ang magiging anak nila na dala ang sumpa mula sa kanilang mga magulang. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng asawa mahigpit na nakayakap sa kanya. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi nito at pinanood ng may lungkot sa mga mata ang tiyan ng asawa. "Sana mapatawad mo ako pagdating ng araw, Anak. Kung alam ko lang na sasapitin niyo itong mag-ina, sana pinigilan ko na lang ang aking sarili," mahinang usal at bahagyang hinimas ng maingat ang impis na tiyan ng asawa. Namamasa na rin ang mga gilid ng mata niya dahil sa nagbabadyang luha na gusto na namang kumawala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD