Dahil sa masamang pakiramdam ni Zyros ay hindi niya na namamalayan na sinasakop na pala ng dilim ang kanyang paningin. Pakiramdam niya kasi ay tila ba pagod na pagod ang kanyang katawan. Pati ang talukap ng kanyang mga ay kusa nang pumipikit. Kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat siya nakakatulog dahil isa nga siya imortal. Nangyari na rin ito nung nakaramdam din siya ng panghihina ng kanyang kapangyarihan. Pero saglit lamang iyon. Kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay nararamdaman niya pa rin kung ano ang nangyayari sa buong paligid. Subalit iba ngayon. Talagang mahimbing siyang nakatulog habang nakayakap si Jackie sa kanya. Tila ba iyon ang hanap ng katawang lupa niya ngayon. Sinubukan niya pa itong labanan, ngunit kahit anong pigil niya sa pagsara ng talukap ng kanyang mga mata

