Dahil sa pagod ay mabilis na nakatulog si Jackie. Ngunit si Zyros ay nanatili lamang na gising nakamasid lamang sa natutulog na dalaga. Hindi naman kasi masyadong nakakatulog ang isang imortal na nilalang. Siya lang itong nag-aasal tao na akala mo ay natutulog talaga. Pero ang totoo ay nakamasid lamang sa pulso ng kagubatan habang nakapikit.
Hinimas ni Zyros ang maliit at magandang mukha ni Jackie na may pangungusap pa rin ang mga mata habang nakatagilid ito at nakaharap sa kanya. Walang patid ang kaligayahang nararamdaman niya habang nakabantay sa natutulog na katabi. "Hindi na ako papayag na muli kang masaktan ng dahil sa 'kin, Jackie. Simula ngayon ay mamahalin kita ng walang hinihinging kapalit mula sa 'yo."
"At kung anuman ang mangyari sa pagpapasya kong ito ay nakahanda na ako!" dagdag pa nito. Pagkatapos ay hinalikan nito ang dalaga sa noo na puno ng pagmamahal.
Nang magising si Jackie ay puno ng bulaklak ang loob ng kuweba ng binata. May mga pagkain na ring nakahanda sa kanyang harapan. Kaya biglang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam niya ay napaka-espesyal ng umaga niya ngayon dahil sa mga inihanda ng binata. Kumuha siya ng isang pirasong bulaklak at nakangiti niya itong inamoy.
"Napakabango mo naman," mahinang usal niya na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Inikot niya ang paningin sa paligid ngunit wala ang binata.
"Nasaan kaya ang lalaking 'yon?" bulong nito habang palinga-linga sa b****a ng kuweba. "Umalis na naman ba siya?" dagdag pa nito at biglang kumunot ang kanyang noo.
Subalit nang magawi ang tingin niya sa baba ay puro bulaklak ang nakakalat sa sahig palabas ng kuweba. Kaya nagtaka siya at mabilis na tumayo. Sinundan niya ang ang mga nagkalat na bulaklak palabas ng kuweba habang panay ang linga-linga nito sa paligid.
Sa 'di kalayuan ay may napansin siyang lalaking nakatalikod. Kaya napangiti siya dahil si Zyros ang lalaking iyon at papunta sa kanya ang mga nagkalat na bulaklak sa baba. "Ano naman kaya ang ginagawa niya?"
Muli niyang inihakbang ang kanyang paa papalapit sa binatang nakatalikod. At nang makalapit na siya ay tinawag niya ang pangalan nito. "Zyros?" sambit ng dalaga.
Dahan-dahang humarap sa kanya ang binata na matamis na ngiti sa kanyang labi. "Nagustuhan mo ba mga bulaklak?" tanong nito. Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga para lumapit sa kanya, habang ang isang kamay naman niya ay nakatago sa kanyang likuran.
Nakaramdam ng kilig ang dalaga dahil sa ginawa ni Zyros. Hindi niya sukat akalain na may nakatago din palang ka-sweetan ang binata. Ngumiti siya at kaagad na inabot ang kanyang kamay sa binata.
Nang makalapit na ang dalaga ay inabot na ni Zyros ang bulaklak na nakatago sa kanyang likuran. "Para sa 'yo, Jackie," wika niya nang i-abot na ang hawak na bulaklak.
Kaya halos mapatili sa kilig ang dalaga. Nahihiya lamang siyang ipakita na gano'n ang nararamdaman ng kanyang puso. "Maraming salamat, Zyros." Inamoy niya ang bulaklak na may magandang ngiti sa kanyang labi.
Pinalibutan rin sila ng mga naggagandahang mga paru-paro kaya natuwa si Jackie at muling napangiti. "Ang ganda," wika niya habang panay ang tingin sa mga iba't-ibang kulay ng paru-paro. Talagang nagmistulang paraiso na ang buo nilang kapaligiran dahil sa dami nito.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ng binata na bakas rin ang kaligayahan dahil sa matamis na ngiti ng dalaga.
"Oo, Zyros. Maraming salamat!" madamdamin niyang sambit na may pangungusap sa kanyang mga mata.
Maya-maya ay nakita niya na pinadapo ni Zyros sa palad nito ang isang kulay asul na paru-paro. Kaya namangha na naman ang dalaga.
"Ang galing naman," usal niya dahil sa pagkamangha sa nakikita.
Dahan-dahang inabot ng binata sa dalaga ang paru-paro na nakadapo sa kamay nito na may matamis na ngiti.
Kaya inilapit din ng dalaga ang kanyang palad. Makalipas ang ilang sigundo ay lumipat ang paru-paro sa kanyang palad. Kaya labis na naman siyang namangha. Tinitigan niya itong mabuti sa kanyang palad. Pagkatapos ay pinalipad na niya ito sa hangin.
"Napakaganda talaga nilang pagmasdan," muling sambit nito.
"Tama, napakaganda ngang pagmasdan," sagot din ng binata. Pero hindi siya sa paru-paro nakatingin kundi sa mukha ng dalaga. At walang kamalay-malay doon ang dalaga dahil nakatuon lamang ang atensyon niya sa napakaraming paru-paro na nakapalibot sa kanila.
Lumapit pa lalo si Zyros kay Jackie kaya napatingin sa kanya ang dalaga. Pagkatapos ay kinabig ni Zyros ang baywang ni Jackie para dumikit sa kanya. Kaya nanlaki ang mata ng dalaga dahil sa pagkabigla. Kumabog na rin ang kanyang dibdib kaya narinig na naman iyon ng binata.
Tinitigan ni Zyros ang namimilog na mata ng dalaga at mas lalo pa nitong inilapit ang kanyang mukha. "Masaya ako na dumating ka sa buhay ko, Jackie!" mahinang sambit nito na puno ng may madamdaming tinig.
Lalo namang lumakas ang kabog sa dibdib ni Jackie. At pakiramdam niya ay malapit ng sumabog ang kanyang dibdib. Nararamdaman niya rin na tila umiinit ang kanyang mukha dahil sa nakakatunaw na titig ng binata. "M-masaya rin ako, Zyros," nauutal niyang sambit dahil sa sobrang kaba sa kanyang dibdib.
Nang sabihin iyon ng dalaga ay bigla na lamang inilapat ng Zyros ang kanyang labi sa labi ng dalaga. Kaya muli na namang nanlaki ang mga mata ng dalaga. At nang igalaw na ng binata ang labi ng binata ay napakapit si ng mahigpit sa lalaki. Nadadala na kasi siya sa matamis nitong halik kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at dinama ang init ng kanilang pagpapalitan ng halik.
Wala silang kamalay-malay na mga mata na kanina pa nakamasid sa kanila ng mga sandaling iyon. Nalulungkot na ang mga mata iyon dahil nagsimula na ang matagal na niyang kinatatakutan.
"Hindi ako nagkulang ng pagpapaalala sa 'yo, Zyros. Pero kung iyan talaga ang pipiliin mo, wala na akong magagawa," sambit ni Thanus habang nakamasid sa dalawa. Pagkatapos ay muli na itong tumalikod saka umalis at bumalik na sa kanyang tirahan.
Pagkatapos ng magandang sorpresa ni Zyros sa dalaga ay bumalik sila sa kweba. Sabay silang kumain ng agahan habang masayang nagkukwentuhan na walang bahid na pag-aalinlangan. Napapanatag na rin ang loob ni Jackie sa binata, at nasasanay na siya na lagi niyang kasama si Zyros.
Ganun din ang nararamdaman binata habang kasama niya si Jackie. Hindi muna siya nag-iisip ng masama tungkol sa mangyayari sa kanya sa hinaharap. Basta ang importante sa kanya ngayon ay masaya siya habang kapiling ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.
"Congressman, nakahanda na po ang mga tao natin. Kayo na lang po ang hinihintay nila," usal ni Berto kay Congressman Richard habang nakaupo ito sa loob ng kanyang opisina at naglalagay ng bala sa pinagawa niyang baril. Ngayong araw na kasi nila papasukin ang bundok ng Death Forest.