Chapter 1

1206 Words
“Zyros!” malakas na tawag ni Thanus sa kaibigan. “Saan na naman kaya nagpunta ang lalaki na ‘yon?” bulong nito sa sarili. Naikot na nito ang buong paligid ngunit hindi niya makita si Zyros. “Hays, pasaway na lalaki na ‘yon, baka pumunta na naman sa paanan ng bundok,” muling usal pa nito kaya nagmadali itong pumunta kung saan laging tumatambay ang binata upang silipin ang mga tao. Hindi nga siya nagkamali dahil naro’n nga si Zyros nakaupo sa taas ng puno habang pinapanood ang mga tao na dumadaan. “Hays, bumaba ka nga riyan! Kanina pa ako tumatawag sayo, eh!” inis na turan nito sa binata. “Bakit ba? Gusto ko lang naman makita kung ano ang ginagawa nila, eh,” sagot rin nito. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo dapat sila tingnan at puwedeng makita,” dagdag pa nito. Ngunit tinawanan lang siya ni Zyros kaya nagalit si Thanus sa kanya. “Bumaba ka na riyan, ang tigas ng ulo mo!” singhal nito sa binata. Ngunit biglang umilaw ang mata ni Zyros at lumabas ang matalim nitong pangil at tinalunan si Thanus. Napakubli naman si Thanus ng kanyang braso dahil akala niya ay siya ang lulusubin ni Zyros. Kaya nang tingnan niya ang binata ay nakita nito na may pinatay na isang malaking ahas na cobra at tutuklaw sana sa kanya. “Buwesit ka talagang binata ka!” asik nito. Ngunit tinawanan lang siya ni Zyros at mabilis na tumakbo pauwi sa kanilang kuweba. Naiwan naman si Thanus na may kaba habang nakatitig ito sa ahas na pinatay ni Zyros. “Muntik na ako sayo, ha!” kinakabahang wika nito at napahawak sa kanyang dibdib. Sinundan na rin nito si Zyros sa kanilang kuweba at sinermunan. “Ilang beses ko ba dapat ulitin sayo na iwasan mo ang mga tao! Hindi ka dapat nilang makita dahil mapanganib sila para sa ‘yo!” paninermon niya sa binata. “Oo, alam ko! Pero hindi naman nila ako nakita ‘di ba?” sagot rin nito. “Kahit na! Paano kung matuklasan nila ang tungkol sa ‘yo, mapapahamak ka!” muling usal pa nito. Ngunit wala lang imik ang binata at naupo lamang sa isang sulok. “Paulit-ulit na lang tayo, eh!” dagdag na usal pa ni Thanus. “Alam ko naman ‘yon. Kaya nga hindi naman ako nagpapakita sa kanila, eh! Gusto ko lang naman makita kung ano ang hitsura nila, kung ano ang ginawa nila, at kung ano ang mga kinakain nila,” malungkot na wika nito kay Thanus. Nakaramdam rin ng awa sa kanya si Thanus ngunit hindi niya iyon puwedeng pairalin. Dahil alam niya na ito ang magiging mitsa ng buhay ni Zyros kapag natuklasan ng mga tao ang tungkol sa kanya. “Naiintindihan naman kita Zyros, pero masmatakot ka kapag natuklasan na nila ang tungkol sa ‘yo!” asik pa nito. Kaya napayuko na lang si Zyros habang nakanguso at hindi na maipinta ang mukha dahil sa lungkot na nadarama. “Iba ka sa kanila, hindi ka isang mortal. Kaya ‘wag mo nang pangarapin na makisama sa kanila,” dagdag pa nito. “Ito pa ang dapat mong tandaan!” wika pa nito kaya napatingin sa kanya si Zyros. “Hindi ka puwedeng umibig sa isang mortal dahil mawawala ang karapatan mo na maging tagapagbantay dito sa kagubatan at mawawalan rin ang kapangyarihan mo at ito na ang posible mong ikapahamak!” mahabang banta nito sa binata. Kaya lalong nalungkot si Zyros dahil sa mga sinabi ni Thanus. Maya-maya ay tumayo ito dahil nakaramdam na ito ng gutom. “O, saan ka na naman pupunta?” tanong sa kanya ni Thanus. “Diyan lang sa labas nagugutom na kasi ako,” sagot rin nito habang hinihimas ang tiyan na walang laman. “Siguraduhin mo lang na hindi ka na babalik sa paanan ng bundok, ha!” muling paalala nito. “Oo, na!” madiing wika rin nito. Kaya nagsimula na itong maglakad palabas ng kuweba at inamoy-amoy ang paligid. Matalas ang kanyang pang-amoy at pandinig kaya alam niya kung saan siya makakahanap ng kanyang makakain. Kaya mabilis itong tumakbo upang tunguhin ang lugar kung saan siya nakakakuha ng kanyang pagkain. Nang makarating na ay kaagad nitong nakita ang nag-uumpukan na mga kuneho. “Mukhang mabubusog na naman ako sainyo,” bulong nito habang palabas-labas pa ng kanyang dila dahil sa pagkatakam niya sa mga kuneho. Kaagad lumiwanag na kulay berde ang kanyang mga mata at biglang tumubo ang kanyang mga pangil. Saka sinunggaban ang mga nag-uumpukan na kuneho. Nakadampot agad siya ng tatlo kaya tuwang-tuwa ito. “Huli kayo!” wika nito at natuwa. Pinatay agad nito ang tatlong kuneho at isa-isa niya itong kinakain na hilaw. “Hays, bakit ba ang sarap niyo!” parang sira ulo nitong wika. Kinakausap kasi nito ang mga kuneho na kinakain habang tumatawa pa. Nakangiti naman na nakamasid sa kanya si Thanus sinundan niya kasi ang binata upang siguraduhin na hindi na ito babalik sa paanan ng bundok. At nang masiguro na ito ay kaagad rin itong umalis. Busog na busog si Zyros na bumalik sa kanyang kuweba at kaagad itong nakatulog dahil sa kabusugan. Bawat galaw at kilos ni Zyros ay nakabantay si Thanus sa kanya. Kapag nasiguro na nito na tulog na si Zyros ay kaagad itong pumupunta sa kanyang mahiwagang kuweba na ginawa kong saan siya nakatira. Doon siya nagpapalipas at nagbabasa ng mga libro tungkol sa katauhan ng isang tagapagbantay ng kagubatan. Marami siyang aklat na nakatago rito at dito niya nalaman ang lahat na hindi puwedeng gawin ni Zyros. Ginawa ang libro na ito nang mga sinauna na naatasan rin upang maging tagapagbantay ng kagubatan na ito nong ika-dalawang libong taon na ang nakakaraan. At lahat nang matuklasan niya sa aklat na ito ay kanyang sinasabi kay Zyros. Dito niya rin nalaman na susumpain ang sinumang lumabag sa kautusan ng libro. Ang umibig sa isang mortal na tao. Kaya ganito na lamang ka labis ang pagpapaalala niya sa binata. At sa tagal nilang magkasama ay hindi pa naman siya binigo ni Zyros.Ngunit hindi pa rin mawala ang kanyang pangamba dahil dito. Mayroon kasi itong nararamdaman na hindi maganda sa tuwing makikita niya si Zyros. Natatakot ito na baka matulad rin ito sa mga nauna na sinumpa ni bathala at kusang naglaho na parang bula. Isa lang naman ang misyon ni Zyros kaya siya nabubuhay nang gano’n katagal. Ang protektahan at pangalagaan ang bundok na kung tawagin ay Death Forest. Halos ginto ang kabuuhan nang tinitiran na kuweba ni Zyros at dahil dito marami noon ang nagtangka na pasukin ito. Ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakalabas na buhay. Gustong sirain ng mga mortal na tao ang bundok para makuha lamang ang mga ginto na kanilang minimithi. Subalit hindi ito mapapayagan ni Zyros na mangyari. Dahil pinapaslang niya ang sinumang magtangka na pumasok dito. Kaya kumalat ang balita na iyon sa buong City ng Sorsogon at simula noon ay Death Forest na ang tawag nila dito at wala na ang nagtangka pa na pumasok dito dahil sa takot nila sa demonyo na pumapaslang ng mga mortal na nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD