Chapter 5

1269 Words
Ugali ni Zyros na tuwing hapon ay nasa b****a siya ng bundok at pinapanood ang mga tao. Nasa taas lang ito ng malaking puno nakaupo at nakangiting nakamasid habang dumadaan ang mga tao sa harapan niya. At dahil may kapangyarihan siya hindi siya nakikita ng mga tao. At kahit isa siyang immortal ay marunong din siyang mapagod, magutom, malungkot at antukin. At kapag nakaramdam na siya noon ay saka lamang siya bumabalik sa kanyang tahanan. Sagrado ang tinitirahan ni Zyros. At kahit sino pang mortal ang makarating sa lugar niya ay hindi nila iyon makikita dahil tanging sila lamang ni Thanos nakakakita sa lugar niya. Maliban na lamang kapag siya ang kusang pumasok sa sagrado niyang tirahan at lupain. Binabalot ng ginto ang kabuuhan ng kuweba ni Zyros. At iyon ang nais angkinin ng mga mortal noon na hayok sa kayamanan. Wala silang kaalam-alam na nakadikit sa buhay ni Zyros ang ginto. Kahit pa makuha nila ang ginto ay kusa din itong maglalaho kapag namatay na ang nagmamay-ari nito. Malakas rin ang pakiramdam ni Zyros pagdating sa bundok. Alam niya kapag may nagtatangka pa lamang pumasok sa bundok. Ilang beses na rin siyang nagtangka na magpakita sa mga tao at magpanggap bilang tao. Subalit kapag naaalala niya ang mapait na sinapit ng kanyang mga ninuno dahil sa pakikipag-konekta nila sa mga tao ay hindi na lamang niya tinutuloy. Kaya sa loob ng mahigit isang libong taon niyang pagbabantay ay tanging pagmasid lang ng patago sa mga mortal ang kanyang ginagawa. Nais niyang patunayan sa mahal niyang Bathala na hindi ito nagkamali sa pagpili sa kanya. At wala siyang kaalam-alam na malapit na rin niyang sapitin ang sinapit ng kanyang mga ninuno. Pagkatapos niyang tumambay sa b****a ng bundok ay kaagad na siyang bumalik sa sagrado niyang lugar. Sanay na sanay na siya ganoong buhay. At kapag kasama niya naman si Thanus ay wala naman itong ginawa kung hindi ang manermon sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya iyon pinapansin dahil sanay na siya sa ganoong pag-uugali ni Thanus. Alam niya na kapakanan niya lamang ang iniisip ng Ermitanyo. Samantala, nang makabalik na si Zyros sa kanyang kuweba ay saka lamang ang pagdating ni Jackie sa gubat. Walang kamalay-malay si Jackie na nakapasok na siya sa gubat. Tulala lamang ito habang tinatahak ang masukal at matarik na bundok. Kusa lamang humahakbang ang kanyang paa papasok sa bundok. Para siyang robot na kinokontrol lamang ng isang remote control. Wala siyang kaalam-alam na posible siyang mapahamak dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Nang makapasok na siya sa kalagitnaan ng bundok ay dito lamang bumalik ang kanyang ulirat. Natusok kasi siya ng isang matalim na bagay sa kanyang paa kaya naramdaman niya ang sakit. At ganoon na lamang ang takot at gulat niya ng mapagtanto niya na nasa ibang lugar na siya. "N-nasaan ako?" tanong niya sa kanyang sarili habang may takot ng nararamdaman. Malapit na ring magdilim ng mga oras na iyon dahil pasado alas-sais na ng hapon. Nanginginig na rin ang kanyang buong katawan dahil hindi niya matukoy kung nasaan na siya pati ang kanyang mga kasama. "Bes! Tita! Nasaan po kayo?" Inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Subalit puro malalaki at matataas na punong kahoy lamang ang kanyang mga nakikita. Nagsisimula na rin ang pagragasa ng kanyang mga luha dahil sa hindi niya maipaliwanag na nangyayari. "Bes! Tita!" muling sigaw niya na may panginginig na ang boses dahil sa takot na nararamdaman. Nanlalambot na rin ang kanyang mga tuhod dahil sa takot na nararamdaman. "Diyos ko! Ano po ba ang ginagawa ko rito? Tulungan niyo po akong makalabas dito!" lumuluhang dasal niya. Sinubukan niyang ihakbang ang medyo nananakit niyang paa na may sugat dahil sa kahoy na tumusok sa kanya. At kahit dumudugo ito ay hindi niya alintana ang sakit dahil takot at kaba ang bumabalot sa kanyang buong sistema ngayon. At mas lalo pa siyang kinilabutan nang makarinig siya ng kaluskos sa paligid. Kaya napatigil siya sa paghakbang at pigil hininga na napalunok ng kanyang laway. Tiningnan niyang mabuti kung ano ang lalabas sa mga nakaumbok na d**o malapit sa kanya. Sobra-sobra na rin ang kaba na nararamdaman niya dahil baka mapanganib na hay*p ang lumabas sa kumakaluskos na nakaumbok na d**o. Maya-maya ay isang malaking daga ang lumabas doon kaya medyo nakahinga siya ng maayos. Nang medyo makahinga na ay nagsimula na naman siyang maglakad para hanapin ang daan palabas sa kabundukan. Subalit ng tingnan niya ang kanyang relong pambisig ay pasado alas-otso na ng gabi at hindi pa rin mahanap ang daan palabas. Mabuti na lamang at bilog ang buwan kaya medyo naaninag niya ang matarik na daan. Tanging mga huni lamang ng mga kakaiba ibon at insekto ang naririnig niya sa paligid. "Bakit ba nangyayari ito sa 'kin?" tanong niya sa kanyang sarili habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nanghihina na rin siya dahil sa pagod. Namamanhid na rin ang kanyang mga paa dahil alam niya na tila malayo na ang nararating niya. At pakiramdam niya ay palayo ng palayo lamang siya sa b****a ng bundok. Kaya minabuti muna niyang maupo sa tabi ng isang malaking puno ay sandaling magpahinga. Nararamdaman niya kasi ang hapdi at sakit ng kanyang mga paa. "Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Makakalabas ako rito!" pagpapalakas niya ng kanyang kalooban. At kahit nahihirapang tumayo ay pinilit niya pa ring tumayo para muling subukang hanapin ang daan palabas. Subalit ng makatayo siya ay isang malakas na alulong ng tila napakalaking aso ang dumagundong sa kabuuhan ng kagubatan. Kaya bigla na naman siyang nanginig sa takot at nagtataasan na rin ang mga balahibo niya sa katawan. "A-ano yon?" bulong niya na may panginginig ang boses. Inikot niyang muli ang paningin niya sa paligid dahil pakiramdam niya ay malapit lang alulong sa kanya. Muli siyang naupo at nagsumiksik sa malaking puno na nasasandalan niya. Nagsisimula na rin siyang magdasal na sana walang masamang mangyari sa kanya. Patuloy lang sa pagragasa ang luha mula sa kanyang mga mata dahil tila nawawalan na siya ng pag-asang makalabas sa bundok. At wala pa rin siyang kaalam-alam na nasa loob na siya ng bundok na tinatawag na Death Forest. At dahil sa takot na nagmumula sa malakas na alulong ay minabuti niya magmasid-masid at hintaying matapos ang malakas na alulong. Kinuha niya muna ang pagkakataon na iyon para makapagpahinga. At wala siyang kamalay-malay na unti-unti na siyang nakakatulog dahil sa matinding pagod na nararamdaman. Makalipas ang dalawang oras na pag-iglip ay naalimpungatan siya dahil tila may nakatingin sa kanya. Kaya napatakip siya sa kanyang bibig at binalot na naman ng takot ang buo niyang katawan. Sunod-sunod na naman ang pagragasa ng luha sa kanyang mga mata. Maingat siyang luminga-linga sa paligid kahit na natatakot dahil sa posible niyang makita. At hindi nga siya nagkamali dahil ay apat na mata ang nakatingin sa kanya sa madilim na bahagi at tila nanlilisik ito. Naririnig niya rin na tila isang malaking nilalang ang nagmamay-ari nito. Kaya tuluyan na siyang nanlambot at halos hindi na makahinga dahil sa takot na nararamdaman. At lalo pa itong nadagdagan ng lumabas na ang nagmamay-ari ng apat na mata. Dalawang naglalakihang Lion. Kitang-kita niya na tila gutom na gutom ang mga ito dahil sa nanlilisik na tingin sa kanya. Tumutulo rin ang kanilang mga laway na halatang takam na takam sa nakikita. Nang ihakbang na ng isang Lion ang kanyang paa papalapit kay Jackie ay napasigaw ng malakas si Jackie. At kahit nanghihina ay pinilit niya pa ring tumkbo para takasan ang dalawang naglalakihang Lion. Kaya hinabol din siya ng dalawang malaking Lion na gutom na gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD