Part 1

1919 Words
***JELLA*** Tinitigan ni Jella ang matayog na building ng LOFTY Canning Food Incorporation na nakatirik matagal nang panahon sa gilid ng kalsada ng bandang Commonwealth Avenue. At nang lumampas na ang kinasasakyang taxi ay tumirik ang mga mata niya. Sira na naman ang araw niya. Kaya nga hangga’t maaari sana ay ayaw niyang mapadaan sa lugar na iyon dahil hindi niya mapigilan na kumulo ang dugo niya kapag nababasa niya ang LOFTY na signage ng building. Kung missile nga lang ang kanyang mata ay kanina pa sumabog ang building. “Nakabusangot ka na riyan, sheb? Nakita mo lang ang LOFTY, eh, nasira na agad ang mood mo,” pansin sa kanya ni Eyrna, matalik niyang kaibigan. Hinawakan siya nito sa balikat, shaking her not-so-gently. Ang ‘Sheb’ na tinawag sa kanya ay endearment nilang magkakaibigan. Binaliktad na ‘Besh’ at siya ang may pakana upang unique. Makailang nguso at irap siya bago sumagot. “Alam mo namang nag-iinit ang ulo ko kapag dito dumadaan, eh.” Eyrna rolled her eyes. “Move on na kasi. Ang tagal na niyon. Baka nga hindi ka na kilala ng iniisip mo, eh.” “Kilala pa ako o hindi ay wala akong pakialam. Ayaw ko na rin naman na makita pa ang pagmumukha ng ogag na iyon. Hindi ko lang talaga maiwasang mainis kapag nakikita ko ang building na iyan dahil naaalala ko ang panggagago niya sa akin.” Namula na ang kanyang mukha sa nagbabadyang hypertension. “Weh? Baka naman malaglag ulit ang panty mo kasama na ang bra mo kapag nagkita kayo ulit ni Ryver?” nga lang ay tukso pa sa kanya si Eyrna kaysa ang makisimpatya. “Ang panget mo talagang kasama. Nasaan na ba si Rucia?” totoong inis niyang turan. Ang binanggit niyang pangalan na Rucia ay ang isa pa nilang kaibigan. Tatlo silang mag-sheb sa bar. Siya, si Eyrna at si Rucia. Nga lang ay dalawa na lang sila ni Eyrna ngayon na magkasama dahil nagretiro na sa pagiging entertainer si Rucia sa bar. At mula nag-resign si Rucia ilang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa nila nakikita o nakakausap ang bruha. Ang last na balita lang nila ay inaalagaan na raw ngayon ni Rucia si Santiago, ang matandang naging sugar daddy nito noon. Caregiver na raw ang peg ngayon ng kaibigan nilang iyon. Ang masaklap ay walang sahod dahil kusang loob ni Rucia na gawin iyon bilang kabayaran sa utang na loob nito kay Santiago. Isa pa ay bankrupt na ang matandang iyon at kinawawa ng asawa. Naroon daw sila ngayon sa Ilocos Sur at hindi maganda ang lagay. Kung saang banda sa Ilocos Sur iyon ang hindi nila alam ni Eyrna kaya hindi nila matulungan ang kaibigan nilang iyon. “Bakit?” Nagtatawa pa si Eyrna para asarin siya lalo. “Eh, sure na mas guwapo na ngayon iyon dahil CEO na ng LOFTY. Pustahan pa tayo, mai-in love ka ulit do’n kapag— " Itinulak niya ito sa braso para hindi na maituloy ang sinasabi. Kunwari ay napipikon na siya. Napataas sa ere ang mga kamay ni Eyrna. “Okay. Okay. Stop na ako.” “Buti naman dahil hindi ka na nakakatuwa, sheb.” Paismid siyang humalukipkip. Mataas na halukipkip. Natawa na naman si Eyrna pero hindi na iyong tawang nakakaasar sa kanyang pandinig. “Change topic na nga,” pagwawala niya sa usapan. Ayaw na niyang maalala ang Ryver Raveza na iyon. Wala na siyang pakialam sa lalaking iyon. Huwag na huwag lang sana sila pagtatagpuin pa at baka hindi niya iyon matantiya. “Fine,” pakikisama naman na ni Eyrna. Laking pasalamat niya iyon. Huminga siya nang malalim. Kapag talaga tungkol kay Ryver ay nawawala siya sa character niya. Lahat ng sense of humor niya sa katawan ay tumatakas pansamantala sa katauhan niya at napapalitan ng pagkademonyo. Pangarap niya na tuklapin isa-isa ang kuko ni Ryver habang malademonyong tumatawa. Si Ryver Raveza ay boyfriend niya noong high school pa lang siya, mula second year hanggang fourth year. Masaya silang dalawa ng mga panahon na iyon kahit na magkaiba ang estadu ng kanilang buhay. Anak mayaman kasi si Ryver, tagapagmana ng Lofty Canning Food Incorporation. Samantalang siya ay ordinaryong mamamayan lang ang kanyang mga magulang. Enforcer ang kanyang tatay at butihing may bahay lamang ang kanyang nanay. In short, langit at lupa sila. Tanggap naman ni Ryver na mahirap lang siya at ipinagpapasalamat niya iyon nang sobra noon. Nga lang, hindi pa man sila nakaka-graduate ay may nangyari nang hindi maganda sa relasyon nila. “Sheb, tingnan mo ito,” tinig ni Eyrna. Napukaw siya sa pagbabalik nakaraan. At muntik na niyang masampal ang sariling pisngi. Sinabi niyang ayaw na niyang mapag-usapan ang Ryver na iyon pero patuloy naman ang kanyang pag-aalala sa kanilang nakaraan. Lapastangang utak niya. Ang sarap alisin sa ulo niya, eh. “Ano ‘yan?” maliksi na niyang tanong. She smiled ear to ear. Pinilit niyang ibinalik ang Jella na masayahin sa kanyang character. “Bigay ng derstan ko,” nagmamalaking ani Eyrna. Hawak nito ang isang red luxury velvet jewelry box. Nasa loob niyon ang isang necklace na may pendant ng white pearl. Ang ‘derstan’ ay tawag nila kapag matanda ang customer nila sa bar. Kabaliktaran ng ‘tanders’. Iyong mga lalaking apat na M. Matandang Mayaman Madaling Mamatay. “Totoong perlas, sheb!” patili pang sabi ni Eyrna. Pinigil niya na huwag mapaikot ang mata. “Baka naman galing sa Quiapo lang ‘yan.” “Gaga, hindi. Pina-appraisal ko na ito kahapon. Genuine fresh water pearl daw at nasa forty-five thousand pesos ang bentahan,” kikindat-kindat na pagtatanggol ni Eyrna sa kuwintas nito. “Okay na rin,” parang walang malasahan na aniya. Tamad na isinandal niya ulit ang likod sa kinauupuan. Ipinakitang hindi siya namangha kahit na ang totoo ay nagandahan siya sa kuwintas. Nang-aasar lang din siya. “Iyan lang ang reaksyon mo? Bruha ka.” Iglap na naglaho ang ngiti ni Eyrna. Iningusan siya at padabog na isinara nito ang box ng jewelry nito. By that, siya naman ang nagtatawa. Kay bilis na nakabawi siya sa pang-aasar. “Bwisit ka!” Nagtatawa na ring itinulak siya sa ulo ng kaibigan. Mabilis nga lang na natapos ang kanilang kulitan dahil sinabi na sa kanila ng driver ng taxi na nasa Pegasus Bar na sila kung saan sila nagtatrabaho. Dancer siya at si Eryna naman ay singer. “Kumusta na kaya si Rucia?” pagbabalik topic niya tungkol kay Rucia nang nag-aayos na sila ng sarili sa loob ng kanilang dressing room. “Kung nahihirapan man siya ngayon ay kasalanan niya,” hindi malinaw na sabi ni Eyrna dahil kasalukuyang naglalagay ito ng kulay siling laboyo na lipstick sa mga labi. Nang matapos ay nag-pout. Side view sa kanan tapos side view sa kaliwa. Lumumbay naman ang kanyang mukha. Naawa sa na-imagine niyang sitwasyon ng kanilang kaibigan. “Huwag naman sana.” “Ginusto niya ‘yon kaya huwag kang ma-stress. Kung ‘di naman talaga siya gaga. Sinong kabit ang gagawin ang bagay na iyon? Siya lang yata dahil gusto niyang magpakabayani yata. Gustong ma-award-an din ng ‘Martyr Of The Year’ tulad ng mga legal wife,” patuloy ni Eyrna. “Wala naman siyang mapapala sa matandang iyon. Pulubi na ‘yon, eh. Ay, naku.” Jella was at a loss for words. Saglit siyang natameme. Sa tuwing sinasabi kasi ni Eyrna ang mga bagay na iyon ay sumasang-ayon siya. Gusto niya ngang kutusan si Rucia sa katangahang ginawa na iyon, eh, kaya gusto niyang makausap sana ang kaibigan para maliwanagan. Given na na matulungin ang babaeng iyon, nagpakabayani nga sa issue noon nina Cara at Evo, eh. But not into this far na sana. Ang alagaan pa ang Santiago na iyon ay parang may mali na. “Huwag na huwag niyang sasabihin na mahal niya ang amoy lupang Santiago na iyon kapag nagkita-kita tayo at baka masakal ko siya,” himutok pa ni Eyrna. Pinag-initan na ang pisngi. Pinanay ang pag-brush ng blush on. Kaya nang matauhan ay, “Tang ina,” mura nito nang malutong sabay kuskos din para mabura. “Bilisan na nga natin at baka tawagin na tayo,” pamumutol niya sa usapan. Kaya sila naging magkakaibigang tatlo ay dahil sa ugali nilang ito, pare-parehas silang maldita with an angel wing. Kadalasan ang lumalabas sa kanilang mga bibig ay parang laki sila sa eskwater at nakikipagbasagan ng mukha sa kanto pero deep inside ay nag-aalala, nasasaktan at nananalangin sila. Sabagay, wala namang kataka-taka roon dahil hinubog na sila ng panahon sa kinaroroonang bar kung saan talo ka kung hihina-hina ka at feeling santa ka. “Kawawang Rucia,” iiling-iling na huling sabi pa rin ni Eyrna. Hindi na siya nagsalita para makapagbihis na sila nang maayos, kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay may hapdi para kay Rucia. Hiling na lang niya na sana maayos ang kalagayan ng kaibigan nilang iyon kahit na parang tinalikuran na ng tuluyan ni Rucia ang kanilang pagkakaibigan. Nang tinawag na sila ng floor manager ay sakto na ready na sila ni Eyrna. Tuka nila ngayon ang entablado. Kakanta si Eyrna at siya naman ay sasayaw. Magkasunod sila. “Galingan mo at baka may voice talent na ngayon na customer. Ma-discover ka na,” cheer niya kay Eyrna bago makalabas ito. Nag-thumbs up na lang si Eyrna. Sobrang pangarap ni Eyrna na maging sikat na singer; ang kumanta sa harap ng madaming camera at napapanood sa TV. Ang totoo ay kaya minsan hindi nila nakakasama ni Rucia noon si Eyrna ay dahil abala sa mga singing audition si Eyrna. Unfortunately, puros ligwak pa. Kahit magaling kasi ito ay may mga mas magaling pa. Gayunman ay hindi naman nawawalan ng pag-asa si Eyrna. Gusto pa rin ni Eyrna na matupad ang natatanging pangarap na iyon. At proud si Jella sa kaibigan dahil doon. Sa lagay kasi nila sa bar ay iilan na lang ang may mga pangarap pa na natira. Si Eyrna na lang yata ang may hundred percent pang naniniwala na may pag-asa sa kabila ng pagiging mababang uring babae na nito. Siya nga, ang tanging natira na lang na pangarap niya ay ang yumaman, as in mayaman na mayaman, upang sa tamang panahon ay babalikan niya ang taong dumurog sa kanya. Mula sa pinto ng dressing room na nilabasan ni Eyrna ay unti-unting dumako ang tingin ni Jella sa malawak na vanity mirror. Naniningkit ang mga mata niyang nakipagtitigan siya sa kanyang repleksyon. Ang suot niya ngayon ay halos kita na naman ang kanyang kaluluwa. Kulay itim na two-piece bikini na nilagyan lang ng mga burloloy. Binagayan niya iyon ng high heeled boots. At para mas nakakaakit ay ginawa niyang wavy ang kanyang kulay itim pa rin naman na buhok. “Jella, may customer ka agad. Hanap ka. Nasa VIP nine,” nang bigla ay bungad ng isang waiter nila. “Sino raw?” Bigla siyang tayo sa katuwaan. Maagang buena mano, eh. Sana lang galanti. Iyong tipong magbibigay agad ng house and lot. Lihim siyang natawa sa kalokohan ng isipan. Iwinaksi na niya ulit muna ang mga nakaka-bad vibes na mga iniisip niya. “Sabihin ko raw Ryver Raveza,” sagot ng waiter at umalis na. Hindi na nakita ang muntik na niyang pagkabuwag. Mabuti na lamang at naitukod niya ang isang kamay. Ramdam na ramdam niya ang panlalambot ng mga tuhod niya. Ang pinag-uusapan nila ni Eyrna na nilalang kanina lamang ay paanong naririto na? Na-summon ba nila ang demonyong tulad ni Ryver Raveza?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD