PART 7

1747 Words
***JELLA*** “Labas! Umalis ka sa pamamahay ko! Demonyo ka!” pagtataboy ni Jella kay Ryver. Kasabay ng kanyang pagtayo ay ang galit na pagturo niya sa pintuan ng kanyang apartment. “Jella, unawain mo ang sinasabi ko sa ’yo. Tinutulangan lang kita,” nabahalang wika ni Ryver. “Sabing alis na!” she snorted in anguish and willed her tears not to fall. Tumataas-baba ang kanyang dibdib sa nagliliyab na galit. Mas sobrang disappointed siya sa kausap. “Fine!” Nagalit na rin si Ryver. Umiling-iling. “Hindi ka nga talaga nagbago. Ganyan ka pa rin. Inuuna ang galit kaysa inaalisa ang mga bagay-bagay.” “Mas ikaw ang hindi nagbago! Manggagamit ka pa rin sa mga sitwasyon para sa sariling kapakanan mo! Makapal ang mukha! At higit sa lahat walang isang salita!” she countered. Namula na ang kanyang mukha. At sa hindi makontrol na mga damdamin, kahit anong pigil niya, ay naluha na siya. “Umalis ka na!” “Kailangan mo ako, Jella!” “Hindi kita kailangan!” Marahas na itinulak niya si Ryver. Nang hindi ito matinag ay kinuha niya ang unan at pinaghahampas rito. “Umalis ka rito at huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan! Alis!” “Sir?” bungad ng tauhan nito. Handang protektahan ang amo anumang oras sa isang sabi lang ni Ryver. “It’s okay, Axel,” sabi rito ni Ryver habang sinasalag ang unan. “Dalhin mo na ang gago mong amo! Umalis na kayo!” bulyaw naman niya. Hingal na hingal siya sa ginawa. Isang napakalalim na paghinga ang pinakawalan ni Ryver bilang pagpapakita ng pagkatalo. “Sige na. Aalis na ako. Pero, Jella, kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako. Nasa paligid mo lang si Jig. Hanapin mo lang siya at dadalhin ka niya sa akin anumang oras,” saka malumanay na wika. “Hindi ko kailangan ng tulong mo na may kapalit! F*ck you!” Sinabayan niya iyon ng dirty finger sa mismong mukha ni Ryver. Napailing na lang si Ryver. “Let’s go,” bago nito mando sa tauhan. Animo’y nauupos na kandila naman si Jella nang mapag-isa na siya sa kanyang maliit na living room. Napaupo siya’t nasapo ng dalawang palad ang mukha. Bakit ba kailangang magpakita ang Ryver Raveza na iyon? Nakakainis! “Oh, ba’t mag-isa ka na lang? Nasaan na sila? Bakit wala na iyong bonggang kotse sa labas? Umalis na sila?” sunod-sunod na tanong ni Eyrna nang bumalik mula sa pagbili ng pagkain sa labas. May bitbit itong inumin at pizza box na may sikat na tatak. Gumastos pa talaga ang bruha. “Huwag mo nang hanapin ang demonyong lalaki na iyon.” Inihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha. “Bakit? May nangyari ba?” “Ayusin mo na ‘yan, sheb, para makakain tayo. Gutom na ako,” pagtataboy niya sa kaibigan. Wala na siyang ganang magdadaldal. Nanginginig pa rin ang mga kalamnan niya sa galit. Nangangamba siyang baka sa kaibigan pa niya maibuhos ang init ng kanyang ulo. “Siya, wait lang. Kumalma ka lang diyan,” nakaunawang pagsunod ni Eyrna. “Hay, sana pala hindi na lang ako umalis. Kasalanan ng pizza na ito,” parinig nito habang patungong kusina. Sunod-tingin siya sa kaibigan. Pagkatapos ay napapikit na ibinagsak niya ang likod sa sandalan ng sofa. Lalong nagulo ang kanyang sistema. Tila wire na ng kuryente ang utak niya na nagkabuhol-buhol. Ano’ng gagawin niya ngayon? Ang inaasahan niyag tutulong sa kanyang problema ay hindi na niya maasahan. At kahit anong mangyari ay nunka niyang hihingan na ng tulong. Hinding-hindi niya tatanggapin ang offer. Batid niyang kasalanan ang pagiging isang mistress kahit na gawain niya dahil wala lang siyang choice. Hinding-hindi niya ituturo sa iba na animo’y magtuturo lang siya kung papaano magluto. No way! Wala pang limang minuto ay bumalik si Eyrna sa sala. “Oh, kain na.” Kumuha siya ng isang slice ng pizza kahit wala siyang gana. Sinubo. Nginuya na animo’y robot dahil hindi naman niya malasahan. “Ngayon ay sabihin mo sa akin kung ano’ng nangyari.” “Tutulungan daw niya ako, pero kapalit niyon ay tanggapin ko ang offer niya na nauna,” wala sa loob na aniya. “Tapos?” tumaas ang kilay ni Eyrna na tanong. “Tapos iyon hindi ko nakontrol ang galit ko. Pinagtabuyan ko siya agad dahil ang kapal ng mukha niya na gamitin ang sitwasyon ko para sa sariling interes niya. Helping for granted ang animal.” “Nakakainis nga iyon dahil parang bina-blackmail ka na rin niya sa lagay na ‘yon. Pero buti hindi siya nagalit nang tinaboy mo?” “Wala siyang karapatan na magalit.” Kulang na lang ay umusok ang ilong niya. “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang turuan ang mistress niya. Ano ‘yon bata? Pinasok ang pang-aagaw ng asawa ng may asawa na hindi alam ang gagawin? Ang sarap nilang isumbong kay Eusha.” “Sinong Eusha?” “Asawa ni Ryver.” “Oh,” Eyrna showed some interest. Pagkuwan ay ngumiti. Ngiti ng may naisip na kapilyahan. “Bakit hindi mo gawin? Blackmail mo rin si Ryver. Sabihin mo na kapag hindi ka niya tutulungan sa foreigner ay isusumbong mo siya sa asawa niya.” Natigilan siya’t napatitig sa ngingiting-ngiting mukha ng kaibigan. Ngunit sa huli ay umiling siya. “Ayoko. Hindi ko siya gagayahin. Isa pa ay ayaw ko na siyang makita. Kumukulo lang ang dugo ko sa kanya. Bahala siya problema niya sa buhay niya, bahala rin ako sa problema ko sa buhay. Tutal naman ay matagal nang tapos ang kabanata ng buhay namin. At siya ang tumapos noong nagpakasal siya kay Eusha.” Mula roon ay hinila siya sa nakaraan na pilit niyang kinakalimutan sampung taon na ang nakakalipas. …Palabas ang dalagitang si Jella sa supermarket dahil tapos na niyang bumili. Uuwi na siya. “Jella!” Nang makarinig siya ng tawag. “Knight?” Patanong ang kanyang naging tinig dahil hindi naman sila close ng pinsan ni Ryver. Nakapagtataka para sa kanya na tawagin siya nito. “Ikaw nga ba iyan, Jella?” nanigurong tanong nito. Hinagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan. Bigla siyang nailang. Napaayos siya ng sarili. Inipit niya sa tenga ang tumikwas niyang mga buhok sa mukha. Nahimas niya ang manggas ng kanyang t-shirt, at hinila ang lay-layan. Animo’y sa ginawa niya ay naging maganda ang kanyang hitsura sa isang iglap, kahit wala namang pinagbago. Naitago niya rin ang diaper na binili niya nang napatingin doon si Knight. “May time ka ba? Puwede ba kitang makausap?” Nakangiti ang lalaki na kaedad lang din nila ni Ryver pero nasa ibang section noon kaya hindi niya naging kaklase noong nag-aaral pa siya. Nasa top section ito dahil matalino tulad ni Ryver. Samantalang siya ay nasa ikatlo na section mula sa top dahil average lang ang kaya ng kanyang utak. “Tungkol saan?” Lalo siyang nagtaka. Nalungkot pati dahil malaki ang hawig ni Knight kay Ryver. Bigla niyang na-miss ang nobyo na magdadalawang taon na niyang hindi nakikita mula nagtungo sa Canada. “Tungkol sa pinsan ko,” walang kagatul-gatol na sagot ng binatilyo. Nagliwanag ang kanyang mukha. At wala pa man ay gusto na niyang maiyak sa tuwa. Finally, makakasagap na siya ng balita tungkol kay Ryver. Sa nakalipas na dalawang taon ay wala na kasi siyang naging balita kay Ryver. Iyong pangako noon ni Ryver na lagi siyang susulatan at tatawagan ay hindi nangyari. Iniwan siya ni Ryver na puros sama ng loob. Ni hindi niya nasabi noon ang kanyang pinagdaanan na siyang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang high school at ganito na lang ang kanyang buhay. “Bakit bigla kang nawala sa school? May nangyari ba sa ’yo?” bago ang lahat ay usisa muna ni Knight nang kumakain na sila sa sikat na fast food chain. Hindi siya nakatanggi nang yayain siya nito. Gusto, gustong-gusto niyang sabihin ang nangyari sa kanya tatlong buwan bago umalis si Ryver patungong Canada ngunit ay nagdalawang-isip siya. Hindi siya komportable kay Knight. Hindi niya magawang magkuwento tungkol sa buhay niya dahil masasabing estranghero pa rin ito dahil kilala lang niya lang ito bilang pinsan ni Ryver. “Kumusta ka?” pag-ibaba ni Knight ng tanong nang maunawaang ayaw niyang sagutin ang nauna. “Ayos lang naman,” kiming sagot niya. “Si Ryver. Ayos lang naman siya.” Napatitig siya rito. “Sorry sa ginawa ng pinsan ko sa ’yo,” sabi pa ni Knight. Nangilid ang mga luha niya. “Ang sakit ng ginawa ng pinsan mo sa akin. Kahit isang pangako niya hindi niya natupad.” “Alam ko kaya ako na ang humihingi ng tawad.” Tipid siyang ngumiti kahit na wala naman iyong nagawa para maibsan kahit konti ang sama ng loob niya sa dating nobyo. Ex-boyfriend na ang tawag niya kay Ryver dahil siya na ang nahihiya na tawagin pa itong boyfriend. Tinalikuran siya na ni HO at HA ay wala. Basta bigla na lang hindi nagparamdam nakatuntong lang sa Canada. Iyong pangakong araw-araw siyang tatawagan dahil kinuha ang numero ng landline ng store na malapit sa kanilang bahay ay hindi nangyari kahit isa. Kung hindi nga lang niya nakausap ngayon si Knight ay iniisip pa rin niya na baka biglang namatay si Ryver pagkaapak na pagkaapak nito noon sa Canada. “Graduate na siya ng high school,” ani pa ni Knight. Kung bakit ibinabalita nito ang mga tungkol kay Ryver ay hindi niya alam. Hindi niya alam kung nagmamalasakit o gusto lang siyang masaktan lalo. “Ang aga naman,” ang nakomento lang niya. “Mas una talaga ang ibang bansa sa mga commencement exercise kaysa rito sa atin.” “Ganoon ba.” Napayuko siya ng ulo. Kunwari ay may gana siyang kainin ang spaghetti na nasa kanyang harapan. Pinaikot-ikot niya iyon sa tinidor na hawak. Tulad ng pagpapaikot sa kanya noon ni Ryver. “At huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko, Jella.” Bumalik ang tingin niya sa kausap. “Tungkol kay Ryver.” Tumango siya. “Ano’ng tungkol sa kanya?” “Uuwi na siya rito sa Pilipinas pero,” pabitin na saad ni Knight. “Pero ano?” Kaysa matuwa ay kinabahan siya dahil alam niya agad na may masamang karugtong ang sinasabi nito. “Pero ikakasal na siya kay Eusha. It’s an arrange marriage,” dugtong na nga ni Knight. Ilang sandali na hindi siya nakahinga o sa tamang salita ay namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD