PART 29

1811 Words

***** JELLA *****   Dean end sa isang makipot na eskenita nila nahabol ang lalaki na butyog. Kahit mataba ito ay mabilis tumakbo kaya medyo nahirapan sila ni Ryver. “Kuya, binabawi ko na po ang kuwintas. Babayaran na lang po ng kasama ko ang pamasahe ko kanina. Sa kanya po kasi ang kuwintas,” humihingal niyang sabi. Nakahawak siya sa magkabilang tuhod niya. Ngayon lang siya nakatakbo ng ganoong kabilis at kalayo. Nakakaloka. “Anong kuwintas na sinasabi mo?” maang-maangan ng lalaki. Ang hitsura’y handang makipagpatayan para lang sa kuwintas. Naka-ready na tumakbo na naman oras na magkaroon ng pagkakataon. Mukhang alam na nito na ang halaga ng kuwintas. Oh, no! nanlumong naisatinig ni Jella sa isipan. “Kung ako sa iyo ay maayos mong ibalik sa akin ang kwintas at baka pagsisihan mo,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD