***** JELLA ***** ISANG katok ang nagpabalikwas kay Jella. Nabahalang napatitig siya sa main door ng villa. Doon siya sa living room nagpasya kanina na matulog upang kaniya ay madali niyang mapagbubuksan kapag bumalik sina Ryver, Lovi, at Jig. Subalit hindi naman siya nakatulog dahil sa mga bumabagabag sa kanya. Una ay ang kalagayan ni Lovi. Sana pala ay sumama na lang pala siya sa ospital. Mas nakakabahala pala na maiwanan at walang alam kung anong nangyayari. Sana ay okay lang ang demonyitang iyon. Pangalawa ay ang kaisipan na nasa taas ng bundok ang villa na kinaroroonan niya. Paano kung biglang may magsulpotan na mababangis na hayop? O kaya naman ay masamang tao tulad ng lalaki na pinagbigyan niya ng kwintas? Anong magagawa ng sexy at hot niyang katawan kung sakali? Aisst! Tining