***JELLA*** Nanlulumong umupo si Jella sa mamahaling sofa, sa tapat ni Ryver. Hindi niya inaasahan na tititigan lang siya ni Ryver pagkatapos niyang sabihin na tinatanggap na niya ang offer nito. Sampung minuto na ang lumipas pero wala pa rin itong sinasabi. Kung hindi nga lang nanghihina na ang kanyang mga tuhod ay hindi siya uupo. Hihintayin muna sana niyang magsalita ang kaharap. “W-wala ka bang sasabihin? Nagbago na ba ang isip mo?” nababahala niyang tanong. “Why did you suddenly change your mind, Jella? Ni hindi ka pa nakakalabas ng building. Did something happen?" sa wakas ay mga tanong na ni Ryver. Jella bit her lower lip. “Wala naman,” pagkuwan ay pagsisinungaling niya. “Naisip ko lang na tama ka. Bakit nga ba ako magpapakahirap sa bar kung puwede naman na patulan ang offer mo.