Enjoy reading! Pagkatapos ng iyakan at yakapan namin ng anak ko ay kinausap naman ako ni Mama Maryen. Naglakad siya kaya sumunod ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto at agad niyang binuksan iyon at bumungad sa 'kin ang maraming libro. Library yata nila ito. "Pasok ka, hija." Sabi niya at naunang pumasok. Nakasunod lang ako sa kanya. "Maupo ka." Utos niya. Agad akong umupo. Umupo rin siya sa kaharap kong upuan. "Hija, I'm sorry." Biglang sabi niya. "Bakit po? Wala naman po kayong kasalanan sa 'kin." Sagot ko. Ngumiti siya sa 'kin. "I'm sorry sa ginawa ng anak ko, Anthonette. Alam kong hindi siya karapat-dapat para sa 'yo. Ilang beses kang nasaktan. Alam ko 'yon. Alam ko rin na hindi ka talaga pumuntang America noon. Pero huli ko na nalaman." Ibig sabihin ay alam niya na lah

