KABANATA 17

3156 Words
“Your… girlfriend?” hindi makapaniwalang tanong ng lalaking nasa harapan ko habang nakatayo sa gilid ko si Blade. Nagtaas ito ng kilay habang pinagmamasdan kaming dalawa sa harap niya. Maya-maya ay hindi na maipinta ang mukha nito habang tumatagal. And Blade pissed the guy off as much as he wants. “Yes, so better f**k off.” Madilim ang mukha ni Blade habang matiim na nakatitig sa lalaki. The guy in front of me stood up, glaring at Blade, then he shook his head and left with no words. I stared at Blade for too long now. He’s in front of me, scowling. I rolled my eyes on him. Pang-ilang irap ko na rin iyon sa kaniya dahil pinapakita niyang attitude. When he called the man in front of me Wesley, and told him I am his girlfriend, everything got into my nerve. I remembered what Ranjay said that day. That I was just a bet. Bakit ba kasi hindi ko pa rin ‘yon makalimutan? “Why are you here?” I asked then looked at my drinks. Kumunot ang noo niya, “I followed you.” Hindi man lang nag-deny. “Why are you following me? You’re not my bodyguard.” Umirap ako at sumimsim sa inumin. “I’m your boyfriend, kung nakakalimutan ko.” I look at him with smug face, “I ended our relationship last week. Ano ang hindi mo maintindihan do’n?” I asked, annoyed. “I just gave you space. I already told you, we’re not ending this relationship unless you give me your valid reason why you’re breaking up with me.” I stared at him. Then immediately rolled my eyes to look away from his eyes. “I… I am actually tired of your bullshits, Blade. I know I was the one who always pursue you but this time… I realized I did the wrong thing.” Then I look deep in his eyes. “I thought you are true. But I guess… I just played with fire with you.” I shook my head hopelessly at him. He was taken aback when he heard it. He got stunned that I got that chance to stand up and walk away from him. He called me but I didn’t dare to look back at him. Dahil alam ko sa sarili ko na bibigay lang ako kapag nagsalubong ang mga mata namin. I don’t him to see how broken I am today. “Vea! Veatrice, wait up!” he shout as he follow me. Mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad na halos patakbo na rin para lang hindi niya maabutan. Palapit na ako sa kotse ko nang bigla niyang mahawakan ang braso ko at sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya. He’s panting, so am I. I looked away. Nangingilid ang mga luha ko habang nakaiwas ng tingin sa kaniya. Binaba niya ang hawak niya sa aking kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. “What did you say earlier?” he asked, panting. “Please, Blade, sto your bullshits now. Panalo ka na. So please, spare me with the worst heart breaks…” nanghihina kong sambit habang nakayuko. “What bullshit are you talking about? I am not f*****g joking here! I m f*****g serious with you! I don’t f*****g know what’s happening to you and why are you breaking up with me so I gave you space. I let you think alone, sort out your feelings and after days of not seeing each other you will tell me about this? My bullshits? What bullshits are you talking about?” he’s trying so hard not to shout at me, I can feel it. Na para bang kahit gusto niyang ilabas ang galit niya mas nanaig ang pagiging kalmado niya. “Tell me, please. Mababaliw na ako kakaisip kung anong nagawa kong mali para bigla kang magkaganito.” He frustratedly looked at me. Waiting for me to answer him. Umiling ako. Agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Mabilis niyang pinalis ‘yon gamit ang kabilang kamay na malaya habang ang isa ay nanatilig hawak ang kamay ko, tila ayaw niya akong bigyan ng pagkakataong makawala sa hawak niya. “Please, let’s talk… ayusin natin ‘to. Ayaw ko ng ganito. H-Hindi ako mapakali, ni hindi ako makatulog nang maayos dahil iniisip ko kung biglang gano’n ang naging desisyon mo na para bang… may malaki akong kasalan-“ “Bakit, hindi ba?!” I yelled frustratedly. Kumunot ang noo niya dahil sa biglaan kong pagsigaw. “You f*****g fooled me!” I burst out. “You want a reason why I am breaking up with you, right? Here it is! You f*****g fooled me!” I said, giving emphasis at every word I am saying. “I was just a bet, right? That’s why you suddenly courted me out of nowhere. After a week of not seeing each other, you suddenly courted me. And I don’t f*****g know why you did that. Kasi ang alam ko lang naman ay galit ka sa kagaya ko. Ayaw mo sa kagaya ko. Then suddenly, you courted me?” I scoffed in disbelief. “Tapos ano? Malalaman ko na may pustahan? You were threatened because someone you knew likes me. You were threatened that he might do anything to woo me!” Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko, na kahit anong gawin kong alis doon ay hindi ko magawa. He looked at me with wide eyes. Like I hit something in him and he couldn’t believed it. “Ano? Totoo, ‘di ba?” Ibinuka niya ang bibig pero mabilis ding itinikom na parang hindi maituloy ang sasabihin. I can see how dark his expressions are. It’s like a dark sea. An unfathomable waves, hard to tame. He looked at me darkly. “So, you were there when we’re talking? You heard it?” he asked darkly. Nag-was ako ng tingin sa kaniya. “And you didn’t even bother to ask me first about it. You just concluded, and decide on your own without asking me the whole truth.” Hindi pa rin ako nagsalita. Nanatili akong tahimik. “Yes,” I shivered at his low baritone voice. “Wesley likes you. He’s my classmate. He saw you one time at the gate, while waiting for me. He likes you even before he knew you’re going to our school to wait for me.” Umirap ako. “Your are a popular teen model. You are even famous here in Manila. He talked to me about it. He tried to convince me to tell you to have a blind date with him. Of course I refused him. Hindi ako papayag. Tang ina siya. Nang malaman niyang hindi ako interesado sa ‘yo, because of my cold treatment to you, he tried his luck to convince me again. Who said I am not interested to you?” kunot ang noo niya habang nakatingin nang matiim sa akin. “He talked to me while we’re practicing. Doon na niya sinabi ang tungkol sa pustahang narinig mo. But I never agreed to it. I will never do that to you.” Pumikit siya nang mariin habang hawak ang kamay ko. Napayuko na lamang ako habang pinoproseso ang mga sinabi niya. “Noong pumunta ka sa gym… at narinig ‘yon, narinig mo ba ang mga sinabi ko kay Ranjay?” he asked lowly. Umiling ako bilang sagot. “After what I heard… I left the premises. Because… I was hurt.” I looked up at him. His adam’s apple moved. “I told him it’s not true. Walang pustahang naganap. I didn’t agreed to Wesley. I like you that’s why I courted you. Damn. I was f*****g falling in love every time I see you, and when that hell of a week came, without seeing you, that’s when I decided to make a move. Hindi dahil natakot akong makuha ni Wesley ang atensyon mo, I know your feelings for me are not shallow to give up on me easily.” He licked his lower lip and held my chin up. He made me look at his eyes. Pero para akong napapaso sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko alam kung paano tatagalan ‘yon. Iniwas kong muli ang tingin kahit na hindi niya binitawan ang aking baba. “I love you…” he whispered those three magic words passionately — affectionately. With so much emotion. Like he’s saying it to me with all of his heart. Like he’s telling me he’s not lying to me. “Please… h’wag nang ganito.” He then pulled me for a tight hug. I inhaled his scent as I hug him back. Nagsibagsakan ang mga luha ko nang maramdaman ko ang init ng katawan niyang nakayakap sa akin. Sa isang iglap nawala lahat ng pagdududa ko sa kaniya. Sa isang iglap napawi lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nagdaang araw. His explanation soothe everything. Na para bang iyon lang talaga ang hinihintay ko, to have peace of mind, to be able to understand everything. His words lifted the heavy s**t I had for the past days. “It’s okay if you still want the one week space I gave you. May… ilang araw ka pa.” He kissed my temple and hugged me tightly. Natapos doon ang usapan namin. Umuwi ako, gano’n din ang ginawa niya pero sumunod ang sasakyan niya sa sasakyan ko. Mabuti na lang at dala ko ang kotse ko, dahil paniguradong kung hindi ay magpupumilit siyang isakay ako sa kotse niya at ihatid sa condo ko. Huminga ako ng malalim pagkarating sa basement. Hindi na siya sumunod doon na ipinagpasalamat ko na lang din. My days went by. It’s our intrams day now. Dapat ngayon ay kasama ko si Blade pero dahil sa nangyari ay hindi ko na itinuloy o ipinaalala man lang sa kaniya kung anong meron ngayon. Nakatulala ako habang ang mga kasama ko ay todo na sa pagkuha ng litrato. Naka-assign ako sa gym, kasama ang tatlo pang photographer. I know this isn’t related to my course, pero buti na lang at may organization na ganito para masalihan ko. I sighed and started doing my job. Naghanap agad ako ng mga subject. Ang mga taong nagsisimula nang magsipasok sa gym dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang unang laro; which is basketball. Mamayang hapon ay ang ibang palaro naman. Kaya maghapon talaga ako rito. I was aiming a subject when my camera focused on one person. He’s looking at my camera sternly. He’s already on the bench with… his friends? Acquaintance? I don’t know who invited him here. Hindi naman na kataka-taka ‘yon. He’s wearing a black t-shirt, black leather jacket, black jeans, and a pair of white shoes. Which made him more… attractive. Halos karamihan ng nakatingin sa kaniya ay babae. I rolled my eyes and take a shot of him, looking so goddamn handsome, even without doing anything. Tiningnan ko ‘yon at napag-isipang… Napakagwapo niya lalo. Isang linggo kaming hindi nagkita pero… Ano ‘to? Masyadong grabe ‘yong glow up niya! Samatalang ako, hindi ko alam kung gumanda ba ako o mas lalo lang nagmukhang ewan dahil sa sobrang stress! Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagkuha ng mga litrato. Isinantabi ko muna ang presensya ni Blade at ang maririin niyang titig sa akin na damang-dama ko kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. I made myself busy with capturing smiles, cheers, laughter, and all here inside the gym. At habang tumatagal ang laban ay mas lalong nagiging wild ang mga tao sa loob dahil mas nagiging intense ang laro. They cheer for the team they want. Habang ako ay kuha lamang nang kuha ng litrato at minsan ay nakikipag-usap din sa ibang naroon. “Feel ko marami tayong maido-document nito,” ani Therese habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang camera. Nakaupo na kami ngayon at nagpapahinga sa pagkuha ng litrato. May dalawa pa kaming kasama at sila naman ang nagpapatuloy. Nasa kabilang banda sila. I was busy looking around when someone block my vision with a water and a styrofoam, containing a food, I guess. I looked up and saw Blade looking at me intently while holding the styro and water bottle. Narinig ko ang singhap ni Therese sa tabi ko na paniguradong dahil sa presensya ni Blade. Napanguso ako at hindi alam kung ano’ng gagawin sa hawak niya. “Kanina ka pa nakatayo at hindi man lang umiinom ng tubig,” he said in a low tone. Nag-angat muli ang tingin sa kaniya. Umusog si Therese sa malayong banda kaya napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. She just smiled at me teasingly. “Umusog ka, ‘te! At paupuin mo ‘yang boyfriend mo!” aniya habang may ngising unti-unting lumalabas. Inirapan ko siya at bahagyang umusog para bigyan ng espasyo si Blade sa gilid ko. Hindi naman siya kumilos kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, nagtataray. Nang makita niya ang hitsura ko ay mabilis siyang umupo sa gilid ko, hawak pa rin ang binili niya. Impit na tili ang narinig ko kay Therese kaya agad ko siyang binalingan. Mabilis niyang itinikom ang bibig, nagpipigil ng kilig. “Ano’ng laman niyan?” sabay turo ko sa styro na hawak niya. “Uhm… takoyaki and siomai. Hindi ko kasi alam kung ano’ng gusto mo sa mga panindang nasa mga booth.” Tumango ako at kinuha ‘yon. “Kumain ka na?” nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya at agad akong sinalubong ng mariin at maingat niyang titig sa akin. He smiled. Umiling siya. “Mamaya na lang siguro,” napasimangot ako roon. Binilhan niya ako ng pagkain pero siya hindi pa kumakain? Tinusok ko ang isang siomai at iniumang ‘yon sa bibig niya. Tiningnan niya ‘yon, sunod ay tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay at mas lalong inilapit sa kaniya ang siomai. “Eat,” I urge him. Wala siyang nagawa kung ‘di ang buksan ang bibig niya at kainin ang siomai. I smiled widely and continue to eat. Rinig na rinig ko ang mga impit na tili ni Therese sa likod ko at ang paminsan-minsan niyang pagsasabi ng “sana all” sa mahinang boses. Natatawa na lang ako at mas lalo siyang iniinggit sa pamamagitan ng pagsubo ng pagkain kay Blade. At siyempre nagugustuhan naman ng huli! “What time are you going to finish?” he asked while opening a bottled water for me. “Hmm, maybe around 2pm? Mamayang 1pm pa kasi dadating ‘yong papalit sa amin. Then, magre-report lang kami sa club later, then we’re good to go. Kahit hindi na namin tapusin ang event.” Tumango siya at pinainom na ako ng tubig. Pagkatapos ko ay siya naman ang uminom. Wala naman akong pakialam kung uminom siya sa kaparehong bote, hindi ko lang maiwasang maging conscious talaga. “Wala akong dalang kotse,” I narrowed my eyes on him. “I’ll drive you home. Alam kong pagod ka na rito. Ako na magmamaneho.” I gave him a faint smile and look in front. My cheeks heated. Natapos ang araw na ‘yon na masaya ako at masigla sa ginagawa. Blade let me do my job here and remained waiting for me to finish. Hindi ko na lang din pinansin ang mga babaeng napapatingin o kumakausap kay Blade dahil ayaw kong ma-badtrip habang may ginagawa ako. Dinala ko pa siya sa club namin dahil iniwan niya ang kasama niyang nagdala sa kaniya rito. “Who are you with? Paano ka nakapasok?” I asked him while we’re walking towards the clubhouse. “I was with a friend. She didn’t invite me, but I told her about you so,” napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. “She?” he bit his lower lip. “Don’t worry, she gas a boyfriend. And I also have a girlfriend. I’m not interested to anyone but you.” He seriously said that without f*****g hesitation! Inirapan ko na lang siya para itago ang kilig na nararamdaman. Hanggang sa matapos ako roon ay naghintay siya. Naglalakad na kami papuntang parking lot nang hawakan niya ang kamay ko. He intertwined our hands and his thumb gently caressing the back of my hand that made my heart flutter. Napanguso ako at hinayaan siya sa ginagawa niya. Nakarating kami sa tapat ng sasakyan ko nang pagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Napabaling ako sa kaniya at hindi agad nakapasok sa loob dahil nakita ko ang pag-aalinlangan sa kaniya. Na para bang may gusto siyang itanong pero ayaw niya rin isatinig. “What’s the matter?” I asked carefully. He bit his lower lip and sighed. “Can I… take you to a date today?” hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat sa bigla niyang pag-aaya. Na para bang inaasahan ko ito dahil tapos naman na ang gagawin ko sa school at uuwi na, may oras pa ako para magpahinga. “Okay,” I simply replied and slid inside my car. Naiwan siya roong nakatulala at hindi makapaniwala. “Ano? Tutunganga ka na lang ba riyan?” mabilis siyang kumilos at pumasok sa driver’s seat. I smiled inwardly and just look outside the car, kahit na ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na roon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na rin naman ako nagtanong pa. Hindi rin naman kami lumayo, kalahating oras lang ang biyahe ay pumasok na ang sasakyan sa basement. Pero saka ko lang na-realize na hindi naman hotel and restaurant ang pinuntahan namin, kung ‘di condo tower niya! Kunot-noo ko siyang binalingan. Wala siyang imik na lumabas ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto. “Why… are we here? I thought we’re going to have a date? A lunch date perhaps.” Lito akong tumingin sa kaniya. He smiled at me and scratch his nape. “Uh, I just realized I didn’t reserved us a table in a restaurant I want. Where we usually go. Kaya naisipan kong… dito na lang sa condo ko. Lulutuan na lang kita. I promised you that I will always cook for you, right?” My heart flutter at that. Hindi ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit. I buried my face on his chest and inhaled his smell. Ang bango. “Thank you,” I murmured. He caressed my back. “Anything for my baby.” He kissed the top of my head. Agad na naghuramentado ang puso ko. “I love you…” he said that made my breathing hitch for a moment. “Please… don’t let me go. ‘Cause I won’t let you go either.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD