JUSTINIkalawang araw na at di pa rin ako pinapansin ng tatay. Magkasama nga kami sa loob ng bahay ngunit hindi niya ako iniimik. Ayaw kong sabayan ang kaniyang nararamdaman. Patuloy pa rin ako sa gawaing normal. Ako ang nag-i-iniciate na buksan ang usapan tungkol sa kaniyang desisyon ngunit ayaw niya. Hindi na ako nagtanim ng hinanakit sa ginawa niya sa akin. Naiisip ko rin na dala lang ng galit sa hindi niya inaakala na maging ganito ako. Na mahalin ko si kuya. Basta normal lang. "Tay kain na po." Kakain naman siya pagniyaya ngunit hindi siya nagsasalita. "Tay ito po ang salamin ninyo." Ako na ang nag-abot sa kaniya kahit si nanay ang inutusan. Ako na ang nag-eefort para mapansin niya. Mukha na akong anino niya kakabuntot para lang malaman ko kung ano na ang desisyon sa amin ni

