"Bes, para kang timang dyan" nakasimangot na sabi ni Liz sa akin. Binelatan ko lang sya. Ang saya saya ko nitong nakalipas na dalawang araw. Paano ba kasi, lagi akong nasosorpesa ni Drakola. I didn't expect na manliligaw sya. Waaah! Ganito pala yung feeling ng nililigawan? Akala ko ayos lang sa kanya ang relasyon namin but this time he wants to make it real. Di nga ako makapaniwala nung una kasi nga sabi nya never pa syang nanligaw at lalong never syang nagkaroon ng girlfriend. See? I am that lucky. "Ewan ko sa iyo, kung kelan kayo na ni Drake saka pa ninyo naisipang magligawan" Napatigil ako sa sinabi ni Liz. Hindi naman kasi nila alam na di talaga kami ni Drake, kumbaga naging kami dahil sa isang deal. Kung dati nagsisisi ako kung bakit pumayag ako, ngayon ay hindi na. "Gusto mo?" i

