Ilang araw na akong balisa. Lagi rin akong nagmumukmok sa kwarto ko. Ewan. Hindi ko lang din feel. Nagsimula kasi ito pagkatapos naming mag-away ni Drake. Pagkabukas non ay saka lang nagsink in sa akin ang lahat ng sinabi ko kay Drake. Naguilty ako ng sobra. Gusto kong magsorry pero hindi ko kayang ibaba ang pride ko. Tinry ko namang kontakin siya pero laging unavailable. Nagtext na ako kaso wala ring reply. Ilang araw na din akong walang balita sa kanya. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Ayokong aminin pero may nararamdaman akong kakaiba. Sa kasamaang palad ay totoong namiss ko siya bigla. Instead of focusing on Landon's presence ay si Drake ang laging nasa isip ko. Kagaya nalang noong isang araw na lumabas kami ni Landon. Nawala ang excitement ko pati na rin ang nararamdamang

