Drake's POV "Sino ka?" Dalawang salita lamang ang narinig ko mula sa kanya pero para akong sinaksak ng ilang libong beses. Alanganin akong ngumiti. "H-Honeybee naman, joke lang 'yan diba?" nilapitan ko siya at niyakap " I m-miss you so much, alam mo ba 'yun?" Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya na parang ayaw ko ng mawala siya. Di ko namalayang naiyak na pala ako. Instead of hugging me back, nagreklamo siya sa yakap ko. "A-Aray, di ako makahinga" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nagkamot ng ulo. "Sorry, I just missed you so much. I'm so glad you're awake" Wala akong ibang nakuhang sagot sa mula kanya kundi isang kunot ng noo. "Sino ka ba? " Napatawa ako nang itanong niya ulit 'yun. Nagpapatawa kasi siya. Malamang, I'm his boyfriend. Ah, oo nga pala. We're not yet officia

