Liezel's POV Nagmamadali akong pumunta sa bahay ni tita Belle kasi tinawagan niya ako at tinanong kung alam ko ba kung nasaan si Del. Syempre sumagot ako ng hindi hanggang sa narinig ko syang humagulhol kaya nabahala ako. Kakauwi ko pa lang galing sa group project namin nang tawagan nya ako. Hindi ko rin naman macontact si Del. Ano ba kasing nangyari? I was shocked nang makarating ako sa kanila. I saw Drake and his parents comforting tita Belle. "Tita, what happened? Where's Del?" nagmamadali ko syang pinuntahan at tinanong kung nasaan si bestie. Nang humarap sya ay naawa ako. Namamaga yung mga mata niya. To be honest, this is the first time na nakita ko syang ganito. Niyakap ko sya. Tiningnan ko si Drake pero nanatili syang tahimik. Gusto ko sana syang tanungin sa nangyari pero nanati

