Chapter 37 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Nilingon ni Alyana ang tumabi sa kanya at nagulat nang makita si Cedric. "Sir Cedric?" "Alone again?" tanong nito habang inuusisa ang itsura ni Alyana. Pinunasan niya ang mga luha at inayos ang bestidang gusot- gusot. Inilapit ni Cedric ang isang bote ng tubig sa kanyang tabi. "Tubig," alok nito. "Salamat," sagot niya at agad na kinuha ang bote. Kanina pa naninikip ang kanyang dibdib at kailangan nga niyang makainom ng tubig. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba ng lalaking kasama mo kanina?" usisa nito. Mariin siyang umiling dito. " hindi" "Oh, bakit ka nga umiiyak?" tanong ulit nito. Hindi siya sumagot sa tanong nito dahil nahihiya siyang magkwento. Sa tingin ni Alyana, galing sa mayaman

