Chapter 40 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Alas dos na ng madaling araw nang umuwi si Cristobal. Dahan-dahan siyang umakyat papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang biglang nagliwanag ang buong sala ng kanilang bahay.Gulat na napatingin siya sa baba. "Saan ka na naman nanggaling at dis-oras na ng gabi?" galit na tanong ni Feliz sa asawang lalaki. "Naglibot lang kami sa site at hindi mo na dapat ako hinihintay," sagot niya. "Saang site,? Dahil sa pagkakaalam ko, hindi mo sinama ang driver mo na usually sinasama mo kapag naglilibot ka," sagot ni Feliz, puno ng pagdududa. " Ano na naman bang gusto mong palabasin Feliz," iritableng sabi ni Cristobal sa babae. "It's because you're lying again! Bumabagsak na ang kompanya

