Chapter 26 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗(SPG❗) ALYANA'S POV Nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Alyana at tumakbo papasok ng mansyon. Nakita niyang umiiyak si Lora habang inaayos ang mga gamit nito. Nagulat pa ito nang mapansin siya. "Lora, anong nangyayari? Bakit ang dami kong nakikitang mga trabahador sa labasan, naglalakad at may mga dalang gamit?" Kinakabahan kong tanong. "Wala na, Alyana. Itutuloy na ni Senyorito ang pagbebenta ng hasyenda, kaya pinaaalis na kami. Masama ang loob namin lahat dito dahil hindi man lang niya tinupad ang pangako na mananatili kami dito kapalit ng lupang kinuha ng pamilyang ito para tayuan ng gusali sa bayan." may galit sa boses na sabi nito. Tiningnan ko ito,bakas sa mukha nito na galing sa iyak. "Lora, kakausapin ko si Senyorito.

