Chapter 31 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ ALYANA' POV "Alyana, sigurado ka ba na sasama ka kay Señorito pabalik ng Maynila?" malungkot na tanong ni Lora sa akin habang nag-eempake sila ng gamit ni Noah. Sa panahong nandito ako, sila ang naging mga kasama ko sa hacienda at alam kong tunay ang malasakit nila sa akin. Tumingin ako kay Lora at hinawakan ang kamay niya saka ko siya nginitian. "Lora, masaya ako ngayon," makahulugang sagot ko sa kanya. Bumuntong-hininga ito sa sinabi ko. "Wala naman akong magagawa kung mahal mo talaga eh. Ang pag-ibig talaga, kayang lumimot ng mga masasakit na nakaraan. Sige na nga lang, basta huwag mong kalimutan tumawag sa akin ha. ‘Yung binigay kong number sa'yo, huwag mong iwawala," nakasimangot na paalala nito. Kanina pa siya nagpupum

