Chapter 51 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Nakatayo at nakatingin sa labas ng kanyang office si Noah, mula sa kanyang kinatatayuan kita niya ang buong kalawakan ng metro manila. Ang building na yata niya ang may pinakamataas na gusali sa buong metro manila kaya tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng lugar. Ngayong araw ilang beses na siyang nagalit sa kanyang mga empleyado, at marami na rin ang nakapansin sa pgiging mainitin ng kanyang ulo na dati hindi naman, sabi nga ni Jeff hindi na siya ang dating Noah — madaling lapitan kahit medyo metikuloso sa trabaho. Ngayon, mas naging malamig siya sa lahat. Hindi na rin siya umuuwi sa kanyang bahay at nakasara na ang kanyang condo. It's been six months since Alyana left his care. The last time he saw her was outside

