Chapter 8 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ -ALYANA- Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta pagkatapos ng nangyari sa amin ni Noah. Hiyang-hiya ako sa sarili dahil nagpatangay ako sa aking damdamin. Mababa na nga ang tingin sa akin ng lalaki, ay pumatol pa ako dito. Nanakit ang gitnang bahagi ng aking hita gawa ng walang prenong pag-araro nito kanina. Hinanap ko ang pinto papunta sa labas ng malaki nitong bahay. Nararamdaman ko na hindi ko kakayaning makisama dito at hahanap ako ng paraan para makatakas sa poder nito. Palabas na sana ako ng gate nang may humila sa aking braso. Amoy pa lang nito ay alam ko na agad kung sino ito. "Balak mo ba akong takasan ha?" galit na salya nito sa akin sa semento. Napaigik ako sa sobrang sakit nang tumama ang likod ko sa upuang bakal. Na

