Chapter 22 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗(SLIGHT SPG❗) THIRD PERSON POV Nakaupo si Alyana sa isang malaking bato sa tabi ng dalampasigan. Isang linggo na ang lumipas mula nang siya'y nakalabas ng ospital. Nawala na ang mga pasa sa kanyang mukha, at maging ang sugat sa kanyang paa ay unti-unti na ring naghihilom, salamat sa tulong ng mga kasama niya sa bahay. Sinanay na rin niya ang sarili sa paggising ng maaga at pagtulong sa mga gawaing bahay. Ngayon nga'y nagpaalam siya kay Mang Ben na maglakad-lakad lang. Pumayag naman ito, kahit na mahigpit ang bilin ni Noah na huwag siyang palabasin ng mansyon. Pinagmamasdan niya ang papalubog na araw. Napakaganda nitong tingnan. Itinaas niya ang kamay at tiningnan ito nang diretso, sapat lang para matamaan ang kanyang mukha ng kau

