CHAPTER 35 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Parehong nagulat si Alyana at Claudette nang magharap sila sa sala ng unit ni Noah. Bibisita sana ang mommy nito sa lalaki. Naalimpungatan naman si Alyana mula sa pagkakatulog kaya nakalimutan ang bilin ni Noah na huwag bubuksan ang pinto kapag may nag-doorbell sa labas, kaya ng pinagbuksan niya ang Senyora halos pareho sila ng reaksyon nito. Muntik pang mawalan ng balanse si Claudette nang makita si Alyana matapos ang tatlong taon na pagkakulong nito. Mabuti na lang at nahawakan ito ni Alyana sa braso, pero agad din itong piniksi ni Claudette na animoy diring-diri sa babae. "What are you doing here, criminal ka!"galit na tanong ni Claudette at deretso nag pasok sa sala saka inilibot ang tingin sa buong silid

