Chapter 12 R-18 MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ (DETALYADO PO ITO) ALYANA Kanina pa nakaalis si Noah, ngunit hindi pa rin ito bumabalik sa silid kung saan kami nakatuloy. Nakaupo lang ako sa sofa at hinihintay ang lalaki. Ayaw ko naman matulog nang wala ito, baka mabuhusan na naman ako ng tubig at pagbuhatan ng kamay. Naghikab ako saka lumapit sa kama. Hinimas-himas ko ito saka napangiti nang malungkot. Ang dami ko nang pinagdaanan mula noong bata pa ako. Masaya naman ako noong lumaki sa mansyon nila Noah dahil kasama ko si Tiya Lagring. Para sa akin, napaka-normal palagi ng araw ko; hindi ako humahangad ng sobra basta maiahon ko lang sa hirap ang tiya, okay na ako. Kaya nga ako nag-aaral nang maigi noon. Nakatuntong man ako ng kolehiyo, pero first year college lang dahil naku

