Chapter 49 R-18+ MATURE CONTENT❗ READ AT YOUR OWN RISK❗❗ ALYANA'S POV Para akong na-estatwa at hindi ako makagalaw nang magtama ang mga mata namin ni Noah. Madilim ang mukha nito at halos magtagis ang bagang niya habang hindi binababa ang titig sa akin. Ibinaba ko ang tingin dahil hindi ko kinaya ang mga mga tinging binigay niya sa akin. Napansin ni Cedric ang pagiging aligaga ko. "Bakit?" tanong niya. "Pwede bang umupo muna tayo? Nangalay na ang mga paa ko," palusot ko sa kanya. Mukha namang nakumbinsi ko siya kaya bumalik kami sa mesa kung saan kami kanina nakaupo. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa suot ko na halos kita na ang buong hita ko.Hindi ko naman kasi inasahan na papaayusan ako ni Cedric, kaya nga nakatulog na ako habang inaayusan sa sobrang tagal. Umupo ako nang tuwid

