Chapter 57 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Pagod na ipinikit ni Alyana ang kanyang mga mata habang nakababad sa bath tub. Alas onse na ng gabi at kakauwi lang niya mula sa trabaho. Wala pa siyang kain at dumiretso agad siya sa banyo. Pakiramdam niya'y lagkit na lagkit na ang kanyang katawan sa pawis at hinahanap na nito ang tubig. Ito ang kanyang unang trabaho sa isang malaking kumpanya. Ilang site ang hawak niya at aminado siyang nanibago noong una, pero proud naman siya sa sarili niya, lalo na't napupuri siya ng big boss dahil sa magandang performance. Halos isang taon na siya sa trabaho at kung tutuusin, kaya na niyang bumukod at magkaroon ng sariling tirahan. Ngunit hindi niya maiwan ang kaibigan niyang mas nakatutok na ngayon sa pagiging fashion desig

