Chapter 19 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Alyana's POV Kanina pa nakaalis si Noah, ngunit nakatayo pa rin ako sa aking kinatatayuan. Masyado akong nagulat at hindi makapaniwala na nag-offer siya ng kasal sa akin. Para saan? Bakit ako pakakasalan nito? At kapalit ng pagpapakasal ko ang kabuhayan ng mga nakatira sa loob ng hacienda. Nahihibang na ba si Noah? Kung ganoon, hindi niya ibebenta ang hacienda kung sakaling papayag ako? Napakamot ako sa aking noo at lumabas ng kwadra, naguguluhan ako sa takbo ng isip nito. Galit siya sa akin at wala siyang pakialam kung nakakasakit siya ng tao. Ang pagpapakasal sa kanya? Hindi ko maisip na magandang simula ito para sa aming dalawa. Sigurado ako, may ibang dahilan si Noah. Naglakad ako pabalik ng mansyon pagkatapos ng ilang minuto

