Chapter 70 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON POV Nalaglag ang mga luha ni Alyana nang makaharap ang Tiyang Lagring niya, napahawak siya sa braso ni Noah sa sobrang emosyon. Hindi siya nakagalaw agad , at pati ang matanda ay nagulat din ng makaharap siya. “Alyana, ikaw ba iyan?” Hindi makapaniwalang sabi nito habang nanginginig ang kamay na humaplos sa mukha ni Alyana.Tumango si Alyana at hinawakan ang kamay nito na nasa kanyang mukha. “Oo, Tiya, ako ito.” Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nila sa isa’t isa habang parehong humahagulhol sa sobrang pangungulila. “Tiya, sobrang saya ko na nakita kita,” sabi ni Alyana habang mahigpit na yakap ang matandang babae na malayong-malayo na sa dating itsura nito.Pumuti na ang buhok nito at mas tumanda ng doble mul

