Kahit anong pilit ni Janelle kay Johann na sa mansyon nalang ito tumuloy ay ayaw talaga nitong pumayag. Noong una ay ayaw ding pumayag ni Daddy dahil may kalumaan na daw ang bahay ng Mommy nito pero sa bandang huli ay nakumbinsi nya din ito. Si Johann nalang daw ang bahala kung saan nito gustong mag stay total ay malaki naman na daw ito. Maging sya ay no choice narin kundi samahan ang kapatid nya dahil hindi pa naman ito makakakilos ng maayos. Gusto pa sana ni Daddy na pasamahan kami kay Grace pero mariin na namang tumanggi si Johann. Nang makarating kami sa bahay nang Mommy nya ay napatingin kaagad ako kay Johann. "Sigurado ka ba na dito ka muna titira? Mukha kasing haunted house na itong bahay ng Mommy mo." nahihintakutang sabi nya kay Johann. Bigla namang kumunot ang noo nito dahil

